Dimo ako makukuha sa mga basket ng prutas mo!
Ang sarap balikan ng mga alaala ng kahapon, mga alaalang naghahatid ng sekretong ngiti sa ating mga labi ngayon. Masarap alalahanin ang masasayang araw ng kabataan, mga araw ng kasiyahang bihira lang nararanasan ng kasalukuyang henerasyon! Ang mga dalaga noon mahirap ligawan kumpara ngayon, dadaan ka muna sa maraming love letters! Maraming klaseng panunuyo, ipag iigib mo ang pamilya niya, ipagsisibak mo ng kahoy at minsan may parega regalo ka pang nalalaman π€ regalong malayo sa mga pinanreregalo ngaung henerasyon, regalong pang buong pamilya, yon ay ang basket basket na prutas at sari saring mga gulay, iba talaga kapag taga bukid ang manliligaw mo π Pagkatapos ng walong araw na pakikipagrelasyon ko na natapos lang sa isang nakaw na halik, ay unti unti kong natutunan ang mga bagay bagay. Ganon na pala kapag dalaga kana, bawal ka ng mglaro ng bahay bahayan o lutu lutuan, bawal na din maging parang taong grasa na namunulot ng balat ng candy o tansan ng softdrinks upang gamiting pera perahan sa laro π habang tumatagal natuto na din akong alagaan ang sarili ko. Nong 1st year high school pa lang ako maliligo lang ako, magdadamit at magsusuklay tama na, papasok na ako sa school pero ng tumungtong na ako ng 2nd year high school at sa dami na din ng mga nagiging kaibigan ay naimpluwensyahan din nila ako sa pabeauty beauty nila kahit hindi naman beauty π natuto na din akong gumamit ng baby powder, lotion at pabango (naku dagdag gastusin pa tuloy ng mga magulang ko!) Dati papasok ako kahit walang plantsa ang uniform pero ng mag 2nd year na ako, di ako papasok ng di nakaplantsa ang damit ko. Natuto na din akong humanga sa mga cute na nakikita ko, marami din nagpapahiwatig na may gusto sa akin pero diko pinapansin. Nakakaramdam na din ako ng konting kilig kapag may umaakyat ng ligaw (hoy huwag kang umakyat hindi matibay ang bahay namin!) Ganon pala talaga yon? Bigla nalang kakabog kabog ang puso natin kapag nakakasalubong natin yong taong nanliligaw satin? Natatakot na kinakabahan, ahayy bahala kayo dyan basta yon na yon! Noon mahilig akong magbakasyon sa bukid sa bahay ng mga half sister ko, syempre bagong salta kaya maraming bumibisita at nagtatanong sa ate ko kung sino daw ako, ipapakilala naman ako ng ate ko sa kanila. Di naman ako kagandahan at di nagyayabang pero kapag isinasama ako ni ate sa bahay nila tuwing malapit na harvest nila ng mais ay andaming mga manliligaw na pumupunta sa bahay ni ate, siguro dahil bibihira lang ang dalaga sa lugar nila at magkakakilala na sila. Nasa fourth year high school na ako noon. Tuwang tuwa ang ate ko kasi nakakalibre siya ng maghaharvest ng mga mais nila kasi yong mga kalalakihang dumadalaw doon ang pinapaharvest ni ate hahaha, kape at tinapay lang ok na sila tapos ako din parang prensesa nakaupo sa isang tabi at pinapanood sila. Deep inside tuwang tuwa ako sa mga ginagawa nila lalo na tawang tawa ako sa ate at bayaw ko dahil ako ginagawang paing sa mga kalalakihan. Diko naman pinapansin mga panliligaw nila kasi wala naman sa isip ko yon. Isa sa mga nanliligaw sakin ang diehard talaga. Pinsan siya ng bayaw ko, tuwing bibisita ako ky ate ay sumasalta narin siya doon, malayo din ang bahay nila sa bahay ng ate ko, halos lahat na ng panunuyo nagawa na niya sakin pero diko sinasagot. Madalas nghahatid siya ng basket basket na marang sa bahay namin, mga niyog at buko minsan pati saging na nahinog na sa puno. Ewan bakit ganon ang way niya. Tinatanggap ko naman lahat ng bigay niya hahaha pero sinasabi ko din sa kanya na wala pa