read.cash Log in
@Sweetzyle22

@Sweetzyle22 in July 2021

@Sweetzyle22

This is it pansit pampahaba ng buhay... Mag breakfast pa lang kami ng anak ko tanghali na pala.Ang haba kasi ng pila dami nabili sa pansitan..Ang gusto sana ng anak ko sopas eh naubusan na.Kaya pansit na lang din sa kanya.Ilang araw ding hindi nakapag pansit namiss talaga namin to at ang sarap.Bumili nadin ako ng pandesal at energen at hindi pa nakakapag grocery.Ubos na stock namin saturday pa makakapag grocery. Janrich®

@Sweetzyle22

Nilagang buto buto ng baboy for lunch! Kahit gulay at sabaw lang akin ok na pero kakain din ako ng karne konti lang.Nagreklamo na anak ko puro na lang daw manok at isda sabi ko nag karneng baka naman tayo ah!ayaw niya din kasi ng baka sabaw lang gusto niya.Tapos ngayong kakain na kami sabi ng anak ko ano ba yan puro picture ng ulam haha.Sorry naman nak pang noise ko kasi yan....Gutom na pala kasi kaloka. Happy lunch time noisemates... Janrich®

@Sweetzyle22

Vegetable & fruit salad My kind of healthy snack... While watching magpahanggang wakas. Need ko na mag diet medyo lumulobo na panay kain na lang ang hubby habang nasa bahay lang.Wala nadin time mag exercise anong oras na nagising palagi.Ang hirap pag lumalaki baka hindi na magkasya mga damit ko.Pag nakasuot ng dress napagkakamalan ng buntis haha.Kailangan alagaan at mahalin din ang sarili kahit nasa bahay lang huwag magpapa lusyang. Good afternoon noisemates... Janrich®

@Sweetzyle22

Share ko lang ang baby blaze namin ang aming stress reliever.Yung parang baby ko nadin talaga siya alagang alaga ko yan.Ngayon ang taba taba na agad.Dati ang inoorder ko sa shopee para sa amin lang ng anak ko ngayon kasama na siya.Nagandahan ako sa laruan na yan kaya inorder ko din siya para may laruan din siya.Yung una ko kasing binili na bola na may daga sa loob ayaw niya takot siya haha.Buti yung ngayon nagustuhan niya pati anak ko nakikilaro nadin hehe. Magandang gabi…

@Sweetzyle22

Good night everyone! Hindi ko na napansin oras kailangan na matulog.Pahinga naman... Thank you lord for all the blessings. Sana naman kumalma na ang bulkang taal.🙏 Keep safe and god bless us! Janrich®

@Sweetzyle22

Magandang umaga mga kaingay! Nakakatamad na sabado nakahiga padin. Ang sarap matulog ang lamig.Pwede naman siguro mag restday din ang nanay hehe.Yung mga tatay pwede mag restday pero ang mga nanay wala sa dami ng ginagawa araw araw sa bahay. Have a blessed saturday! It's family day... Keep safe noisemates & God bless us. Janrich®

@Sweetzyle22

Naglinis ako ng ref para pagdating ni hubby galing grocery store eh malinis na ref namin.Mga momshie sino sainyo gumagawa din ng ganito naglalagay ng uling sa ref?Turo sakin ng biyenan ko yan ng nabubuhay pa para hindi daw bumaho ang ref.Effective nga naman walang amoy sa ref namin. Napapabilis yung gawaing bahay pag natulong si hubby siya na daw maglilinis ng balcon namin pagdating niya.Andun kasi ang aming bantay ang alaga naming aso.Kailangan laging malinis para iwas sa…

@Sweetzyle22

Maulan na tanghali mga kaingay. Mag lunch pa lang kami ngayon.Mcdo time naman ngayon.Ito talaga ang fav.namin sa mcdo crispy chicken fillet ala king.Tipid na sa hugasin pagkatapos kumain haha.Buti nautusan ko asawa ko minsan kasi kahaba lagi ng pila sa mcdo mainipin kasi siya.Yung fries binakbakan na ng anak ko at sundae hot fudge panghimagas namin. Pagkatapos kumain ang sarap na matulog hehe.Lakad lakad muna pala para bumaba kinain masama yung tutulog ng busog. Happy lunch…

@Sweetzyle22

Napasarap ang tulog paggising gutom. May nagpaorder samin original buko pie galing los baños laguna.Kilala ang masarap na buko pie dito sa laguna.Ang mahal nadin ngayon lalo kong bibilhin sa mga reseller syempre may kita nadin kasi sila dun.Bentahan na ngayon eh 270 pesos na.Wala na magawa pag gusto bibili padin pero hindi naman palagi minsan lang.Masarap pag orig.kasi madami talaga siya buko.Hindi ko napansin muntikan na malamog nabili ko siguro sa byahe medyo malayo din…

