Alessandra de Rossi, "answered prayer" ang Gawad Urian Best Actress award

0 22
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Tumpak ang kutob kong si Alessandra de Rossi ang best actress sa mapagpalayang gabi ng 44th Gawad Urian para sa natatanging pagganap niya sa Watch List.

"Maraming-maraming salamat po sa pagpili sa akin bilang best actress," pahayag ni Alessandra.

"Honestly, ano, e… parang mas sanay lang ako pag Urian na, 'Always the bridesmaid, never the bride,' sabi nga nila. Parang mailap daw sa akin yung best actress.

"But, nung ito, ngayon… parang di ko alam kung paano ko siya tatanggapin. Kasi, sa sobrang sanay ko na matalo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Naalala ko kasi, sabi sa akin ng mama ko, every time na may Urian, isinesenyas sa akin noon na, 'Anak, nominated ka. Anak, mananalo ka!'

"Ako, parang lagi kong gusto na mapunta siya sa iba. Parang gusto ko lagi na mapunta na lang siya dun sa mas may kailangan, parang ganun. So, never akong umasa na mananalo.

"Pero lagi niyang sinasabi na, 'Ikaw, ikaw ang dapat manalo! Ikaw 'yan!' Ganyan-ganyan.

"Hanggang nitong huli, sabi niya, 'O, anak, nominated ka na naman. Ikaw na talaga ‘to!' Sabi ko, 'Hindi, kay ganun 'yan mapupunta, alam ko na!'

"Tapos, sabi niya, 'Hindi ako titigil magdasal na magkaroon ka ng Urian!' Eto ngayon, pakiramdam ko, parang… nagkatotoo na lahat ng dasal ng nanay ko!

"Sa kanya ko siya iniaalay [itong award]. And of course, sa daddy ko na alam ko na mag-iikot na naman sa buong town para sabihin na nanalo ang anak niya!" pagbungisngis muli ni Alessandra.

Nagpasalamat ang aktres sa lahat ng kasama niya sa Watch List, lalo na sa direktor na si Ben Rekhi na aniya ay "so forgiving of my mistakes pero we had a good collaboration."

Dagdag ni Alessandra, "Thank you so much for offering this project—this semi-Hollywood project na hindi ko kinailangang mag-audition.

"So, kung humingi siya ng audition, malamang, wala ako dito ngayon!"

Isa si Alessandra sa apat na artistang Dekada awardees, the other three being Nora Aunor, Angeli Bayani, and John Lloyd Cruz.

Si Nora, pitong beses nang nag-best actress sa Gawad Urian, samantalang si Angeli ay nag-best actress para sa Norte, Hangganan ng Kasaysayan.

Si John Lloyd ay nag-best actor para sa Honor Thy Father.

E, si Alessandra, dalawang dekada nang artista, best supporting actress trophy pa lang ang nakamit sa Urian para sa pelikulang Sta. Niña.

Ngangey si Alessandra sa mga nakaraang best actress nomination niya para sa AzucenaMga Munting TinigKa OryangBaybayinBambatiKita Kita, at Lucid.

Mahiwaga na pagpugayan siyang isa sa tatlong Natatanging Aktres ng Dekada.

Tapos, kabog ang kahusayan niya kay Jasmine Curtis (Alter Me), Glaiza de Castro (Midnight in a Perfect World), Charlie Dizon (Fan Girl), Shaina Magdayao (Tagpuan), Bela Padilla (On Vodka, Beers, and Regrets), Lovi Poe (Malaya), Sue Ramirez (Finding Agnes), o Cristine Reyes (Untrue), di ba?!

Oo, Marites! Sa limang nominadong best supporting actress, tabla sina Hazel Orencio (Lahi, Hayop) at Dexter Doria (Memories of Forgetting).

Sabi ni Dexter, muntik na siyang magka-mild stroke nang mabalitaan niyang nominado siya. "Iyak ako nang iyak!" bulalas ng beteranang aktres.

Ang recipient ng Natatanging Gawad Urian 2021 na si Direk Lav Diaz ay nagwagi rin sa kategoryang best screenplay para sa Lahi, Hayop.

