Back-2-School: F2F Possible Scenarios

23 60
Avatar for Sydney2
2 years ago

Di ako makapaniwala na matapos ang mahabang pandemya, kami ay muling magbabalik sa paaralan. Matagal na naming namiss ang pumasok araw-araw. Bukas ang unang araw ng aming full face to face classes kaya di namin maiwasan na maexcite.

"Ano, handa ka na bang pumasok Erika?" Tanong ko.

"Hindi eh. Di kasi ako nag glow up."

"Eh ano ngayon kung di ka nag glow up, mahalaga ba yun?" Tanong ko ulit.

"Lahat kasi ng mga kaklase ko nag glow up. Ako lang yung wala."

Ewan ko ba kay Erika. Makinis naman siya at maputi, ano pa bang gusto niya? Yung umiilaw na mukha? Ay ewan ko nalang kung anong klaseng glow up yung gusto niya ma-achieve.

"Rence, excited ka na bang pumasok bukas?" Tanong ko sa isa naming barkada.

"Oo naman. Excited na akong makita si crush sa school."

"Hayy ewan ko sayo. Puro ka nalang crush. Pag-aaral mo naman unahin mo." Reply ko sa kanya.

"Eh bakit masama ba? May nakapaskil ba sa harap ng gate ng school na "Bawal Ang Crush?"

"Sira. Sinasabihan lang kita na 'pag masaktan ka sa crush mo, wag na wag kang magpapaka- sad boy."

"Siraulo. Kailan pa ako naging sad boy saka napaka-jejemon niyan."

"Matagal na. Kaya tumigil ka na." Sabi ko at natawa silang lahat.

"Ikaw Francine, excited ka na din tomorrow?"

"Of course. Matagal na. Excited na akong suotin yung mga napamili kong aesthetic outfits." Sabi ni Francine habang nakangiti.

"Aesthetic? Required na ba maging aesthetic lahat ngayon?"

"Ano ka ba Cheska, Yan na nga yung uso ngayon. Halos lahat ng mundo aesthetic na."

"Weh? Eh ba't ako kahit ano lang yung sinusuot ko wala namang nagsasabi na "di ako aesthetic." Sambat ni Rence.

"Rence, yung mga damit mo kasi pang dyologs. Kaya di ka napapansin ng mga crush mo eh. Subukan mo kaya mag tuck in."

"Ha? Tuck in? Ayoko ang laki ng tiyan ko."

"Yan. Sa kaka-samgyupsal mo yan. Kahit saang samgyupsal dito sa barangay natin palagi kang present never absent."

"Excuse me? Yan na din yung uso ngayon."

Dumating na nga ang pinakahihintay naming araw, ngayon ang unang araw namin sa full face to face class. Medyo naiilang lang ako dahil ang gaganda ng mga pormahan ng mga kaklase ko. Lahat sila naka rebonded na samantalang ako mukhang nanggaling sa gubat. Parang ako lang ata yung naligaw.

"Erika, nasa Christmas party ba tayo?"

Tumawa si Erika sa tabi ko.

"Hindi. Pakiramdam ko nasa fashion show tayo."

Kaya natawa nalang kaming dalawa. Sana pala sinuot ko nalang din yung mamahalin kung sapatos para at least may pantapat ako.

"Good morning class. It's nice meeting you all. This is going to be our first face to face class. Before we'll start our discussion, I want you to know that I only tolerate green flags. I do not like to see any red flags from any of you."

Medyo nagulat kaming lahat ng barkada ko, pareho kasi kaming mga red flags. Nakakatakot pala talaga yung face to face lalo na pag nasa harap ka nakaupo. Malas eh, wala ng bakante kaya sa harap nalang kami nakaupo.

"And class, I want you to know that I know your personalities based on your zodiac signs. I can read you."

"Ang lakas din ng tama ng guro natin, parang isa siya don sa TikTok na naniniwala sa mga superstitious signs." Bulong ni Rence. Siniko ko nalang siya.

"Kung makapagsalita ka parang di ka adik sa tiktok ah. Mahilig ka nga mag manifest eh." Sabi ko.

"Guys, ako lang ba yung medyo choppy si ma'am?" Tanong ni Francine. Medyo nagulat ako sa tanong niya. Mukha ba kaming nasa Google meeting?

"Francine, baka nakakalimutan mo face to face na, di na ito yung online classes na nakasanayan natin. Ito na yung reyalidad."

