Wanna flex my awesome sponsors, thank you for the support always
Magandang buhay sa lahat, kumusta ang araw natin ngayon? Ako masaya na at kahit papaano umambon kahapon dito sa Kuwait, akala ko dina magtatagpo ang landas namin ni ulan chaarrr biro lang. Marami ang hindi maganda ang pakiramdam dito isa na ako doon, marahil dahil na din sa pagbabago ng panahon, summer to winter na kasi. Tatlong araw na din di maganda ang aking pakiramdam ngunit dahil isa akong OFW at kasambahay, bawal magkasakit kung maaari, bawal humiga kung kakayanin pa dahil mas lalong lalala ang ating kalagayan, laban lang ika nga.
Tatlong gabi na rin akong di nakakatulog ng mabuti dahil sa aking runny nose minsan blocked nose, ah ewan nga bakit minsan blocked minsan runny hehehe ang gulo pero yon na yon ayieee. Minsan natatakot din ako at naglalaro sa isip ko na baka ito na yong tinatawag nilang covid! Astaghfirullah pero sana naman hindi. Inuubo ako paminsan minsan pero kapag napapadalas ang ubo ko short na ako sa paghinga. Ung isang box ng tissue dalawang gabi ko lang yon ubos na. Kaya mula kahapon naisipan kong uminom ulit ng vitamin C para wala na akong marinig pa kay madam hehe. Nakakalimutan ko kasi inumin ang vitamin C ko. Mula magka covid lagi niya kami binibigyan ng vitamin C pero kinakalimutang inumin kaloka. Diko kasi gusto ang lasa pero mula kahapon ng start na akong inumin ulit.
Diko man gusto ang lasa pero pinipilit ko na lang, once a day lang naman haha. Nadagdagan pa ang aking ubo noong gumala kami last Friday at wala akong dalang jacket at super lamig pa tapos sinabayan pang uminom ng napakalamig na softdrinks ng McDonald's! Ayan tuloy nadamay pa yong walang kinalaman hahaha.
Nag order ako kanina sa Filipino online shop sa HyperPinoy kasi bigla kong namiss ang mga chips. Ngrequest na din ang bago naming kasama na bumili daw ako ulit ng soysauce kasi miss na niya mag adobo at nagpabili din siya sakin ng iba pang gusto niyang chips, di naman ako masyadong madamot kaya share share na din hehe mahirap maging baguhan, dipa sanay sa mga pagkain sa bansang ating pinuntahan.
Konti lang naman binayaran ko, 11.055 kwd lang kasama na delivery charge, medyo mabait ako ngayon kaya nagbigay pa ng sobra sa nagdeliver ayieee, kung sa php ang binayaran ko nasa 1,800+ php lang, sulit naman marami kaming nabili. Nakabili ako ng dlwang vicks inhaler, sabon, stripsils, mga chips, hotdog, atay ng manok at toyo. Sulit na sulit sa dami. Ung mga chips kumuha na din ang kasama kong uuwi, babaunin daw nia sa quarantine hotel nia hehe. Pinaka mean ko doon is stripsils talaga dahil sa lalamunan ko. Diko kasi gusto yong flavor bg stripsils dito sa bahay, so ayon na nga pinapak na namin ang mga chips pati si kulit ko nakikain na din hahahaha.
Inangkin na lahat ni kulit haha, humingi ako binigyan niya lang ng isang piraso "THIS IS MINE" daw kalokang bata. Ang laki niyan kulit magkakasugat dila mo lol!
Binuksan ko ang stripsils, orange flavor siya. Pagkaubos ko niyan medyo guminhawa ang nagbabara kong lalamunan. Mas matapang kasi yong stripsils dito sa Kuwait kaya diko gusto. Naseparate na ng kasama ko ang kanyang mga dadalhing chips at marami pa din ang natira samin. Mga dalawang araw lang yata ikakain namin nito hahahaha.
Para na kaming nagtitinda nito haha, ang laki pa naman ng mga chips hehe. Eenjoy nalang namin hanggang meron pa. Natuwa ang bago naming kasama at nagtaka sabi meron din pala Filipino chips dito, sabi naman namin oo halos lahat meron dito sa Kuwait lalo na kapag merong day off. Naaawa din ako sa bago naming kasama kasi pinalaba siya ng tambak na labahin sa kabilang bahay dahil pinauwi nila ang dalawang katulong nila noong Thursday, sabi ko sa kanya magreklamo siya dahil labag na yon sa karapatan niya pero dahil baguhan tahimik lang siya. Di naman kami nakikialam baka sabihin pa sa amin na wala nga siya reklamo pero bakit kami ngrereklamo. Buhay ofw, masayang pakinggan pero mahirap kapag nasa katayuan kana nila.
Hanggang dito nalang muna at naghihintay pa sa akin ang tambak kong plantsahin hehe, maraming salamat sa patuloy na sumusuporta sakin. God bless you all Insha Allah.
November 21, 2021 Sunday
Kuwait time: 8:48 PM
Article #75 (22)
Photos are mine unless stated otherwise
Sending of love,
@Sweetiepie ❤❤❤
Pahinging chips sissy,gusto ko lahat yan hehe ang bait talaga nag dagdag pa sa driver , anyway get well soon sissy umuulan na magbubunyi ng mga camel.