@Sweetzyle22

Anti radiation eye glass Need ko na ulit gumamit nito para may pang proteksiyon sa mata.Yung anak ko hindi nawawalan nito lalo na at online class siya.Nakailang order ako nito sa shopee lagi nasisira kasi ng anak ko pero mura lang to minsan nag sale kasi.Kailangan natin to lalo na at babad lagi sa cp,laptop at computer.Sino din po nagamit ng ganito? Good night mga katambay sleep na me. Sleep well po sa mga matutulog na din. Janrich®

@Sweetzyle22

Magandang umaga pilipinas... Nag almusal na po ba ang lahat?Ako'y kakain pa lang at nakatulog ulit.Kain tayo ulam ko ay danggit.Hinahanap hanap ko to minsan lang magkaron nito dito.May binibilhan ako nito sa kapitbahay namin pinapadala lang daw kasi sa kanila to galing province.Ang sarap pag may sawsawang suka na maanghang.Hindi siya gaanong maalat napapasarap kain ko pag ito ulam ko ang hilig ko kasi sa mga daing at tuyo. Janrich®

@Sweetzyle22

Good noon noisemates... Done cooking daing na bangus using air fryer cooker.No more tilamsik ng mantika haha.Napabili ako ng air fryer gawa ng lagi akong natatalsikan ng mantika ang dami ko na lang peklat sa braso.Mura lang bili ko sa shopee nung nag sale nasa 1,300 kaya kinuha ko na.Buti di ako binigo ni shopee ok naorder ko.Tagal ko na kasi tong gusto bukod sa no need na gumamit ng mantika.Puro chicken pa lang natry ko dito kaya ngayon sinubukan ko naman magluto ng…

@Sweetzyle22

Yellow passion fruit May uwi si hubby ng passion fruit bigay daw ng katrabaho niya.Tanda ko nun eh maliit pa ko may tanim na ganito mga lola ko at inaakyat pa namin,pero biglang nawala na lang yan.Ang dami din pala health benefits nito.Maganda pala to sa highblood nakakapagpababa ng dugo,maganda din sa mapanganib na diabetes at sakit sa puso at iba pang mga cancer.Bibihira na nga lang ang ganitong prutas...ngayon na nga lang ako nakatikim nito.Wala ako makita nito sa…

@Sweetzyle22

Umagang kay ganda mga kaingay... Papasok na sa trabaho si hubby at ako'y tutulog na ulit.Samantalahin habang wala pa pasok online class anak ko.Bawi din sa tulog,pag may pasok na anak ko hindi na ako makakatulog at mag aasikaso na ako para sa kanyang klase.Ilang araw na lang magsisimula na ulit online class nila.Stress na naman nito madadagdagan na naman mga puting buhok ko.Naka ready naman na almusal namin paggising eh kakain na lang. Ingat po ang lahat lalo na ngayong…

@Sweetzyle22

Nakakalibang din pala gumawa ng ganito diamond painting.Level up na ngayon dati eh cross stitch lang.Mas madali gawin yung ganito kakatuwa nga siya gawin.Nung time na gusto ko libangin sarili ko kasi ayoko mag iisip ng kong ano-ano.Inorder ko dati yan sa shopee.Ang dami ko pa gustong gawin kaso wala pa akong time ngayon.Hindi pa din naman makalabas at makapagpa frame.Pag naumpisahan mo kasi hindi mo namamalayan ang oras.Pag nagkaron ulit ako ng time gagawa pa ako niyan.Mahal…

@Sweetzyle22

Magandang tanghali mga katambay... Ginataang labong (bamboo shoots)na may saluyot at hipon ang niluto kong pananghalian namin.Ito naisipan kong lutuin.Mas gusto ko pag gulay lalo na pagka ginataan.Pagka ganito ulam ganado ako lalo kumain lalo at may sili.Hindi nawawala sakin ang sili sa gulay yan yung nakakapagpagana kumain. Ang mga health benefits pala nito ay nakakapagpababa ng timbang,nababalanse ang cholesterol level,at nakakapaglakas ng resistensiya.Nakain din po ba…

