Panaginip

3 22
Avatar for Teacherjoey
4 years ago

Magandang araw! Nais ko lamang ibahagi sa inyo ang isang napakasamang panaginip ko nitong nakaraang araw.

Panaginip na hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring inaalala kung anu nga ba ang kanyang kahulugan at anu ang nais nitong ipahiwatig sa akin.

Sa aking panaginip ay ako daw ay dumalaw sa isa sa mga tyahin ng aking matalik na kaibigan. Ang tyahin nyang ito sa may ari ng isang palaisdaan na kung saan ay kanila na ring negosyo. Sa aking pag dalaw sa kanilang lugar ay nataong dumating ang kanilang mga bangka na puno ng huling isda. Ang tyahin ng matalik kong kaibigan ay sya mismo ang hands on sa pag aayos at pagkikilo sa lahat ng huling isda ng kanyang mga tauhan.

Sa kanyang pag mamando sa kayang mga tauhan ay biglang dumilim ang kalangitan at nag gagalaiti bigla ang buong karagatan tapos biglang nakita ko na ang isang bangka nila ay nasa gitna na ng karagatan at nakasakay na duon nag tyahin ng matalik kong kaibigan na sakal- sakal ng isa sa mga tauhan nya at tumatawa na parang isang demonyo. Tawang nakakapanindig balahibo at tawang kaylan man hindi ko pa naririnig sa tanang buhay ko.

Tapos biglang hinulog ang tyahin ng kaibigan ko sa naggagalaiting dagat at biglang nag laho ang bangkang kanilang sinasakyan kasama ang tauhan ng tyahin ng kaibigan ko.

Sa kanilang pag laho ay biglang pag babalik ng kalmadong dagat at biglang pag bulusok ko sa kailaliman ng dagat na sya namang biglaang pagkakagising ko sa aking isang panaginip.

Hindi ko alam kong bakit bigla akong bumulosok sa ilalim ng dagat o kung bakit ako napunta duon. Ito ang isa sa mga katanungang hanggang ngayon ay patuloy kong hinahanapan ng kasagutan.

Kasagutang kaylan ko kaya mahahanap. Panaginip na kaylang ko kaya malalaman ang ibig sabihin.

2
$ 0.00

Comments

Para po sakin ang panaginip ay isang malayang pag iisip ng ating utak kapag tayo ay tulog.. wala tayong control dito.. ang kahulugan neto ay nasasa atin na lamang kung panu eto bibigyan ng kahulugan.. sariling opinyon ko lang po eto...

$ 0.00
4 years ago

Salamat po sa iyong opinyon.

$ 0.00
4 years ago

Ganyan ak pag nanaginip ng hindi k maintindahan..ginagawa ko sinesearch ko anung ibig sabihin..pag nalalaman ko kung hindi maganda,lumuluhod ak at nanalangin.

$ 0.00
4 years ago