Our Eid celebration!
#1 (152)
Hello everyone, whats up? It's been a long time bago nakapagsulat ulit, masyado kasing busy sa buhay. Mula ng umuwi akong Pilipinas ay lagi nalang akong busy lalo pa noong nag open ako ng maliit na sari sari store. Laging kulang ang aking oras kahit pilitin ko mang magsulat ay laging naiisantabi. Alam kong kapag gustuhin ay laging may paraan pero pilitin ko man ay kulang talaga ako ng oras lalo pa ng dumating ang buwan ng Ramadhan.
Kahapon May 2, 2022 ay ang aming EID AL FIT'R o pagtatapos ng buwan ng aming pag aayuno. Masyadong na busy ako at pinaghandaan ko ng konti ang Eid Al Fit'r sapagkat ang buwan ng Ramadhan ay sadyang mahalaga para sa aming mga nananampalataya sa relihiyong Islam at ang Eid Al Fit'r ay isa sa dalawang pormal na holiday na kinikilala ng relihiyong Islam.
Gabi pa lang ay busy na ako sa ihahanda ko kinabukasan para sa konting salo salo naming pamilya at mga bisitang dadalaw. Sinimplehan lamang sapagkat wala gaanong budget, ang mahalaga ay masaya kaming lahat.
Maaga kaming nagsigising at naligo upang maghanda sa pagtungo sa mosque upang doon isagawa ang salatul Eid. Napakaraming tao ang ngdasal sa bawat mosque dahil sa nakalipas na dalawang Eid ay ipinagbabawal ang pagtitipon ng pagsasagawa ng pag pray ng Eid.
Pagkatapos ng aming prayer, ngsalam kami sa bawat isa at humingi ng tawad sa bawat maling aming nagawa sa aming kapwa. Kumain kami ng sama sama pati mga bisitang dumadalaw at bumabati ng Eid Mubarak. Nakalimutan kong kunan ng pocture ang aming hapag kainan kc nahiya ako sa mga nandoon na nakisabay samin. Ngpicturan na din kami pagkatapos ng kainan.
Nagpahinga kami ng saglit, pagkatapos ng lunch namin, nagyaya sila na magpahangin daw muna kami at sa Manila Zoo nga kami napadpad, nilibot nila ito kahit di pa ganap na natatapos ang renovation doon. Free ang entrance doon ngayon, sobrang gumanda ang hitsura ng Manila Zoo ngayon kumpara sa dati.
Maayos na ang pagkakagawa ng Manila zoo ngayon kahit hindinpa tapos, nakaayos na at maganda talaga para sa akin. Although, dipa nila nilalabas ang mga animals doon. Nakaka excite naman magpunta ulit kapag natapos na talaga at mukhang mas malaki na ang entrance fee kapag nagkataon.
After we finish in Manila Zoo, umalis na kami para pumunta ng SM MOA to have our dinner, ginutom kami sa kakapasyal at kakalibot sa Zoo kaya pagdating ko sa McDonald's MOA, umorder na ako agad and super haba din ng pila don. Don kami kumain ng dinner sa may seaside.
5pm kami umalis ng MANILA ZOO at dahil sobrang traffic kaya 6pm na kami dumating ng MOA. Pagkatapos namin kumain ng dinner, nagpahinga sandali at nagdecide na kaming umuwi sa oras na 8pm. Dahil sa sobrang haba ng pila at traffic dumating kami ng bahay sa oras na 10:30pm kaya pagdating ng bahay super pagod na ako at agad na nakatulog.
Super enjoy at pagod ng Eid day namin, kahit isang araw man lang naging buo at masaya ang family ko, super blessed ng Ramadhan namin. Hoping na marnjoy din namin ang susunod na ramadhan sa susunod na taon, in Gods will Insha Allah.
To my new sponsor sissy @joydigitalsolutions maraming maraming salamat, diko sukat akalain na isa ka sa laman ng aking sponsors box. Maraming salamat at nainspired mo akong muli dahil dito. Wala sa isip ko na iisponsoran mo ako sa kabila ng di ako gaanong active. God bless you more and more blessings to come on your way. 🥰🥰🥰
May 3, 2022 Tuesday
Philippines time: 5:45pm
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of friendship,
@Sweetiepie ❤❤❤
Eid Mubarak sa Inyo Jan sis ...Buti pa Jan sa atin sa pinas Ang saya Ng celebration niyo dito sa amo ko simpleng dinner lang hehe pero ok nadin kasi less trabaho