Paolo Gumabao at Vince Rillon, walang keber sa nude at love scenes

0 22
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Nagsusubuan sina Paolo Gumabao at Vince Rillon kapag lunch break sa shooting ng BL movie nilang Sisid sa Pola, Oriental Mindoro.

"Sobrang comfortable na kasi kami ni Vince sa isa’t isa. Hahaha!" sabi ni Paolo nang maka-chat namin nitong Oktubre 18, Lunes, via Messenger.

"Naging close talaga kami, kaya hindi kami nahihiya sa ganyan. At para pagdating sa eksena, hindi kami maiilang."

Oktubre 7, Huwebes, dumating ang cast at crew ng Sisid sa Pola. Nag-diving lessons muna ang mga artista.

Oktubre 10, Linggo, nagsimulang mag-shoot si Direk Brillante Mendoza. Ang sweet-sweet nina Paolo at Vince sa pictorial na kapwa sila nasa duyan.

Masuyo ang kanilang yapos sa isa’t isa, maging ang pagdampi ng labi ni Paolo sa pisingi ni Vince.

Nitong Oktubre 20, Miyerkules, nasilayan namin ang ilang larawan ng kanilang pagtatalik sa eksena. Maalab! Sadyang nakakadarang ang pagsasalo nila sa kaligayahan. Matutupok ang marurupok!

Tila sinisid nina Paolo at Vince ang mga perlas sa karagatan, at nalasap nila ang sukdulan ng kaluwalhatian!

Ang Sisid ay sa direksiyon ng multi-awarded na si Brillante Mendoza, na ang mga pelikula ay lumahok sa iba’t ibang international filmfests.

Sabi ni Direk Brillante, kapag isinasali nila sa mga international filmfest ang isang pelikula, hindi malaking isyu roon ang mga hubaran at lampungan sa eksena. Normal na sa kanila ang nudity at love scene.

"From the start naman, hindi namin ginawang isyu yung nudity. That’s part of the film. That’s part of the storytelling," lahad ni Direk Brillante.

"Kumbaga, ayoko siyang gawing issue pag gumawa ako ng pelikula. Dito lang naman talaga tayo nagkaroon ng issue na may nudity, kailangang mag-frontal."

Tampok din sa Viva movie na ito sina Kylie Verzosa, Mayton Eugenio, Christine Bermas, at Irma Adlawan.

Walang kinalaman ang istorya ng Sisid nina Paolo at Vince sa Seiko movie na Sisid (2001)—nina Assunta de Rossi, Raymond Bagatsing, at Rodel Velayo—na ang direktor ay si Joey Romero.

Iba rin ito sa Kapuso afternoon series na Sisid (2011)—nina Jackie Rice, Dominic Roco, JC Tiuseco, at Marco Alcaraz—na ang direktor aysa direksyon ni Ricky Davao.

GORGY RULA

Nang nakapanayam namin si Direk Brillante sa DZRH noong nakaraang Linggo, October 17, nilinaw niyang hindi siya nakikiuso sa BL projects.

Maganda lang daw talaga ang istorya at bumagay sa dalawang bida niyang sina Paolo at Vince.

Pero sinasabi na ni Direk Brillante na sobrang matapang ang pelikula, at hindi lang ito basta-bastang BL movie.

Aniya, "Hindi ko sinasabi na BL, just for the sake of BL lang. Seryoso yung atake kasi namin dito.

"And mararamdaman mo sa mga kasamahan mong mga artista, yung gumagawa, walang ano talaga… we have respect."

Mabuti at walang kaarte-arte ang mga artista niya, hindi siya nahirapan. Naintindihan nila ang kuwento at alam nilang kailangang gawin ang mga maseselang eksena.

"Dito, it was very natural for them. Walang…

"Pag sinabi kong gagawin nila, alam na nila yung gagawin nila. They will take off their clothes et cera, et cetera. Ganun lang," sabi pa ni Direk Brillante.

Balak sana niyang isali ito sa ilang international film festival. May director’s cut siyang pang-international film fests, at meron siyang isang cut na para sa Vivamax.

"Meron kaming director’s cut. Nakausap ko na yung Viva.

"So, I will give them yung for their streaming. But I will do a cut na pang-international na hindi puwedeng pang-local.

"Kasi, parang hindi lang 'yan just for the sake na gagawa ka ng BL movie. May limitations din naman dito sa atin," saad ng premyadong direktor.

Nagpapasalamat din si Direk Brillante sa alkalde ng Pola, Oriental Mindoro na si Mayor Ina Alegre dahil in-allow nitong makapag-shoot sila roon.

Maganda ang Pola, maraming magagandang tanawin na bumagay sa kuwento ng pelikulang ito.

Sobrang promong-promo naman yung nagsusubuan habang lunch break.

Basta sana, pagkatapos ng pelikulang ito, ang lahat naman sana ng pagpupunyagi ng mga katulad nina Paolo at Vince ay may pay off at magkaroon na sila ng major role sa mainstream projects at hindi na tinatatakan na Da Hu?!

Ang joke nga, e, baka mas memorized at matatandaan pa ng mga tao ang kanilang frontal exposure kaysa sa kanilang mga pangalan, huwag naman.

1
$ 0.00
Sponsors of TeddyBright
empty
empty
empty
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Comments