Jake Cuenca NAGSALITA NA!

0 17
Avatar for TeddyBright
2 years ago

Dahil sa hindi pagpara ng actor, pinaputukan ng mga pulis ang kanyang sasakyan upang huminto ito

“For me, in that moment, I was thinking, I was fearing for my life,” pahayag ni Jake. Ayon sa actor, papunta siya sa bahay noon ng kapwa Kapamilyang si Paulo Avelino nang mangyari ang police car chase.

Dagdag pa niya, hindi nakauniporme ang mga pulis kaya nagdalawang-isip siya kung ano ang tamang gawin.

“When you have civilians flagging down my car, armed civilians, flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was to not stop, to go forward, to just get away from trouble,” saad niya. Ayon sa mga ulat, nasagi raw ng sasakyan ni Jake ang sasakyan ng pulis. Pero sabi ng aktor, walang bakas na nakabangga ang kanyang sasakyan.

“Hindi ko talaga naramdaman yung ano, e, yung side-swipe, e, naguguluhan din kami kung sa'n nangyari yung bangga.

“Kasi in my car, there’s no paint from anywhere, there’s no damage in my car, aside from the damage that was caused by the gunshots.”

Naintindihan naman daw ni Jake ang ginawang operasyon ng pulisya sa nasabing lugar.Nakalma lamang daw siya nang makarinig ng sirena ng pulisya at makakita ng mga unipormadong pulis na pumara sa kanya.

Nagulat pa raw si Jake na siya na pala ang hinuhuli ng mga pulis at hindi ang mga sibilyang nagpaputok sa kanyang sasakyan.

Dagdag pa niya, “I followed due process… Hindi ako nanlaban. Hindi ko sila pinahirapan."Walang nakitang ilegal na bagay sa kanyang sasakyan na dalawang beses umanong hinalughog ng pulisya.Tutulong daw si Jake sa delivery rider na natamaan ng bala ng mga pulis nang paputukan ang kanyang sasakyan.

Aniya, kahit inako na ng pulis ang responsibilidad, nais pa rin niyang tumulong dito.

Nabawi na raw ni Jake ang kanyang sasakyan, pero matinding trauma ang naidulot ng insidente sa aktor.

Marami kasing tama ng bala ang kanyang sasakyan at ang isa rito ay malapit pa sa tangke ng gasolina.

“It was very traumatizing,” sabi ni Jake.

Follow us foe more showbiz updates!!

1
$ 0.00
Sponsors of TeddyBright
empty
empty
empty
Avatar for TeddyBright
2 years ago

Comments