Tiyak na mawawala ka sa iyong balanse at ritmo kung susubukan mong habulin ang bilis nitong mundo, kung patuloy mong ikukumpara ang sarili mo sa ibang tao, kung patuloy mong inaasa sa kanila ang paglalakbay mo.
Magkaroon ka ng sarili mong lakad at sumulong ka sa sarili mong bilis. Humugot ka ng lakas sa sarili mong hakbang kahit ito ay mabagal lang.
May sarili kang oras, daan, at panahon kaya huwag mong ibahin ang sarili mong ruta dahil lang iba ito sa nakararami. Hindi mo kailangang makipag-unahan. Hindi mo kailangang maghabol. Hindi mo kailangang makipagkarera.
Hindi ka huli sa iyong tagumpay. Laging mong tandaan na lahat tayo ay may sariling tiyempo at may oras para sa ating inaasam na panalo.
Hintayin mo lang at wag kang mapagod na maglaan ng oras at panahon sa mga bagay na gusto mo at tiyak na ito ay makukuha mo sa tama at sa iyong panahon na nakalaan.
Hindi baling mabagal ka saiyong paglalakbay patungo sa tagumpay ang mahalaga ay umuusad ka kahit na hindi kasing bilis ng iba.
Laging talo ang hindi marunong mag tiyaga at ang taong mainipin ay tiyak na hindi magtatagumpay at walang patutunguhan kundi ang kabiguan.
Kung hindi ito para sayo ngayon, baka sa susunod na pagkakataon, sayo na rin aayon ang panahon.
Sang ayon ako jan. Tamang lakad at tamang tyempo lang.