"Miss Cheska, can you explain to me why the diversity is possible to end?" Tanong ng guro namin. Di ako makapaniwala na ako yung unang matatawag sa oral recitation. Napaka swerte ko naman sa unang araw ng face to face. Tumayo ako at sinubukan kung mag-isip pero ang hirap. Walang pumapasok sa loob ng utak ko. Kung pwede lang gumamit ng google ngayon, gagamit talaga ako. Napakamalas ko talaga. Sana nga pala online classes nalang. Ganito pala yung pakiramdam kapag face to face na.

Author's note: This is actually my first time to published a Filipino short story here and if you are foreign, you can utilize the translation here on read.cash. Thank you so much!

July 17, 2022

Like. Comment. Subscribe.

10
$ 1.70
$ 1.58 from @TheRandomRewarder
$ 0.04 from @Jane
$ 0.03 from @Princessbusayo
+ 3
Avatar for Sydney2
2 years ago

Comments

August na yung ftf di pa ako ready makipag socialize lalo na't ilang years din akong nasa kwarto langπŸ₯²

$ 0.00
2 years ago

Pareho tayo. Palagi lang din akong nasa bahay. Di ko na nga alam kung anong feeling pag nasa school pero for sure mas masaya ang face to face kaya lang kunti nalang yung free time mo compared nung online class.

$ 0.00
2 years ago

Haha natawa ako dun Sydney sa glow up. Hehe yung nasabinh gusto ko siguro na umiiyak na mukha. 😁

$ 0.00
2 years ago

Ang dami ko kasing nakikitang mga post na gusto na nila mag glow up eh paano nalang yung walang glow up. Hayy ayaw ko nalang pumasok char.

$ 0.00
2 years ago

Hahaa oo nga Sydney nuh. Problema talaga yang glow up na yan. 😁

$ 0.00
2 years ago

Oo, napaka trending niyan sa tiktok buti nalang di ako mahilig mag tiktok Ramona hahahah.

$ 0.00
2 years ago

Hehe ako Sydney mahilig manood ng TikTok pero this month di ako nakapanood ng video sa TikTok dahil sa sobrang busy Sydney.

$ 0.00
2 years ago

Ayoko sa TikTok Ramona ang daming oras ang nananakaw niya sa kakascroll at kakanuod mo di mo na namalayan 5 hours ka na pala πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago

Hahaa oo Sydney totoo yan. πŸ˜… Once na manood na ako ng TikTok grabe ang tagal ko mag exit.

$ 0.00
2 years ago

Oo Ramona yan yung pinaka di ko gusto kapag nagbubukas ako ng TikTok. Saka ang bilis din makaubos ng load hahahah.

$ 0.00
2 years ago

Hehe oo Sydney. Grabe talaga yung TikTok Sydney nakakaadik.😁

$ 0.00
2 years ago

Nako. Kaya na-uninstall ko yan Ramona, di kasi ako makafocus nang maigi saka napakalaking distraction niya talaga.

$ 0.00
2 years ago

Hehe oo Sydney. Napakalaking distraction talaga yung TikTok app.

$ 0.00
2 years ago

Kaya pagdating ng bagong phone ko Ramona, di talaga ako magiinstall ng TikTok bahala sila πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago

Hehe yan ang tama Sydney kasi maadik talaga Sydney. πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Hays. Salamat, nakabasa rin ng Tagalog today. Whahaha. Ang ganda mo pala mag gawa ng gantong story beb. Bukas ulit. Haha.

$ 0.00
2 years ago

Namiss kita beb! Char biro lang hahah. Napaka-korni nga ng Tagalog story ko eh hahah bahala na ang importante may napublish hahahah.

$ 0.00
2 years ago

Wuy baka balak mo mag hive? Haahahha.

$ 0.00
2 years ago

Oo may balak ako mag try sa Hive pero hinihintay ko pa yung new phone ko saka ako susubok diyan sa Hive, ecency, peakd and many more hahahah.

$ 0.00
2 years ago

Yung tagal nag break , tapus yung pagbalik, feeling mo newbie lang πŸ˜…. .

$ 0.00
2 years ago

Oo Jane, medyo nakakatakot na mag face to face. Minsan kasi may notes kapag sumasagot sa oral recitation during online class pero kapag face to face na, wala na impromptu speech na may pagka interviews na πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago

natawa ako dun akala ko gagawin ng babae ay kunwari naglaglag siya kahit f2f class na para makaligtas sa recitation hahaha. Mgaling ka pala gumawa one shot eh, bagay sayo ung romcom na genre.

$ 0.00
2 years ago

Actually yan yung gagawin ko sa face to face, kapag tinawag ako sa oral recitation magkukunwari talaga ako na nahimatay char. Salamat sa pagbasa kuya kahit napaka-korni hahaha.

$ 0.00
2 years ago