Isang Buong Taon ng Eskwela

2 42
Avatar for Tamia
Written by
3 years ago

Naaalala ko noong ako'y nasa ika-unang baitang pa lamang ng elementarya, labis ang aking iyak sa bawat araw ng kanyang paghatid sa akin patungo sa aking paaralan, pilit ko sa kanyang sinasabi ang mga salitang "Ayokong pumasok" at "Mamaaa". Kaya't kung minsan ay nagdadala siya ng pamalo para lamang takutin ako na pumasok sa loob ng aming silid aralan. Nakakatawang maalala ang lahat ng mga kahinaan ko noon na siya ngayong labis ko nang ikinasasaya, na kung minsan ay ayoko nang umuwi pa sa aming tahanan dahil sa kaaliwan ko sa aming paaralan.

Marahil ang lahat sa atin ay dito natutunan ang pag-gagala kasama ang ating mga malalapit na kaibigan, gawin ang mga bagay na hindi pa natin nagawa sa buong buhay, magkaroon ng paghanga sa isang tao, masaktan, mangopya, magreport sa harap ng klase, mapagalitan ng guro, mag floor wax ng sahig ng klasrum, magperform ng sayaw para sa isang proyekto, matali ang bag sa upuan, manguha at mawalan ng ballpen, makapag cut ng klase at higit sa lahat ang maranasan ang isa sa pinaka memorableng araw sa ating buhay... ang grumaduate.

Sa artikulong ito, ibabahagi ko sa inyo ang isang buong taon ng isang eskwela, mga kaganapan at karanasan sa loob ng sampung buwan na kasama ang ating mga kamag-aral at guro.

Buwan ng Hunyo at Hulyo

Narito sa mga buwan na ito ang pagpapakilala ng iyong sarili sa harap ng klase, nariyan ang iyong pangalan, edad, kapanganakan, ang iyong personalidad at minsan kung mamalasin ay nariyan din ang pagbabahagi ng iyong talento na siyang isa sa dahilan ng pagkawala ng iyong dignidad. Sa buwan ng Hunyo, madalas ay tahimik pa ang klase dahil sa nagkakailangan ang mga magkakaklase, makikita mo rin dito ang mga kaklase mong kung tawagin ay "rich kid" dahil sa kanilang mga notebook na mala-gatas sa puti ang papel, mga ballpen na iba't iba ang kulay, magagandang bag at makikintab na mga sapatos. Malimit mo ring makikita pa ang mga kalat sa bawat sulok ng silid aralan ngunit unti unti rin namang makikitaan sa pagsapit ng buwan ng hulyo. Sa pangalawang buwan o Hulyo naman ay makikitaan mo ang unti unting pagusbong ng ingay ng klase, nagkakaroon na ng closeness ang iba't ibang estudyante sa bawat isa, ngunit marahil ay naroon pa rin ang kahiyaan ngunit kakaunti na lamang. Sa buwan rin na ito masgaganap ang mga freding program at mga pakain dahil ito ang National Nutrition Month.

Sa unang dalawang buwan rin na ito, madalas magdiwang ang ilan dahil dito madalas nagaganap ang mga suspensiyon sa klase dahil sa bagyo.

Buwan ng Agosto at Setyembre

Sa pagsapit ng mga buwan na ito at sa mga susunod pa, mararanasan ang madalas na mga programa sa buong paaralan. Unang una para sa buwan ng Agosto ay ang Buwan ng Wika bilang pagpapahalaga sa sarili nating wika. Nariyan ang mga patimpalak gaya ng sabayang pagbigkas, tula, pagtatanghal at iba pa. Sa buwan naman ng Setyembre ay magaganap ang Science Month, marami uling magaganap na mga events sa paaralan na may kinalaman sa siyensiya. Magkakaroon ng mga pambato ang iba't ibang mga klasrum sa isasalang sa quiz bee at iba pang patimpalak. Sa mga buwan rin na ito nakakaganang pumasok dahil sa mayroon na tayong mga kaibigan, maingay na rin ang klasrum na siyang ikina iistress naman ng mga guro.

Buwan ng Oktubre at Nobyembre

Ito ang mga buwan na puno ng mga events at mga surpresa sa buong paaralan dahil dito ginugunita ang Teacher's Month tuwing Oktubre. Kaya't madalas mong makikita ang katagang "My Teacher my hero" sa mga gawa ng mga estudyante na sumali sa mga slogan making contests. Madalas mo ring makikita ang ilan sa iyong mga guro na maraming bitbit na nga bulaklak at letters galing sa kanilang mga minamahan na estudyante. At nakakasiguro akong minsan ka ring nagbigay ng mga ito sa paborito mong mga guro ๐Ÿ˜Š. Ang ilan ay sinusurpresa pa ang kanilang mga guro na siyang isa sa mga masasayang araw ng buong taon dahil puno lamang ito ng mga programa at walang pagtuturo o klase. Sa buwan naman ng Nobyembre ay madami ring kaganapan, itong mga buwan na ito ang simula ng pagkabusy ng bawat estudyante para sa mga darating pang mga competisyon sa paaralan na siyang lalahukan ng bawat seksyon.

