Alex Gonzaga nagsalita na sa nangyari!? MIscarriage

0 15
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Isiniwalat ng TV host at social media influencer na si Alex Gonzaga na nakunan ang kanyang una sanang ipinagbubuntis.

Ito sana ang panganay na anak nila ng asawang si Mikee Morada.

Sa kanyang Instagram at Facebook ngayong hapon ng Linggo, October 17, ibinahagi ni Alex sa kanyang followers ang masakit na balita.

Ayon sa Lunch Out Loud host, dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang malaman niyang buntis siya.

Pero three weeks ago ay nakatanggap siya ng "heartbreaking news."

Aniya, "Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum).Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course.So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story."

Ang blighted ovum o anembryonic pregnancy ay isang kundisyon kung saan ang fertilized egg ay naka-attach sa uterine wall ngunit hindi nag-develop ang embryo nito.

Sabi pa ni Alex, nasubok ang kanilang pananampalataya sa Panginoon sa mga araw na naghihintay silang mabuo ang kanyang ipinagbubuntis. Umasa raw sila ng milagro para matuloy ang kanyang ipinagbubuntis.

Pero hindi na raw talaga nabuo ang embryo sa kanyang sinapupunan kaya isinasara na nila ang bahaging ito ng kanyang unang pagbubuntis.

Aniya, "The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday, the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.DON'T EVER LOSE HOPE"

Ibinahagi raw nina Alex ang kanilang pinagdaanan upang magsilbing pag-asa sa ibang mga mag-asawa.

Alam din daw niyang sa ibang pagkakataon ay makakabuo muli sila ng supling.

Aniya, "We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you.To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope.It’s not your fault this happened. At your own pace you can start to grieve and heal.Mikee and I held on to our Lord Jesus to prepare and help us accept our situation.He blessed us with a kind of LOVE that is ready to understand. We know that in His perfect time He will bless us with our ultimate desire."

Mensahe pa niya sa panganay sana nilang anak: "To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span."

Dagdag niya, "Lastly, thank you to everyone who gave us time to heal."

0
$ 0.00
Sponsors of TeddyBright
empty
empty
empty
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Comments