@Sweetzyle22

Share ko lang ang ginawa kong pinasarap at pina creamy na Maja Corn Jelly.Para sa mahirap gumawa ng maja blanca try nyo po ito. Ito po mga sangkap: 1 can 380g. Condensed milk 2 1/4 cup water 425g.Cream corn 4 tbsp. Cornstarch 1pack mr.gulaman unflavored or mango flavor gamit ko Toppings: Grated cheese and add whole corn. Mix lang lahat ng mga sangkap at lutuin sa katamtamang apoy.Huwag hahayaang bumola gawa ng gulaman kaya need siya haluin ng haluin hanggang sa kumulo.…

@Sweetzyle22

Yung namimiss ko yung pork barbecue eh wala na pala nagtitinda.Sobrang mahal naman kasi ng baboy kaya ngayon chicken barbecue na lang.Nagpabili ako kay hubby 20 pesos ang isa.Mas ok din naman to kesa sa baboy masarap naman.Ang sarap sana ng sawsawan kong madaming pipino.Ito papaulam ko sa anak ko ayaw kasi ng ginataang labong hays pagka arte sa ulam. Musta po mga kaingay?tumila na samin ang ulan may lakad sana kami ngayon hindi natuloy tapos titila din pala.Magandang gabi sa…

@Sweetzyle22

Ito na naman ako kong kelan matutulog na saka ko maalala inumin itong vitamins ko.Makakalimutin na talaga.Kailangan ko pa naman to sa ngayon at nauuso na naman ang sipon at ubo gawa ng pabago bagong panahon mainit at biglang uulan. Matutulog na ko noisemates... Kailangan ng magpahinga salamat sa maghapon nating pagsasama dito kay noise.Bukas naman... Good night and god bless us... Janrich®

@Sweetzyle22

Good morning noise mates... Mayana and succulent plant. Bago bumalik sa pagtulog silipin muna ang aking mga baby sa aking balcon.Yan lang ang pwede mabuhay diyan sa baba namin kasi sa hapon ang init sa kanila diyan.Yung gustong gusto ko din mag halaman kaso ayaw sakin hindi malamig ang kamay ko huhu.Ang dami ko ding nabiling halaman kagaya ng calathea prayer plant kaso namatay lang sila.Gandang ganda pa naman ako sa mga variety ng calathea kaka sad lang.Need kasi nila sa…

@Sweetzyle22

Hindi ako nabudol ni shopee ngayon ah!nalabanan ko tukso ngayon,pero ang daming naka add to cart hehe hanggang diyan na muna at may pinaglalaanan ako ng pera.Kailangang matuto hindi puro gastos,pero pag kinakailangan ok lang naman.Simula ng nagka pandemic diyan na talaga ako nabili ng mga gamit ko sa pagluluto.Kaya salamat shopee hindi ko na kailangang lumabas pa.Kayo mga kaingay nabudol ba kayo ng 7.7 midyear sale? Yung shop ko pala kay shopee hindi ko na naasikaso.Mga…

@Sweetzyle22

Picadillong pritong tilapia for lunch. Ito yung fav.ng mag-ama ko sa pritong tilapia.Nilalagyan ng rekado yung tiyan para nanunuot ang lasa ng mga rekado sa isda.Pag nabili ako ng isda sa palengke sinsabi ko na palinis at lalagyan ng palaman para sila na ang hihiwa sa likod ng isda.Nilalagyan ko lang ng sibuyas,bawang,luya at kamatis sa loob ng tiyan,Tinatalian ko na lang ng sinulid para hindi lumabas yung mga rekado sa loob ng tiyan ng tilapia.Ang bango niya pag piniprito…

@Sweetzyle22

Good evening noisemates... Meet my new baby girl. May gf na agad baby blaze namin talandi hehe.Welcome home baby.Pa help naman po anong magandang name ng new baby girl ko. Lahat ng naiisip ko ayaw ng asawa ko kaloka. Nadagdagan na naman aalagaan ko,2 mos.old pa lang po yan.Mas mabalahibo siya sa lalake namin. Na busy ako umalis kasi kami kinuha namin yan.Magpapadami kami ng pusa ayan na lang mga kapatid ng anak ko hehe. Janrich®

@Sweetzyle22

Adobong manok for lunch... Ito na lang niluto ko madaling lutuin at siguradong makakakain pa mga alaga ko.Sarap pagpawisan or ganito na talaga pag tumataba mabilis pagpawisan haha.Kumain na po ba kayo mga kaingay ano po ulam niyo?magka pakpak na tayo nito at ayaw mag mura ng karneng baboy🤣pero akin mas gusto ko pa kahit laging gulay kesa sa mga karne.Nasanay kasi kami na laging gulay ulam namin. Magandang tanghali po sa lahat... Janrich®

