Naubos

0 10
Avatar for Tagalog
2 years ago

May mga pagkakataon na

mas pinipili kong hindi mag salita

mas pinipili kong hindi mag pahalata

mas pinipili kong ‘wag na lang pansinin muna

ang mga bagay tulad nang iyong pinapakita

May mga araw at gabi na mas mahalaga ka

mas mahalaga ang iyong nadarama

mas mahalaga na nakikita kong masaya ka

kahit madalas nakakaubos ka na

at paulit-ulit ang mga maling ginagawa

Ikaw palagi ang aking iniintindi at inuuna

kahit ang bulong sa’kin ng mundo ay bitiw na

hindi ako umalis itinuring pa rin kitang pahinga

kahit sobrang nakakapagod ka na

Hindi ako nakinig sa mundo

hindi ko piniling sumuko

hindi ko rin palaging pinipili ang sarili ko

‘pag dating sa’yo –

ikaw palagi ang inuuna ko

Dahil sa’yo naubos ako

Dahil sa’yo nawalan ako

Dahil sa’yo nabawasan ako

Dahil sa’yo hindi na ako ‘to

Hindi ko na kilala ang sarili ko

Salamat at may natutunan naman ako

kailangan pala talagang piliin ko muna

ang sarili ko bago ang ibang tao

Nagising ako sa katotohanang –

nakauubos pala magbigay ng mga parte na wala sa ibang tao, dahil kapalit nito’y pagkakulang naman sa sarili ko

1
$ 0.00
Sponsors of Tagalog
empty
empty
empty

Comments