Anu nga ba ang tunay na dahilan at napatigil biglaan ang operasyon ng sky direct na halos nakaapekto sa mahigit 1.5 milyong subscribers nito? Ating alamin ang mga dahilan kung bakit napatigil ang operasyon ng sky direct.
Una, ang sky direct ay isang broadcast satellite subscription service na pag mamay-ari ng sky na sya namang pag mamay-ari ng ABS-CBN.
Pangalawa, nag bigay ng kautusan ang National Telecommunication Commission o NTC sa Sky Cable na agarang ipatigil ang operasyon ng Direct Broadcast Satellite Service nito sa buong pilipinas. Sa kadahilanang sinabi ng NTC na ang prangkisa ng Sky Cable ay napaso na nitong nakaraang Mayo 4, 2020.
Sa pag paso ng prangkisa ng Sky Cable sinabi ng NTC na wala ng valid na rason ang Sky Cable na mag operate at e maintain ang nasabing direct broadcast service nila.
Inutusan din ng NTC na ibalik ang lahat ng bayad o binayad ng mga subscribers nito. Ipagpapaliwanag din ang Sky Cable sa loob ng Sampung araw para sa kanilang panig.
Kayo ba ay sang-ayon sa ginawang hakbang na ito ng NTC? Sa tingin nyo ba ay makatarungan ang ginawang ito ng NTC?
Kayo na po ang humusga.
Sources: wikipidea, GMA news online