Balik Trabaho

0 22

Magandang umaga po, isa akong OFW dito sa Kuwait. Nawalan ng trabaho dahil sa pandemya - ang Corona Virus. Napakalaki ng idinulot ng sakit na ito hindi lamang sa dito kundi sa buong mundo, isa na dito ang pagkawala ng trabaho dahil halos lahat ng negosyo ay nagsara upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Halos ilan buwan din ang pinag intay ko sa accomodation upang makabalik sa trabaho. Nanjan ang halos gawin ko ay matulog, kumain, tumawag sa pamilya sa Pilipinas upang maibsan ang lungkot at depression na nararamdaman. Maririnig sa balita na may mga tao nawawalan mg pag- asa na kadalasan ay humantong sa pagkitil ng kanilang buhay. Maraming insidente ang ganitong nangyari at nakakalungkot na wala na silang lakas ng loob na lumaban. Tunay ngang malakas na sandata ang palagiang bukas n komunikasyon sa pamilya kahit paano ay naiibsan ang lungkot at nawawala ang mga problema. Nagkakaroon pa kayo ng masayang ugnayan kahit malayo sa isat isa. Ngaun June 21,2020 ay araw ng pagbabalik ko sa trabaho. May halong takot na baka magkaroon ng sakit kahit sobrang ingat mo pa sa sarili. Masaya dahil nakabalik na ulit sa dati gawain. Bago ko malimutan, happy Fathers day sa tatay ko kay Tatay Benny, sana pagpalain ka pa. Bigyan ng mahabang buhay at lakas ng katawan. Laban lang kahit malayo. Ingat kayo lahat at tandaan malalabanan natin lahat ng problema. Tatapusin ko na ang artikulong ito at magtatrabaho na ako. Mahal tayo ng Panginoon.

2
$ 0.00

Comments