sa isip ko ang makipag relasyon ngunit patuloy parin siya sa panliligaw at panreregalo kahit alam niyang walang patutunguhan ang lahat. Madalas niya akong padalhan ng love letters minsan pinapabasa ko sa tatay ko, natatawa na lang ang tatay ko at kinakausap ako na bakit diko daw sagutin eh matagal ng nanliligaw at mabait naman pero sinabi ko sa tatay ko na wala pa akong balak makipag relasyon. Graduation day ko ng high school, nandoon parin siya kasama ng ate at bayaw ko, neregaluhan nia ako ng photo frame na meron heart design na meron orasan π kinilig ako ng konti lang ayiee pero wala parin nagbago,friends parin ang turing ko sa kanya. Dumating ang time na pumunta ako ng manila para mag abroad. Lagi parin siya ngpapadala ng love letters at tinatawagan ako sa cellphone ng recruiter ko kasi wala pa akong cp noon, minsan ngpapadala siya ng pera sakin. Inabot ako ng 8months yata sa manila, kinausap ko siya na tigilan na niya ako dahil mayron na akong boyfriend. Sabi ng ate ko matagal daw niya yon dinamdam, lubos siyang nasaktan hanggang nagpakasal daw siya sa isang babae na never niyang naging kasintahan. After 6yrs muli kaming nagkita at nalaman na wala naman pala akong asawa, gusto niya akong ligawan ulit ngunit sinabi kong ano pang dahilan may dalawa na siyang anak. Ang di niya alam noon, habang nanliligaw siya sakin ay mayroon na akong boyfriend na itinago ko sa kanya, alam din ng ate ko yon pero ung boyfriend ko ayaw ni ate kaya pinipilit akong sagutin ko daw ang pinsan ng asawa niya haha (bad ko talaga), mayron din palang playgirl na pangit πβ super bad ko pala noon π€ **Kindly visit first my generous sponsors, they are awesome promise!** ***Mukhang ang gulo yata ng kwento ko hahaha feeling ko nasa panahon ako ng kahapon, basta marami pa kayong malalaman sa kwentong pag ibig ko, pagpasenyahan niyo na kung masyadong magulo pero yan talaga ang mga pangyayari. Sana di kayo nabagot sa kwento ko, may mga susunod pa dito na mas kikilig sa inyo at nalalapit ng mabunyag ang totoong pag ibig ko hahaha chaarrr!*** *Maraming salamat sa matiyagang pagbabasa ng magulo kung buhay pag ibig, hanggang sa muling pagkikita at mas kikiligin pa kayo, not sure hehe naraming salamat.* **October 20, 2021 Wednesday** **Kuwait time: 1:31 pm** **Article #42** **Lead image is mine** **Sending of love,** @Sweetiepie β€β€β€
73 comments
Ang sarap balikan ng lumipas , pero di mo nga ba minahal yong tao?asan na ngΓ yon yong boyfriend mo? Kung kayo siguro ang nag katulunyan sis siguro marami na kayong anak
Kaya nga sissy ambilis niyang manganak hahaha Ikukwento ko ung bf ko nextym para suspense hahaha
Sige hintayin ko yan
Hahaha na excite nba sissy
Yes super excited
Nalalapit na talaga sa katotohanan hahaha
Sissy, sikat ka pala sa lugar nyo dati hihi ganyan talaga noon kapag bago ka sa lugar prinsisa ka kung ituring marespeto pa yung mga tao noon kumpara ngayon wala ng mga Batasan hahaha.
Niahahaha salta kasi sissy kaya nasa akin ang attention hahaha Welcome to read sissy
There's no doubt in your writing abilities here but my problem is not understanding anything here hahahaha...i must learn your language so i can also be commenting with it
I try to write in English soon, im so sorry for ghis time. Im not so good in writing English but I try my best, thank you again, maybe google translator can help this time π
You are welcome my sweet beauty
I have English articles but not so good, im not good in English
Umasa, nasaktan, at tuluyang nagpakasal hahaha ayii kinilig ako sa love story mo lods.. hanggang ngayon single ka parin lods?
