Pekeng Suka ng Balyena (Bogus Money sa ATM)

0 15
Avatar for Tanya24
2 years ago

(Column Writing)

Laganap na nga lang ang kahirapan sa bansa, marami pang mga tao ang MANDARAMBONG at mapagsamantala sa kapwa. Tila apoy na lumiligablab ang isyung pagkakaroon ng mga pekeng banknotes sa mga Automated Teller Machine. Kaya naman ang mga naging biktima ay nagbabaga ang kanilang mga binibitawang salita.

Kung maaari ko lamang burahin ang mga taong mapagsamantala ay malamang, matagal na silang naglaho kagaya ng pagkalaho ng mga halaga at tinta sa mga “bogus money”. Kung maaari ko lamang butasin ang ulo ng mga taong ito ay matagal na sana itong butas kagaya ng kanilang “pagbutas sa bulsa” ng mga naging biktima. Aanhin pa ang perang makukuha sa ATM kung pagkalabas nito ay wala namang halaga? Saang dako pa ba hahabulin ng mga biktima ang perang ninakaw mula sa kanilang pinag- ipunang pera kung naglahong parang BULA ang mga taong may gawa?

Nito lamang mga nakaraang araw ay tila ba “salbabida” na biglaan nalang lumutang ang isyung pagkakaroon ng mga fake banknotes at bogus money sa ATM. Kaya naman ayon kay Senator Grace Poe, ang mga taong biktima ay hindi dapat ang managot sa mga fake ATM bills kung hindi ang mga Bangko Sentral ng Pilipinas. Sa ganang akin ay nararapat lamang na palitan ng mga Bangko Sentral ng Pilipinas ang perang walang halaga na nakukuha ng mga biktima sapagkat sila ang responsable sa mga perang pinahawak ng mga taong nagtiwala.

“Reminders by the Bangko Sentral ng Pilipinas to be alert of fake bills from the ATMs are disquieting and raise the question on how the bogus money can find its way into the banks’ machines”, ito ang paalalang binitawan ni Senator Grace Poe at ng BSP sa mga tao dahil sa laganap na pagkakaroon ng mga bogus money at fake banknotes sa mga ATM machines. Ngunit kahit ano pang paalala ng BSP ay hindi pa rin ito sapat upang patigilin ang hinaing ng mga taong tuluyan nang nabiktima sa mapanlinlang na makinarya. Ito ay patunay na nagkulang at napabayaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang tungkulin upang pangalagaan ang pera na ipinagkatiwala sa kanila. Kaya naman tama lamang na responsibilidad ng BSP na sagutin o palitan ang perang walang halaga na nakuha ng mga biktima.

Upang tuldukan ang “mabahong estero” na seguridad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay kinakailangang magsagawa sila ng REGULAR INSPECTION para siguruhing walang mga bogus money at fake bank notes ang naipapadala at naipapasok sa mga ATM machines. Bilang pandagdag na solusyon sa “malatubig-kanal” na daloy ng transakyon ay nagpatupad ang pamahalaan ng batas para parusahan ang mga taong responsable sa pagnananakaw at pagsasamantala sa pera ng kapwa. Base sa Revised Penal Code ay tinatayang makukulong ng 12 taon at magbabayad ng hindi hihigit sa 2 milyong piso ang taong lumabag sa batas na ito. Ang mga solusyong ito ay aking masasabi na sapat na para magsilbing “bukal ng pag- asa” na lilinis sa mabahong estero (ATM machine) na bumubulwak ng tubig- kanal at burak (fake bank notes at bogus money).

Kayamanan? Mahalaga? Kinakailangan? Ang lahat ng iyan ay walang kwenta kapag bogus money o fake banknotes ang perang isinuka ng ATM machine. Sa mga taong responsable sa mga nagliliyab na isyung ito ay karapat- dapat na maparusahan sapagkat kapag ito ay nagpatuloy, maraming tao ang magiging biktima sa pekeng “suka ng BALYENA”. Kung bakit aking kinumpara ang ATM sa “suka ng balyena” ay dahil katulad ng ATM machine, ang mga suka ng balyena ay may dumadagundong na halaga.

1
$ 0.00
Avatar for Tanya24
2 years ago

Comments