Jayke Joson my rebelasyon tungkol kay Manny Pacquiao : PERA?

0 21
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Isang longtime ally ni Senator Manny Pacquiao ang nagsalita laban sa boxing champ.

isiniwalat ni Jayke Joson kung bakit nagkalamat ang samahan nila ng Pambansang Kamao.

Naging magkaibigan sina Jayke at Manny mula pa noong taong 2004.

Binansagan si Jayke bilang "Pambansang Anino" dahil palagi siyang nasa likod ng boksingero sa lahat ng laban nito.

Ayon kay Jayke, nag-ugat ang kanilang alitan sa laban dapat sana ni Manny kay Conor McGregor, sa Las Vegas, Nevada sa ilalim ng Paradigm Sports.

Humingi raw si Manny ng advance payment na $1M o mahigit P100M.

Lahad ni Jayke, “Ang plano namin ni Senator Manny Pacquiao bago mangyari itong gulo, ‘Jayke, maghanap kayo ng laban na puwede na ako magretiro, at the same time mas marami tayong Pilipinong matulungan.Yun po yung naayos namin ni Mr. Arnold Vegafria—kami po, Arnold Vegafria, ako, si Mr. Ping Nepomuceno—naayos po natin yung Paradigm Sports. Yun po yung Paradigm, 'yan po yung laban ni Manny Pacquiao at McGregor.”

Si Arnold Vegafria ang business manager ni Pacquiao at pinuno ng Miss World Philippines Organization.

Patuloy ni Jayke, “So, to cut the long story short again, pumirma si Sen MP sa Paradigm para ayusin na 'yang laban na 'yan. And then, dahil sa napapirma na po natin siya, ang gusto niya is... sabihin ko na yung totoo, ha, gusto niyang humingi ng advance, opo, sa Paradigm, na hindi naman nila kalakaran.So, kinausap naming mabuti ang Paradigm para pagbigyan ang ating mahal na senador dahil ang alam namin, itutulong niya kung ano man yung perang ma-raise niya, itutulong niya sa tao, tama po ba?

“And then, naayos po namin, so nagbigay ang Paradigm.On record po 'yan, ha, nagbigay ang Paradigm ng $2 million kay Sen MP as a cash advance since lalaban naman siya kung anong gustong palabanan ng Paradigm.Hindi pa po siya nakuntento dun, e, nasabi niya pa sa amin na dagdagan, gawing $4M.So, nakapagbigay na po tayo ng $2M, humingi pa ng another $2M.”

Pero hindi natuloy ang laban nina Pacquiao at McGregor.

“NAGKASANLA-SANLA PO KAMI”

Ayon pa kay Jayke, sinubukan nila ni Arnold na kumbinsihin at manghingi muli sa Paradigm Sports ng dagdag na dalawang milyong dolyar, ngunit hindi na ito pumayag dahil hindi raw ganun ang kalakaran nila.

Baka rin daw magtampo ang iba pang boksingero na nakakontrata sa kanila.

Bunsod nito, minabuti raw nina Arnold na mag-raise ng pera mula sa kanilang sariling bulsa.

Saad ni Jayke, “So, sabi namin dalawa ni Arnold, tayo na lang gumawa ng paraan para lang mapagbigyan si MP.Nakapag-raise po kami sa sarili naming pera na P65M. So, nakuha po niya P165M sa amin. P65M, sa amin dalawa ni Arnold, personal money. Nagkasanla-sanla po kami para lang itulong at ibigay kay Senator Pacquiao. And then, yung P100M, sa Paradigm.

“To cut the long story again, part 3, nabigay namin ang pera, nagkasanla-sanla po kami, nakuha niya yung pera ng Paradigm, tinakbuhan po kami.Hindi niya sinunod ang kontrata, hindi niya sinunod yung usapan namin. Para bang yung pagkakaibigan namin ng napakahabang panahon, nabalewala.Na ang interes lang namin is para sa ikabubuti niya.”


Dahil sa pangyayari, may nakabinbing kaso si Pacquiao sa Amerika na breach of contract na isinampa ng Paradigm Sports.

Wala pang pahayag ang kampo ni Senator Manny Pacquiao ukol sa isyung ito.

Wala pa ring pahayag si Arnold Vegafria tungkol sa mga sinabi ni Jayke.

Una nang tumiwalag kay Pacquiao ang dati rin nitong matalik na kaibigan na si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson.

May kinalaman naman ito sa pagsusulong ni Manny sa tobacco excise tax sa kabila ng pakiusap ni Singson.

2
$ 0.00
Sponsors of TeddyBright
empty
empty
empty
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Comments