@Sweetzyle22

Walang ibang meryenda kaya isaw na naman,wala kasi naglalako.Wala naman si hubby kaya pwede kumain hehe.Hindi naman masama kumain basta paminsan minsan lang. Kayo po anong meryenda niyo?Kayo po ano fav.nyo sa ihaw ihaw? Pagabi na naman busy na naman sa pagluto ng hapunan.Ako magsaing na lang at may ulam pa naman kanina tama na yun para tipid. Janrich®

@Sweetzyle22

Good night everyone...it's time to sleep na. Yung bago kong laba na cover sa sofa bininyagan agad ng bago naming pet haha.Nakalimutan ko kasi ibaba yung cat litter box niya.Kaya diyan siya napa poop haha.Ok lang nalabhan ko na ulit.Marunong naman na siya kaso diyan lang talaga inabutan at naghahanap ng cat litter box niya.Sorry naman kasalanan ko din naman kasi. Say good night to my cutie kitten... God bless us noisemates... Janrich®

@Sweetzyle22

Good morning noisemates... I hope that you had a restful and peaceful night...Rainy and cold friday. Aga ko nagising kanina sa sobrang lakas ng ulan nauna pa ko sa alarm clock ko.Ang sarap lalo matulog pagka ganitong maulan.Nakakatamad mamalengke nito mamaya at sigurado baha na naman doon...need magsuot ng bota kasi ang dumi ng tubig tsaka iwas nadin sa sakit.Ingat po ang lahat lalo na sa mga papasok.Ito ang mahirap sa mga papasok sa trabaho na maulan,kahit na maulan…

@Sweetzyle22

Ginarip na mais or ginisang mais (corn soup) for lunch... Easy to cook healthy and yummy food.. Nilagay ko eh hipon na tira nung sang araw,talbos ng sili at chicharon. Sakto ngayong makulimlim ang araw. Mamaya babagsak na naman ang ulan. Inagahan kong magluto para makaidlip pagkatapos mag lunch.May thunder storm pala kaya naman naulan ulan dito samin. Musta po mga kaingay kayo po ano ulam niyo? Ingat po sa mga lalabas huwag makakalimot magdala ng pang sangga sa…

@Sweetzyle22

Ang sarap balikan ng staycation namin jan sa Seda hotel kasama ang pamilya.Namiss ko na bonding namin ng mama ko.Wala ng mas sasaya pag kasama ang pamilya.Sobrang nakaka relax ng place.Yung kami kami lang ng pamilya ko ang nag swimming diyan.Hindi nga lang pwede magtagal may limit lang sila at oras ng pagligo.Ang linis kasi walang ibang kasabay.Sabi ng anak ko mommy kelan po ulit tayo mag swimming miss niya na daw maligo.Nakaka sad lang sabi ko konting tiis na lang kahit ang…

@Sweetzyle22

Hindi ko na naman namalayan oras ang bilis talaga...mahapdi na mata ko hehe adik lang.Bukas naman po ulit mag-ingay at hindi na kaya ng power ko.Sigurado kasing maaga na naman ako gigisingin ng mga alaga ko.Tulog na ata ang lahat ako'y tutulog pa lang...good night na po.. Thank you lord for all the blessings... Janrich®

@Sweetzyle22

Magandang umaga Pilipinas... On our way to albay bicol,nakalabas din ng lungga at nakalanghap ng sariwang hangin.Nakasama din kami ng anak ko pag-uwi.Umuwi kami hindi para mag bakasyon kundi damayan ang hipag kong may malalang sakit.Ilang oras pa byahe namin ang sakit na sa puwet haha.Ang haba ng byahe namin siguro mga 12hrs aabutin nag stop over din kami at kailangan magpahinga driver namin.Hindi na ako nakapagpost at biglaan uwi namin kagabi. ❀𝕵𝖆𝖓𝖗𝖎𝖈𝖍❀

@Sweetzyle22

Ginataang gulay na lubi-lubi at picadillong pritong tilapia ulam ko today...Kain po mga kaingay.Namiss ko din itong gulay na to wala nito mabibili sa city.Dito lang ako nakakakain nito sa bicol.Busolve na naman ang tummy ko ng favorite kong ulam.Nag lunch na po ba ang lahat?kong hindi pa kain na kayo...Sarap din pagkakaluto ng bayaw ko. Thanks god at safe kaming nakarating walang anumang aberya.Maya tulog muna at hindi nakatulog sa byahe pagising gising. Happy lunch time po…

