Walang pamagat

0 11
Avatar for Tagalog
2 years ago

Sisimulan ko sa umpisa

Na kung saan akoy lubos sayong humanga

Ang iyong ganda ay tila liwanag ng buwan

At Ang iyong ngiti ay parang bituin na kumikinang

Ang mapupula mong labi ay kay sarap halikan

Pero teka, wag mong isiping Isa itong kabastusan

Dahil Mahal, lubos ako sayoy gumagalang

Kayat sanay hayaan

Mong alayan kita ng tula

Tula, na makakapag sabi kung gaano ako kasaya

Tula na ang layunin ay iparating sa iba Ang nararamdaman ko sayo sinta

Kaya pwedi ba? Hayaan mong ako nalang Ang magdala

Ng mga gamit mo tuwing umaga

At pag dating ng hapon ay ihahatid pa kita

Kaya Mahal pwedi ba? Pwedi bang samahan mo ako?

Hawakan mo ng mahigpit ang kamay ko

Hawakan mo ng mahigpit ang kamay ko na para bang ayaw mo akong mawala sayo

Mahal, Alam mo bang kay saya ko at

SA wakas kasi andito ka na sa tabi ko

Nakahawak ka ng mahigpit hindi lang dahil ayun sa gusto ko,kundi dahil ayun Ang gusto nating pareho

Ngunit Mahal, tela ba pinaglalaruan Tayo Ni kopido

Hinde ko inisip na mag babago ang lahat ng to ng may dumating na siya

SA Mundo mo

Naiwan ako ng di ko alam kung bakit nag kaganito💔

Sobra akong nasaktan at na bigo

Mahal, asan na ang kamay mo na ayaw akong bitawan

Nasaan na yung ikaw na

Minahal ko ng lubusan

Maaari bang bumalik kana?

Sige na naman oh

Maawa ka

Mahal, hanggang dito nalang ba? Kasi Mahal hindi ko kaya

Ayokong bitiwan ka Basta basta

Kaya kahit alam kung hawak ka na ng iba

Patuloy parin akong umasa

Nagbabakasakali na sa akin ay babalik ka

Ngunit nagkamali na naman ako

Pero Mahal, hindi pa rin ako susuko

Gagawin ko ang lahat maibalik ka Lang

Kahit mayroon pa akong masaktan

Kaya nong makita ko siya di na ako nag aksaya pa

Alam kng magiging epiktibo to

Lalo nat magkapantay kayo

Oo, ginamit ko siya

Ginamit ko siya para bumalik ka

Ginamit ko siya para malaman kung ako pa din talaga

At hindi nga ako nagkamali

Sinabi mong akoy Mahal mo parin

Sinabi mong wag na kitang pag silosin pa

Dahil ayaw mong may nakikita akong kasamang iba

Kaya agad ko siyang iniwan para bumalik ka

At ngayong kasama na ulit kita wala na akong mahihiling pa

Mahal, masaya ako sobra

Pero di ko maiwasang hindi makonsinsya

Mahal, nasaktan ko na naman ang tao na sa akin ay nag pasaya

Nasaktan ko na naman yung taong gagawin ang lahat para akoy mapasaya

Nasaktan ko na naman siya

Best, sorry ha?

Alam kung nasaktan kita

Patawad,

Mahal ko Lang talaga siya

Alam ko Mahal mo rin ako ng higit pa

SA isang kaibigan

Pero best,patawad Kasi

Hindi tayo parehas ng nararamdaman

Patawad ha?

Patawad talaga

Mga salitang huli mong sinabi bago mo ako iwanan mag-isa

END

1
$ 0.00
Sponsors of Tagalog
empty
empty
empty
Avatar for Tagalog
2 years ago

Comments