Share ko lang ang ginawa kong pinasarap at pina creamy na Maja Corn Jelly.Para sa mahirap gumawa ng maja blanca try nyo po ito. Ito po mga sangkap: 1 can 380g. Condensed milk 2 1/4 cup water 425g.Cream corn 4 tbsp. Cornstarch 1pack mr.gulaman unflavored or mango flavor gamit ko Toppings: Grated cheese and add whole corn. Mix lang lahat ng mga sangkap at lutuin sa katamtamang apoy.Huwag hahayaang bumola gawa ng gulaman kaya need siya haluin ng haluin hanggang sa kumulo. Masarap siya pagka malamig. Pwede na pambenta... Sino na po naka try nito mga kaingay? Maulan na hapon mga kaingay... Janrich®
1 comment
Wow sarap naman niyan...