Patimpalak!
#6 (157)
Magandang araw sa lahat, naway lagi tayong nasa mabuti at malulusog na pangangatawan at ligtas sa anumang sakunang ating makakaharap sa araw araw. Naway biyayaan pa tayo ng maganda at mahabang buhay, lagi tayong gagabayan sa bawat darating na pagsubok.
Natatandaan ko isang araw ay may nag imbita sakin upang lumahok sa isang patimpalak at ang araw na iyon ay ngayon na pala. Dali dali akong bumangon sa pagkakahiga, naligo at nagbihis at sunod kong tinungo ang bahay ng kaibigan ko na siyang nag imbita sakin para sa patimpalak sa karatig bayan namin. Pagdating ko sa kanilang bahay ay ibinalita ko ang aking naalala at nagulat din siya kasi nakalimutan daw niya ang petsa. Sa mabilisang paraan ay dali dali kaming nagsanay sa kung anong dapat kong gawin. Ang patimpalak ay magaganap na mamayang gabi bandang alas siyete. Kaya puspusan ang aming pag eensayo at isinunod na namin ayusin ang aking mga isusuot. Mangamba ngamba na ako pero diko ito ipinahalata sa aking matalik na kaibigan dahil pinangarap ko ang pagkakataong ito kaya walang sukuan, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko kung maaari.
Dumating ang gabi at ang lahat ay nagsasaya na, naggagandahang kalahok at magagarang kasuutan , maliwanag ang lugar at talagang pinaghandaan ang patimpalak na iyon. Patimpalak ng kagandahan! Ang lahat ay mala princess sa ayos nito, magagandang mukha sa tulong ng mga make up, ang bawat isa ay kabado na at talagang masasabi mong walang talo, lahat panalo dahil sa kanilang ayos.
Oras na ng patimpalak, masigabong palakpakan at hiyawan ang iyong maririnig bawat may rarampang kandidata. Ang mga judges ay paniguradong mahihirapan pumili dahil sadyang ang gagaling ng lahat kaya akoy kabadong kabado dahil diko napaghandaan ang lahat.
Ito na ang moment ko, ako na ang sunod na tinawag at umakyat sa entablado. Gandang ganda ako sa sarili ko. Ang lahat ng manonood ay sadyang naghihiyawan, isinisigaw ang pangalan ko. Sweetiepie! Sweetiepie! Sweetiepie! Ang tangi kong naririnig, ng biglang nag iba ang ihip ng hangin! Ang lahat ng paghangang isinisigaw ay napalitan ng pangungutya! Diko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng iyon, ang maganda kung mukha ay napalitan ng kulubot at matandang mukha na tila ba nasa singkwenta anyos na! Ang maganda kung buhok ay biglang bumuhaghag at ang napakaganda kung damit ay napalitan ng isang marumi at punit punit na damit. Ngsisigawan na ang mga tao at binabato na ako na animoy isang hayop at nakakadiring nilalang!
Tumulo ang luha ko, tumatakbo habang umiiyak. Wala na akong nililingon maging ang matalik kong kaibigan. Hiyang hiya ako sa sarili ko at lubos na ngtaka kung bakit biglang ngbago ang aking anyo. Diko namalayan ay napadpad ako sa isang liblib na lugar! Isang kagubatan na diko pa nasisilayan sa buong buhay ko! Malalim na ang gabi at halos wala na akong makita. Naninindig na ang aking balahibo at pumapatak ang aking mga luha. Mga binti koy biglang namanhid at tila dina maigalaw. At kahit anong lakas ng aking sigaw ay tila walang nakakarinig, biglang lumamig ang paligid, at tila may malamig na kamay ang humawak sa aking balikat! Sumigaw ako ng sumigaw hanggang nakaramdam ako ng tila lumilindol, nayayanig ang paligid ko at isang masakit sa isang bahagi ng aking pisngi, bigla akong nagising sa realidad, panagip lang pala ang lahat.
Ang lahat ng ito ay kathang isip lamang, gawa ng makukulit kong imahinasyon lamang. 🤭🤭✌✌ minsan kapag akoy nakaupo at walang costumer sa aking tindahan ay biglang lumilipad ang aking isip at minsan tinatangay na ako ng imahinasyon ko sa mga bagay bagay na imposible. Kapag bumabalik na ang isip ko sa kasalukuyan ay bigla nalang akong napapangiti at nasasabing ang buhay ay sadyang mapagbiro 😂😂😂
May 29, 2022 Sunday
Philippines time: 1:26 PM
Sending of friendship,
@Sweetiepie 🥰🥰🥰
Katakot sissy! Nagmagic bigla hehehe.