Kinumpirma ni Ivana Alawi, 24, na may komunikasyon na sila ni Joshua Garcia, 24, bagamat hindi pa sila nagkikita nang personal.Nabuking na crush ni Ivana si Joshua sa second YouTube anniversary ng aktres noong August 29, 2021.
Bahagi ng message ni Joshua kay Ivana: "Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe."Tinotoo ang pag-follow nila sa isa't isa dahil inamin ni Ivana na may direct messaging (DM) sila ni Joshua sa Instagram.Sa mga binitawang pahayag ni Ivana, halatang bukas ang pinto niya kung sakaling ligawan siya ni Joshua.
Sabi ni Ivana: “Para sa akin kasi, I’m a normal person. Meron akong mga crush, meron akong girl crush, and marami akong hinahangaan. Normal sa akin.”
Sinabi ni Ivana na pangarap niyang makita at makasama sa teleserye si Joshua.Inisa-isa ni Ivana ang mga nagustuhan niya kay Joshua.
“Cute yung mukha. At saka mabait siya.Nakita ko parang family-oriented, pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa nami-meet personally.”
“Okay lang yun,” kinikilig na sagot ni Ivana, 5’5”.
Nagbiro pa si Ogie na baka mag-expect si Ivana na kasama nila si Joshua at sosorpresahin ang aktres.
“Hindi, alam ko yun, ka-chat ko siya. Charing!” sabay tawa ni Ivana.
Natatawang hirit pa ng sexy actress-vlogger: “Alam ko, ano ka ba! Nasa taping siya. Wow, updated?. Di ko alam yun.”
Diniretso si Ivana kung magka-chat sila ni Joshua, at hindi ito itinanggi ng aktres.
“Ano lang, friends...” sagot ni Ivana na sinundan niya ng makahulugang tawa
HAT IF JOSHUA COURTS IVANA?
Sagot ni Ivana: “I think, ha, para sa akin ang hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda o bawat may manliligaw iba-vlog mo agad na, ‘Huy, eto yung ano,’ alam mo yun?
“It should be kept private and special.
“For me, ha, kasi parang ayoko naman iharap agad yung camera sa kanya, or not just to Joshua… sa mga nanliligaw or sa mga manliligaw.
“Parang ayoko lang na iba-vlog ko lahat na, ‘O, guys, o, ganyan, o. Tingnan niyo si ganito.’”
May kondisyon daw si Ivana sa sarili.
“Parang something should be kept private unless sobra sigurado, na super sure na ako sa taong iyon, ipapakita ko [sa vlog].
“Pero ayoko kasi yung bina-vlog ko na, ‘Oy, ito si ano ko, si ganyan,’ and then maghihiwalay.’Tapos ano, idi-delete ko yung video? Ayoko ng ganun. Kung ano yung nasa YouTube ko, walang delete-an.”
Giit ni Ivana, “Gusto ko kung ano ang ipapakita ko, yun na ang magiging asawa ko.”