Sa una lang

0 16
Avatar for Tagalog
3 years ago

Alam mo yung mga bagay na gustong gusto natin tapos pag tumagal tagal ay bigla nalang na ayaw na natin sa mga ito, bigla nalang iba naman Yung nais natin.

( Parang pag ibig sa una lang daw masaya kaya marami ang hindi nagtatagal dahil sa kapag nakaramdam nang pagkasawa ay maghanap ng iba.. aray )

Sa una talaga ay inaasam natin yung mga bagay na nakakuha nang atinsyon natin at nakuha ang matang mapang gusto sa unang tingin.

Sa una lang tayo magaling, kapag tumagal na at nagsawa na ay iiwan nalang natin na parang wala lang saatin ang mga nakalipasan na kasama natin ang mga ito.

Madalas na itong mangyari Lalo na sa sa panahon ngayon na masyado nang moderno ang mga bagay bagay sa Mundo na Hindi natin namamalayan ay Yung mga gusto natin ngayon ay bukas ay luma na at may bago na naman tayong gugustuhin.

Hindi naman ito masama ang mag hangad nang mga bagay na Wala sa atin na mag karoon tayo, subalit sana ay wag nating pilitin Lalo na kung hindi natin kaya, wag natin pilitin para lang masabi na in tayo sa panahon at para lang makisabay sa iba.

Hindi Tayo magkakatulad nang estado sa buhay, marahil Yung iba ay nakakaangat kaya nakukuha nila yung mga Ganon na bagay, tapos kung tayo naman ay hindi ganun ay wag tayong sasabay sa kanila para lang maging astig tayo sa paningin nila para lang Maka sabay sa kanila.

Hindi lang sa mga materyal na bagay naikot ang mundo wag tayong padadala sa mapang gusto natin na damdamin dahil mag sasawa din tayo sa mga bagay na panandalian lang ang dalang saya.

Sa una lang tayo magiging masaya sa mga materyal na bagay huli ay maiisip natin bakit ko kaya ginawa to, bat ko binili ang ganito ganyan nasayang ang pera ko.

Wag tayong papabulag sa mga bagay bagay, pag isipan muna natin kung worth it ba na bilhin o makuha ko to. Hindi yung purket meron tayo ay sige lang ng sige dapat maging praktekal tayo sa mga panahon ngayon.

Isipin mo yun sa una ay gustong gusto mo na magkaroon ng Isang bagay na meron ka naman pero dahil lang sa may bagong labas na mas maganda sa meron ka ay bibili ka na tapos sa huli ay mag sasawa ka dahil mas useful Pala yung dati mo.

Maging mapili at mapanuri tayo.

Hindi pinupulot ang pera sa kalsada na kapag nag lakad ay may makukuha kana.

Isipin mo kung

Sa una lang ba to.

O

Pang matagalan.

Hanggang dito nalang maraming salamat.

Magandang araw'gabi sa ating lahat.

Ano man ang pinagdaraan mo ngayon ay mag dasal kalang dahil hindi natutog ang Diyos lagi siyang nandiyan para sa atin. Kalimutan ka ng Mundo pero hindi ka niya pababayaan.

Salamat sa pagbabasa at sa paglaan ng oras para basahin ito.

Mangyari lang na mag iwan ng komento o ng iyong saloobin sa sulat na ito at malugod ko itong babasahin. Maraming salamat ☺️👐

2
$ 0.00
Sponsors of Tagalog
empty
empty
empty
Avatar for Tagalog
3 years ago

Comments