Ang first-ever winner sa kategoryang Best Animation ay ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. Wala itong kalaban sa kategoryang ito. Take note na nominado rin ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story sa kategoryang best picture, kung saan nagwagi ang documentary na Aswang.

Opo! Aswang ang unang documentary na itinanghal bilang best picture sa kasaysayan ng Gawad Urian. Nakamit din nito ang award para sa best documentary.

Nag-streaming ang 44th Gawad Urian ngayong Oktubre 21, Huwebes ng gabi, sa Facebook page ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at YouTube channel na TVUP.

Narito ang talaan ng mga nagwagi:

  • Best Picture: Aswang

  • Best Director: Alyx Arumpac (Aswang)

  • Best Actress: Alessandra de Rossi (Watch List)

  • Best Actor: Nanding Josef (Lahi, Hayop)

  • Best Supporting Actress: Hazel Orencio (Lahi, Hayop) at Dexter Doria (Memories of Forgetting)

  • Best Supporting Actor: Micko Laurente (Watch List)

  • Best Screenplay: Lav Diaz (Lahi, Hayop)

  • Best Cinematography: Alyx Arumpac at Tanya Haurylchyk (Aswang)

  • Best Editing: Joselito Altarejos (Memories of Forgetting)

  • Best Production Design: Darrel Manuel (Memories of Forgetting)

  • Best Sound: Corrine de San Jose (Midnight in a Perfect World)

  • Music: Jhaye Cura at Paulo Protacio (The Boy Foretold by the Stars)

  • Best Animation: Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story

  • Best Documentary: Aswang

  • Best Short Film: Ola

Matunog na kay Charlie Dizon ng Fan Girl mapupunta ang Gawad Urian Best Actress award, pero nasungkit ito ni Alessandra de Rossi.

Mabuting nakuha na rin ni Alex ang naturang award, dahil ilang beses na siyang na-nominate sa naturang kategorya.

Siguro naman, babalik ang interes ni Alessandra sa paggawa ng pelikula o kaya sa TV drama, dahil sayang ang galling niya kung hindi na ito mapapanood.

Kahit virtual, maayos pa ring nairaos ang paggawad ng parangal ng mga Manunuri.

Malaking bagay yung partisipasyon ng mga kinikilalang artista kagaya nina Cong. Vilma Santos, Coco Martin, at Nora Aunor, dagdag pa ang mga magagaling na artista na nakatanggap na ng parangal mula sa mga Manunuri.

Congratulations sa lahat na nagwagi!

Sana, sa susunod na taon ay live na at sa entablado na sila mapapanood, pati na rin ang iba pang award-giving bodies.

Maganda ang acceptance speech at post ng Team Aswang na history-making na first documentary na maging Best Picture ng Gawad Urian.

Sabi nila, sana ay hindi na magkaroon ulit ng pelikulang tulad ng Aswang dahil tatapusin na natin ang pamamahala sa lipunan na nagbubunsod ng ganitong realidad katulad ng ipinakita nila sa pelikula.

Kaya sabi ng mga manlilikha, nawa’y gamitin natin ang boses at boto natin nang maayos sa susunod na halalan! ANG GALING LANG!

Matingkad na ipinapakita rito ang pagtatalaban ng PELIKULA at LIPUNAN.

Naantig din ako sa talumpati ng Aktor Ng Dekada na hinalintulad ang buhay niya at ang kanyang sining sa paglililok.

Nakakaiyak nang kilalanin ni John Lloyd Cruz isa-isa ang mga naging tagapagpanday ng kanyang sining at kamalayan sa nakalipas na Dekada.

At tuluyan na akong naluha nang ihandog niya ang kanyang karangalan kay Elias na kanyang anak na itinuturing niyang kanyang pinakamahalagang parangal.

NAKAKA-MISS SI LLOYDIE. Sana, patuloy pa natin siyang makasama sa ating larangan.

1
$ 0.00
Sponsors of TeddyBright
empty
empty
empty
Avatar for TeddyBright
3 years ago

Comments