@Sweetzyle22

Merienda tayo mga kaingay ng mais na puti. Ito yung favorite kong mais mas gusto ko to kesa sa sweet corn.Sarap na sarap ako dito manamis namis pati siya.Masarap din siya gawing corn soup.Nag crave sana ako ng puto bao kaso wala kami nadaanan kanina sana bukas merong tinda namiss ko din yun.Medyo nahihilo padin ako sa byahe namin.Maya ako babawi ng tulog hindi makatulog kasi ng maayos.Masarap matulog mamaya at presko dito kanina kasi nag brownout.Hays kakaawa talaga tingnan…

@Sweetzyle22

Good night noisemates tulog na ng maaga para makabawi sa tulog.Ang sarap talaga pag sa probinsiya ang presko dito.Masarap matulog nito ito yung maganda sa probinsiya kong pwede nga lang dito na lang muna kami hanggat may virus pa na kumakalat mas safe padin kasi talaga dito.Dito pwede lumabas ang bata at malayang makakapaglaro.Samantalang nung nasa laguna kami laging nasa loob lang ng bahay anak ko.Nakakaawa naman puro gadget na lang. Stay safe and God bless us🙏 ❁𝕵𝖆𝖓𝖗𝖎𝖈𝖍❁

@Sweetzyle22

The beauty of orchids flower... Ang gaganda talaga nila dito yan sa pinsan ni hubby namasyal kami.Ang ganda pati sa house nila ang dami ding halaman.Yung mga nakukuha lang sa bundok na halaman eh andito sa kanila pag sa city ang mamahal na.Buti pa siguro magdala ako pag-uwi namin at ibenta ko hehe.Sarap sa eyes talaga ng mga flowering plants.Sabi ng tito ni hubby magdala nga daw ako at magtanim din hindi na ako bibili nakatipid pa ko,pero sana lang mabuhay sakin haha.Yan…

@Sweetzyle22

Happy lunch time mga ka Pilipinas Ginataang manok akala ko native na manok na naman hehe hirap na daw ng native na manok dito.Ang sarap ng pagkakaluto ng tito ni hubby.Mukhang taga kain na lang ako dito parang bakasyonista lang hehe.Dagdagan pa ng sili lalo gaganahan ka talaga kumain.Kain nadin po kayo diyan mga katambay... Nakakalungkot na balita back to ECQ na naman pala samin sa laguna sa aug.6...pagbalik namin mahigpit na ulit.Magiging stress eating na naman ako nito…

@Sweetzyle22

Minsan napapaisip na lang ako kong bakit nangyayari sa pamilya ni hubby ko to.Halos taon taon na lang namamatay mga mahal niya sa buhay dahil sa sakit.Una biyenan kong lalake,wala pang isang taon na nawawala sumunod naman biyenan kong babae wala pang isang buwan baby ko naman na 7 mos.pa lang lumabas na agad at may sakit din...tapos ngayon hipag ko naman😢Sobrang kota na sa mga pagsubok sa buhay.Ang babait naman ng pamilya ni hubby halos wala ako masabi love na love nga nila…

@Sweetzyle22

Good morning noisemates kahit hindi maganda ang umaga samin.Share ko lang ang nakita kong caladium dito kahit san lang pala to natubo dito.Hindi ko alam kong anong name nito alam ko lang eh variety siya ng caladium.Wala akong nakita nito sa mga nagbebenta ng halaman sa amin.Kakaiba din siya kaya magdadala ako nito pagbalik namin ng laguna.Tuloy lang ang buhay kahit ano mang mga pgsubok na nadaan sa aming pamilya.Ganyan talaga ang buhay una una lang. ❀𝔍𝔞𝔫𝔯𝔦𝔠𝔥❀

@Sweetzyle22

Kain tayo mga ka Pilipinas Ginataang pato (duck) Ang sarap ng pagkakaluto ng mga cook dito napasarap kain ko hehe.Bihira lang ako makakain ng ganitong ulam masarap pala siya. Anak ko hindi talaga nag ulam fish ang kinain niya.Ayaw niya daw ng duck hehe.Ito lang kinain ko at ito lang ang hindi ko nakakain palagi.Nakain din ba kayo ng ganitong ulam mga ka pinas?Na busy ako now lang nakapag post at madami ginagawa nag aasikaso sa mga bisita,lalo na mamaya magdadatingan mga…

@Sweetzyle22

Napaka antukin ko na talaga parang hindi ko kaya magdamag magbantay.Hindi na ako sanay magpuyat kasi dati naman napasok ako ng panggabi sa work ko dati.Nakapag kape na hindi tumalab sakin pinagpawisan lang kaloka. 1st day of aug.na pala bilis lang ng panahon talaga.