Single na in relationship lods hahaha Ang gulo ng buhay ko π may mas gugulo pa sa sory na yan nextime hahaha
Haha paano ba yan single na in a relationship? Hahaha LDR ba meaning niyan lods? Aabangan ko ibang kabanat lods hehehe fan mo na ako hehe
Hahaha lods diko din mapaliwanag basta ang gulo hahaha, salamat lods
Hahhaa aabangan ko lods
Nakakatuwa nmn sissy at naging apple of the eye ka pa don hehehe.. Nkkamis din ang buhay teenager.. Wlang prblma.. Wlang stress diba.
Hahaha natatawa na lang ako sissy lalo na sa mga title ko hahahaha
Hahahah.naguluhan nga ako sissy kasi sabi mo ayaw mo muna magka boyfriend yon pala ay may secret boyfriend.hahaha..Pero sissy super bait nong nanliligaw sana sayo kaya lang hirap naman siguro turuan ang puso kung hindi mo naman talaga mahal..Tsaka sa una palang sinabi mo na yon sa kanya..
Sympre sissy itatago ung isa hahahhaa. Ung naging bf ko araw araw un nasa bahay na namin hehehe fourth year nako naging playgirl hahaha
Nako sis inuunti unti mo pala ung story mo heheh.. nakakilig naman tlga balikan ung mga nangyari nong kabataan hehe..
Masyadong mahaba sissy kpg isabay ko lahat hahaha baka makatulog at magising ka nlng dipa natatapos nyahahaha
Hahaha kya nga eh kaya ok lang yan more articles ka niyan hehe
Bibitinin kita sa love story ko hanggang dumating na sa part na nasa rainbow world na ako hahahaha
Hahahaha sige exciting yan sis... Malalaman namin kung kilan hehe
Dahil maraming excited puputulin ko na hahahahah
Hahahhaa wag kasi inaabangan namin.
Mauna ka muna lumantad hahahaha
Mukhang dpa ready sis.. mukhang uunti untiin ko din hehe..
Hihintayin kong maging ready nakau sissy hahahaha
Hahahha sige sis pag ready na hahaha
Paunahin muna kita sissy hahahaha
Ay grabe hehehe kw muna sis hehe
Part 2 sis? Hahahaha..nung high school ako hndi ko naranasang magkaron ng manliligaw, hahhahaha
Taga bukid kasi sila sissy kaya sarap makidayo nagiging sikat hahahaha Hala nakakahiya na talaga mukhang reveal na talaga ang mga nakatago ko hahahaha
Hahahaha truth sis, naranasan ko ding ligawan , pulis student nmn ung nangligaw sakin..pabor na pabor tiyohin ko dun kc ang lawak ng lupain.. hahahhaha kaso bata pa ako nun eh.. hahhahaha
may ganun ate, hahaha. parang madami pang mga kuwento na nasa baul mo ah. hahaha
Kaya nga sissy mukhang mailalabas na mga iyon hahahaha
maghihintay ako sa ibang kwento mo
Naku naku nasalang tuloy ako hahahaha
I had to translate it to read but does this really happen? π€£π€£
Yes sis it is π as long as the translator make it right hahaha
Ang Ganda nyo po siguro ate, kaya madami kaung manliligaw..Ang cute po ng pagkakakwento ninyo.
Maraming salamat akala ko ang gulo hehe, hindi ako maganda pero salta lang kasi ako kaya bago sa paningin ng taga doon kaya ganon siguro hehe
Hehhee ganun po ba, sabagay dto din po sa probinsya namin ganun pag may bagong salta halos lahat Ng mga binata dto excited makilala ung bagong dating.
See hahaha hindi sa kagandahan pero bago sa paningin hahaha after non ilang araw wala na laos na hahaha joke
Ayay mayroon ka oang ibang nakatagong mga alaala dyan sis, share mo naπ. Ang sarap magbasa ng ganitong kwento
Hahaha sissy ang gulo ko mgkwento eh hahahaha
Sag tingin moh sis Hindi kah kagandahan, pero may iba kang katangian nah wala nino man,at yun Ang nakikita nila,, pero anyways lahat tayo maganda kasi c God Ang gumawa natin.
More comments