"Ako si Demya"

9 19
Avatar for Tanya24
4 years ago

Alingasngas sa paligid kita nakilala. Hindi ko mawari kung saang lupalop ka nagmula, kakaiba ka at hindi ko namamalayan na unti unti mo kong natutukoy kung nasaan akong bansa. Isa lamang akong hamak na OFW na ang tanging hangad ay muling makasama at mahagkan ang aking minamahal na pamilya. Subalit sinira mo ang pag-asa kong masilayan ang kanilang mga mukha.

Isang pinuno ng barangay ang aking ama. Labis niyang iniisip ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan ng kaniyang nasasakupan. Ngunit kahit anong kandili ang itaguyod ay di maiiwasan ang ano mang uri ng dagok sa buhay. Ngayong narito ka sa aking kinalakihang bayan, ano’t tila walang patawad kang namemerwisyo sa pook kong tahanan. Ang tangi mo bang adhikain ay mabawasan kami ng sa gayon ay makahinga ka ng matiwasay sa hinihiling mong maluwag na kapaligiran? Samot saring hinanaing ang binabato sa aking ama, nasaan na daw ang tulong na binigay ng pamahalaan. Ang mga kwentong barberong umaalingasaw sa paligid na mistulang mananakop ay unti unti pang nadadagdagan. Bakit nasa ama ko ang lahat ng sisi? Hindi iniisip ng mga nilalang na mahirap gumalaw sa mundong nababalutan ng malubhang sakit. Hindi ang ama ko ang pangulo ngunit heto siya at pasan pasan ang daigdig at umaasang matatapos na itong pasakit.

Narito ang sumunod sa akin, siya si Efil ang dakila kong kapatid. Tungkulin niyang maglingkod sa mga taong may sakit. Iba’t ibang uri ng karamdaman ay kaniyang nalampasan subalit si ka PANDEMYA? Hindi nakikita pero matinik. Kahit butas ng karayom ay di mo pinalagpas at ika’y sumakop sa maliit. Halos dugo’t pawis ang ialay ng aking kapatid para lang mapagaling ang mga may malalalang sakit. Walang sapat na oras na pahinga at kain sa dami ng mga taong nakapitan mo at humihiling na sila ay gumaling. Halos sigundo o minuto may sinusugod at naglalaho. Bagamat nasanay na silang masilayan ang mga taong yumao ay higit lalong masakit sa panahong ito na binuhos na nila ang kanilang makakaya datapwat sa huli bumitaw sila’t namaalam na. Sa bawat taong gumagaling kaakibat nito ay saya na nararamdaman ng aking kapatid, bagamat nahihirapan man ay masilayan lamang niya ang mga ngiti sa labi nabahiran na ito at napalitan ng pag-asa na gagaling din ang nakararami. Isang hiling mula sa aking kapatid, ang mga tao sa mundo ay magkaisa at magtulungan upang sa gayon mapigilan ang pagkalat ng pandemyang ito.

Sa aking bunsong kapatid, tila huminto ang oras sa pagtakbo upang pangarap ay abutin. Pinagkait ng kapalaran na siya’y matuto sa paaralang hatid ay leksyon at aral sa paligid. Sapat nga ba ang pagkakataong magaral sa likod ng krisis? Kasangkapan sa virtual na pag-aaral ay kakayanin ba ng nakararami? Paano na kung walang magulang na kaakibat upang matuto sa mga aralin? Tama bang tahakin ang bawat sandali?

Aking ina, ikaw ang ilaw sa nagdidilim kong paligid. Ngayon napapaisip akong lisanin na ang mundo upang maibsan ang sakit. Ang tangi kong iniisip, bakit ako pa? hindi ako naging pabigat sa mundo pero heto ako at hindi nakaligtas na makapitan ng sakit. Bilang isang ina at magulang sa aming magkakapatid hindi mo nalilimutan na sabihin ang mga salitang “ang diyos higit lalong tutulong sa inyo” at “manalig lamang kayo, tutulungan kaniya at gagabayan”. Subalit bakit heto ako nanalig pero di naiibsan ang sakit, nakalimutan na niya ba ako ang tanging tanong ko sa sarili. Sa bawat araw na lumipas binibigyan niya ko ng palaisipan upang buuin muli ang aking sarili. Ikaw tanging ina ang nagpapamulat sa akin na kahit nasaan man ako malalagpasan ko ang pagsubok na binigay ng Panginoon sa akin.

Ngayong umaga abot tanaw ko ang kalangitan, ang tamis ng sandaling ito dahil sa wakas nakalaya na ko sa pandemyang muntik na mapabagsak sa akin. Naririnig ko at nakikita ang mga ibong nagbibigay kasiglahan sa langit nawa’y sana sa lupa ay bumalik ang nakagisnang gawain. Mga batang humahalakhak sa tuwing naglalaro sa lansangan, mga estudyanteng bitbit ang kanilang mga gamit upang pumasok sa sintang paaralan, mga kapwa magulang, ate o kuya na nagtatrabahong muli para sa ikakabuhay. Nawa’y ang liwanag ay muling maghari sa sanlibutan at muli tayong magiging malaya sa pandemyang buhat ay kahirapan.

3
$ 0.00
Avatar for Tanya24
4 years ago

Comments

May diyos kami

$ 0.00
4 years ago

Ikaw lang si demya

$ 0.00
4 years ago

Great

$ 0.00
4 years ago

Thank you so much😇

$ 0.00
4 years ago

My pleasure

$ 0.00
4 years ago

I very liked your article too Fayaz.. can you please help me to inspire more?can you recommend to your friends that if they have time please visit my articles..THANK YOU😇😇

$ 0.00
4 years ago

Yeah sure i will visit yours and your visit mine

$ 0.00
4 years ago

No problem friend i'm already a fan of yours

$ 0.00
4 years ago

Mga kapwa ko pinoy diyan,react naman😁

$ 0.00
4 years ago