Buwan ng Disyembre at Enero

Sa mga buwan na ito madalas tayong wala nang ginagawa sa silid aralan, dahil puno ito ng mga celebrations at events. Sa buwan ng Disyembre nariyan ang isa sa pinaka inaantay ng mga estudyante, ang Christmas Party na siya nilang pinaghandaan at pinagplanuhan mula sa mga nakalipas na buwan. Makikita mo ang mga pinaghandaang kasuotan ng iyong mga kaklase, matitikman mo na rin sa wakas ang mga pagkaing pinagplanuhan at pinag-ambagan ninyong magkakaklase sa mga nakalipas na linggo, nariyan rin ang mga palaro at higit sa lahat ang piktyuran ng buong klase kasama ang kanilang guro. At hinding hindi mawawala, ang gala ng magbabarkada matapos ang party. Makikita mo ang mga iyan sa mga mall o mga sikat na malalapit na pasyalan, masayang sinusulit ang mga sandaling kasama ang mga kaklase bago ang dalawang linggong break mula sa pag aaral. Sa pagbalik naman sa buwan ng Enero, nariyan ang Intramurals. Dito magsisimula ang halos araw araw ninyong pag eensayo sa sayaw na nilahukan ng iyong klase. Ito ang buwan na pinaka nakakapagod pero pinakamasaya dahil sa mga masasayang sandali kasama ang mga kaklase manalo man o matalo.

Buwan ng Pebrero at Marso

Dito mo masasaksihan ang mga paglalahad ng mga sikretong umiibig na mga lalaki sa mga babaeng hinahangaan nila sa paaralan, nariyan rin ang mga pasurpresa ng mga magkakasintahan sa isa't isa. At sa pagpatak ng ika 14 ay bubungad sayo sa pagpasok mo ng iyong paaralan ang mga booths gaya ng Marriage booth, Jail Booth at iba pa.

Ikaw, naranasan mo na bang makatanggap ng bulaklak o ano pa mula sa taong umamin na hinahangaan ka sa araw ng mga puso?

Ako kasi hindi hahaha!

Marso, nariyan ang mga field trips at ang event na pinaka magiging memorableng araw ng iyong high school... Ang Prom Night. Marahil ang lahat ay dito naranasan ang kauna-unahang sayaw nila, na may tugtog na mababagal at pagkaing tinipid ng eskwelahan LOL. Ngunit matapos ang lahat ng ito, dito na papasok ang pagtatapos ng taon. Hindi maikukubling nakakalungkot ang huling buwan na ito dahil ang pagsasama sama ninyong magkakaklase ay magtatapos na. Lalo't kung kayo ay nasa huling taon na, nariyan ang mga naiiyakan habang suot ang toga, halong saya dahil ikaw ay tapos na ngunit may lungkot rin dahil muli na kayong magkakahiwa hiwalay ng iyong malalapit na kaibigan.

Noon, para sa akin walang masaya sa paaralan, ngunit nang tumatanda na ako, doon ko napagtantong masaya pala mag-aral, masaya palang matuto, masaya palang magkaroon ng mga kaibigan at ang saya palang magkaroon ng mga masasayang alaala sa paaralan na siguradong dadalhin ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko.

Sobrang saya pala...

โ™กโ™กโ™ก

At ito ang aking artikulo para sa araw na ito, salamat sa pagbabasa!

Image Used:

https://www.pinterest.ph/pin/605804587381614254/ (Lead Image)

If you have some time, you can read some of my articles โ™ก

Have a nice day wonderful people.

2
$ 1.77
$ 1.72 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Claire.24
$ 0.02 from @Sequoia
Sponsors of Tamia
empty
empty
empty
Avatar for Tamia
Written by
3 years ago

Comments

Hahaha lahat ng sinabi mo ay tama. Minsan talaga kapag buwan ng Hunyo parang antahimik ng silid-aralan tapos higit sa pinakaayaw ko ang pagpakilala sa iyong sarili... Don naman sa Pebrero I feel you wala pang nagbigay sakin nyan when kaya

$ 0.01
3 years ago

Baka otw na yung magbibigay satin ng flower sissy ๐Ÿ˜‚ sa edsa ata dumaan till now natraffic pa din

$ 0.00
3 years ago