Magandang tanghali mga katambay... Ginataang labong (bamboo shoots)na may saluyot at hipon ang niluto kong pananghalian namin.Ito naisipan kong lutuin.Mas gusto ko pag gulay lalo na pagka ginataan.Pagka ganito ulam ganado ako lalo kumain lalo at may sili.Hindi nawawala sakin ang sili sa gulay yan yung nakakapagpagana kumain. Ang mga health benefits pala nito ay nakakapagpababa ng timbang,nababalanse ang cholesterol level,at nakakapaglakas ng resistensiya.Nakain din po ba kayo nito? Kain po tayo mga kaingay medyo madami naluto ko halagang 30 pesos na labong ang dami na para sa amin at purong gata nilagay ko. Janrich®
1 comment
Ahw i feel hungy again when i see it🤤🤤. Nakakagutom naman talaga