Anak sa Pagkakasala - Karanasan

1 607
Avatar for SwertresFanaticsOzamis
2 years ago

Alam mo ba kapag tiningnan mo ang ilan sa mga pinakamatagumpay na high-performer o umangat sa buhay, maaaring nakatutukso na sabihin na ipinanganak sila sa ganitong paraan...ang galing nila, tapos ang estorya.peo sa katunayan ang talento - habang hindi maikakaila na ginagawang mas madali ang buhay - ay isang bahagi lamang ng equation sa sarili ng tao.

(Kwento ko lang karanasan ko)... dati akong mahiyain at takot na tao, walang silbi sa Society, KJ ika nga, yong walang pakiramdam o walang pakisama kung ikaw makakasama ko kasi ang tahimik ko.kung ikukumpara mo ako, ang awkward na sa panlabas na kaanyuan, kasama ang mga pinakamatagumpay na kaibigan, kakilala sa paaralan.... masasabi mong ipinanganak sila na may talento para maging sikat, magustuhan sila, ipagmamalaki sila, samantalang ako ay hindi nagkaroon ng ganoong swerte.

Gayunpaman, ang mistulang kasawian ko ay naging mapagkukunan ng lakas dahil nagbigay ito ng kislap upang ipakilala ang malalaking pagbabago sa aking buhay.sa pamamagitan ng patuloy na pagtulak sa aking comfort zone o Kaginhawahan, hindi ko lamang nalampasan ang pagiging mahiyain sa lipunan at napabuti ang aking mga kasanayan sa komunikasyon, ngunit nagkaroon din ako ng mataas na tiwala sa sarili at napagtagumpayan ang iba pang mga takot sa aking buhay.

Maaaring hindi ako ipinanganak na may talento na maging isang "Tao ng mga TAO" - mas gusto ko pa rin ang pag-iisa kaysa mga pulutong - ngunit sa disiplina sa sarili at pare-parehong trabaho, nakamit ko pa rin ang kamangha-manghang mga resulta.

Hindi naman ako pinanganak mayaman, iniwan pa ako sa tiyuhin ko na kapatid ng aking ina at danas ko ang mga Pighati, Pasakit at walang kalayaan - ngunit hindi ako sumuko,lumaban ako sa pagiging ako sa sarili dahil alam ko na kaya ko at malalagpasan ang mga pagsubok sa buhay. hindi masaya ang Pamilya ko, hindi ko naranasan ang makasama ang tunay na magulang sa ibabaw ng lamesa habang kumakain, hindi ko narasanan ang maging masaya sa oras ng pahinga o araw ng Linggo.

Marahil maawa ka sa Guhit ng Palad ng buhay ko, pero huwag kang maawa yan ang pakiusap ko sayo habang binabasa mo ito. sa ngayon hindi mo naranasan ang sigalot sa iyong buhay dahil andyan sila nagmamahal sayo. mas magandang gawin ay Pasalamatan mo sila, lalo na iyong Buting Ina na nag sakripisyo sayo sa loob ng 9 months hanggang sa pagsilang mo at ngayon may sarili ka ng pamilya.. siguro hindi mo nagawa na pasalamatan ang iyong Ina habang buhay pa siya, siguro hindi mo nagawang pasalamatan ang iyong Ama habang nakikita mo siya ngayon at nakakausap.

Tandaan Palagi "... hindi ka mabubuhay kung hindi dahil sa kanilang AWA at PAG-IBIG"

Huwag mong ikakasama ang kanilang pagsuway sayo, yong minsan nagagalit sila sayo, yong pinipigilan ka nila na umalis ng bahay kasama ang mga barkada mo - Kasi po, sila ay Magulang mo, sila ang nagpalaki sayo at iniingatan ka nila mula musmos ka pa lamang. kahit nagkaroon ka ng sariling Pamilya at may mga anak ka na... yong mga magulang mo ay may karapatan pa rin na pagalitan ka, suwayin ka dahil ang pag iingat nila sayo noon at hanggang ngayon ay para sa ikatutuwid ng iyong pagkatao at sa iyong Pamilya.

Hitik na sa sarili natin yong nagagalit na tayo pinagsasabihan ng magulang natin, pero mali yon dahil ginagawa o ginagampanan lang nila bilang Magulang...

Marahil maitatanong mo ito sayong sarili -

Bakit ko nga ba naisulat ang Artikulo na ito?

Anong Koneksyon sa Pamagat?

Bakit kailangan gawin ito eh matanda na sila?

- iho/iha, baka darating ang panahon magsisisi ka, iiyak ka at magmamakaawa kung wala na sila sa iyong paningin. Karamihan at madalas na humihingi ng tawad sa magulang yong hindi na maibabalik ang kanilang buhay, minsan gumagawa ng kaparaanan para sa magulang yong naghihingalo na, nagdadala ng masasarap na pagkain na hindi na kayang lunukin ang gasa na inalay habang nakaratay sa higaan, Samantalang buhay pa sila noon at masigla pa sila ay hindi naibigay ang mga masasarap na pagkain. "Ang pagsisisi ay laging nasa Huli"

May mga magulang na hindi nagsasabi dahil nahihiya sa kanilang anak, may iba naman nagpasaring sa kanilang anak pero dedma naman...parating ang Mothers Day, bakit hindi mo paghandaan ang mga bagay na ikagagalak ng butihin mong ina?

Ako kasi, wala na akong magulang. nasa ibang buhay na sila, yong Ina ko pumanaw noong September 2005 at ang aking Ama ay March 2018.

Gusto ko sanang gumawa ng artikulo para sa Father ko noong March 18, 2022 para ma eh share ko naman ang pangyayari... hindi ko gagawin ang artikulo for the seek of money, hindi ko gawin as Frontpage yong ama ko sa gagawin ko na artikulo dito sa Readcash... kaso sa sobrang busy sa trabaho.. ang purpose ko ay eh share ang karanasan...

pero bago sila kinuha o nawala sa ibabaw ng lupa o at kinuha sa kahitas-an ay nagawa ko na yong mga bagay na nagpapasaya sa sila, na pasalamatan ko na rin sila sa lahat2x...nagawa ko yon sa loob ng dalawang linggo.... 1 week sa Ina ko, 1 week sa Ama ko... ang ikli di ba? šŸ¤—

Code 4 6 1 8 2 9

Pasure (4)

Oh siha.. hayaan mo hindi magtatagal ibahagi ko ang Buhay ni SFO... Sino nga ba ako? Paano ako napunta sa Swertres World?Paano ako napunta sa Saudi Arabia? at Bakit pinasok ko pati ang Crypto Verse? naka Scrapbook na ang lahat kaya abangan ang pagiging katatawanan,maawa ka, iiyak ka at yong gigil na gusto mo akong kurutinšŸ¤£...

-Image from Unplash

Intellectual Property 2022 by SwertresFanaticsOzamis.All rights reserved.

-

9
$ 0.01
$ 0.01 from @Adobe101
Avatar for SwertresFanaticsOzamis
2 years ago

Comments

Mao nay ginaingon "Unsaon man nang sagbot kung Patay na Ang kabayo"

$ 0.00
2 years ago