Anu natutunan mo ngaun panahon ng Covid19 pandemic?

0 10
Avatar for T-HOY
Written by
4 years ago

Ang bawat tao may pangarap, ito ay magkaroon ng magandang kinabukasan upang makaahon sa hirap. Katulad ng karamihan malayo ang naabot ng ating mga yapak para lang makamit ang matamis na tagumpay. Ngunit paano kung may dumating na suliranin sa buong mundo paano mo sisimulan ang pagbuo ng iyong mga pangarap?
Malaki ang epekto ng kasalukuyang pandemya - Corona Virus (Covid19) sa ating lahat. Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga Lockdown at curfew hours pati ang pagsusuot ng mga PPEs- personal protective equipment marami parin at patuloy ang pagdami ng bilang ng nagkakaroon ng sakit.
Isa ako sa tinamaan ng sakit, ubo, sipon sakit ng ulo, pagkakaroon ng mataas na lagnat ay ilan lamang sa mga sintomas na aking naramdaman. Pero dahil malayo ako sa pamilya ko at tanging sarili lamang ang kasama sa abroad minarapt ko na tatagan at lakasan ang aking loob dahil kailangan ako ng aking pamilya sa Pilipinas. Malakas ang loob ko kahit sa kabila nito mainit at sobrang sama ng aking pakiramdam dahil sa sakit na tumama sakin. Ginawa ko ang lahat para manumbalik ang aking katawan dahil kailangan kung tuparin ang aking pangarap- Businessman. At dahil, malakas ang pananampalataya ko ...unti unti nabawi ko ang nawalang araw... muling nanumbalik ang aking katawan. masaya ako na makakapiling ko pa ang aking mga magulang at kapatid. Sa ganitong panahon dapat sama sama ang buong pamilya. Ito ang magpapatibay at magpapalakas na kaya natin tapusin ang pandemya hanggang sa bumalik sa normal ang lahat. Unti unti tayong lahat ay makakabangon. Tayo ay mga Pilipino sa isip sa salita at sa gawa. Ingat kayo wag magkakasakit.
.

1
$ 0.00

Comments