read.cash Log in

@Sunggabe

Joined 21 October 2022 · 122 posts

https://noise.app/Sunggabe Let's be friends Noisemate!

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Sunggabe

Wala akong nagawa sa trip ni Meses tonight. Kala ko chitchirya lang pero may kasama pala na redhorse. Pampatulog daw. Pero makatulog naman kaya agad? Hahaha Malamig kase kaya dapat may pampainit. Abangan ang mga susunod na kabanata.

@Sunggabe

3 eggs 1/4kg mayonaise Salt and pepper 1 pcs medium size onion At boom ayos na ang egg sandwich.

@Sunggabe

Isang maulan na umaga Nagcarlan Laguna. Hindi parin nauubos ang ulan dito sa amin. Sarap nga lang at maginhawa sa pakiramdam kase ay malamig. Tambay muna sa office at baka naman mamaya ay titigil narin yan. Sana. Magandang umaga po!

@Sunggabe

Magandang gabi po mga kaingay. Tutulog na ulit at bukas ay papasok na naman sa work. Medyo nakakasawa din ang araw araw na ginagawa pero wala tayong magagawa kundi sumunod sa agos. Hahaha Sana makatikim din tayo ng kaginhawahan balang araw.

@Sunggabe

Malalaman nyo kaya kung ano itong ulam namin kanina? Clue: malutong Masarap naman siya. Dapat lang pala na sumarap siya kase ay hindi biro ang presyo. Nag crave lang talaga si Meses kaya siya nagpabili sa akin. Pero siya din ang nagbayad thru gcash.. hahaha

@Sunggabe

Sayang. Diko nakita ang redmoon. Wala tuloy ako picture.. nalimutan ko kase na ngayon yun. Kelan kaya susunod na ganon? Hehe

@Sunggabe

Late upload pero flex ko lng ang aking itchura pauwi dito sa bahay kanina. Traffic na nga ay andami pang bitbit. Pagkain namin ng dinner at pambaon ng estudyante. Straight 1 week na kase ang pasok. Buti hindi siya nagsasawa sa chicken tempura. Kung sa bagay ay masarap nga din naman.. hehe Magandang gabi po mga kaingay!

@Sunggabe

Ayan na nga at parang may namamatak na yelo sa kalsada. Buti na lang at nandito nako sa office. Ang hirap na naman kumilos kapag ganito na maulan. Sarap matulog. Anyway, magandang umaga po sa inyong lahat.

@Sunggabe

Maulan na naman dito sa bundok. Hindi naman malakas pero napakadilim kase kaya parang bubuhos ang malakas na ulan. Ingat po mga kaingay

@Sunggabe

Chicken Tapa, fried egg at fried rice para sa hapunan. My own version ng Tapsilog. Wala pala kami pork sa ref kaya chicken tapa ang kinalabasan.. hehe

@Sunggabe

Uwian na. Buti at hindi umuulan. Kitakits na nman dito sa office bukas mga friends. Uwi muna sa kanya kanya at mag iisip ng maluluto. Hahaha

@Sunggabe

Good morning Monday! Grind lang ng grind mga lodi. Makakaranas din tayo ng kaginhawahan someday. God will answer all our prayers. Keep safe po mga kaingay!

@Sunggabe

Akala ko ba matapang ka? Hindi pa ako tulog bagsak kana sakin. Hindi ka manlang nagtawag ng kapatid mo. Boooooooo. Wala ka pala. Mabuti pa yung quatro cantos. Napapatagos ako sa pader. Hahaha

@Sunggabe

Bonding moment with our young girl. Salamat sayo at lagi kang one call away sa amin ni mamme. Lab na lab ka namin. Sarap sa pakiramdam na meron kang anak na kahot hindi mo kadugo ay itinuturing ka na magulang. Godbless you always at sana ay makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay.

@Sunggabe

Happy birthday sa boss ni Meses. Shot puno. Kain puno ang nangyari sa akin eh. Hahaha Happy weekends mga kanoise

@Sunggabe

Happy weekends mga kapatid. Enjoy lang natin ang bawat moments. Lalo na kapag ganito bertdeyen. Hahaha

@Sunggabe

Evening ride with my driver. San punta natin neng? Go lang si Dadde galing mo na magdrive eh. Si Mamme na bahala sa meal natin.. hahaha Relax ka lang jan at be carefull.

@Sunggabe

Abala ang mga tao sa kanilang mga motor. Dapat kase talaga ay well maintained ang ating mga service at ito ang ating mga kasama sa pang araw araw na trabaho o kung saan mang lakad natin. Buti nlng talaga at nauso ang mga sasakyan at naging madali ang pagpunta sa mga gusto nating puntahan. Kung tayoy lakad. Ay jusku po. Hahapuin na pagpasok palang sa work. Hahaha

@Sunggabe

Malapit na naman mag uwian. Last day of the week ng work. Family day is now loading. Sana hindi maulan bukas para may mangyaring maganda. Hahaha Anyway, kahit anong condition ng weather ay dapat tayo magadjust para makahanap ng paraan para sumaya. Kahit kulang sa budget kailangan maging masaya. Magandang hapon noisemates. Keep on smilling lang po. Pero wag po sosobrahan at baka mapagkamalan. Hahaha

@Sunggabe

Sarap! May pasalubong na PINALTOK na saging ang aking officemate! Ang tagal ko na hindi nakakatikim nito kaya ang sarap sa feeling. Hahaha

@Sunggabe

At napagluto pa nga. Haha. Nakakapagod din. Mainit sa kamay paghahalo. Pero ayos lang at libre naman ni Meses.. hahaha Biglang nag aya eh di pagbigyan. Kain po tayo!

@Sunggabe

Umuulan sa labas. May isang bisita na gusto yata makisilong pero nahihiya pa kase may tao sa loob na malapit sa bintana.

@Sunggabe

Nagkita kami ng aking inaanak kanina. Malaki na siya at hindi na daw ako kilala. Hahaha Simula kase nung pinanganak siya ay hindi kami gaanong nagkikita kaya hindi ako kilala..

@Sunggabe

Mango-graham naman matapos kumain ng kanin . Nakagusto ng dessert si Meses eh. Ayos din naman sa presyong 170 ay solved na. Lasang mauulit kaso nagtitipid nga pala ako. Hahaha

@Sunggabe

https://noise.app/Gegay Mga noise friends. Pinapakilala ko sa inyo si Gegay. Mabait yan. Shes ready to meet you all. Ready narin maki-ingay sa atin. Hahaha Magandang gabi po sa lahat!

@Sunggabe

Kapag madami kang dala tapos naipit mo daw yung binili mong Burger na hindi mo naman sinasadya. Kailangan mo daw mag " Chori Burger diko sinasadya." Para hindi siya magalet. Hahaha Antagal kase namin nakapila kanina ng mga workmates ko kaya kung ano anong naiisip.

@Sunggabe

Tamang repair muna tayo ng Shoes ng aking anak at wala pang pambili ng bago. Napatambak kase ito nung pandemic kaya siguro naging mahuna. Pero sa tumagal ang aking ginawa para mapakinabangan pa. Magandang hapon po sa lahat

@Sunggabe

Ngayon lang nakapunta at nakadalaw sa sementeryo. Tamang tama kase at maganda ang panahon. At wala parin tubig sa amin kaya walang magawa sa bahay. Hindi makalaba. Kaya dito muna tambay sa puntod ng aking tatay at kuya.

@Sunggabe

Kung kagabi ay kuryente ang aming hinihintay. Ngayon naman ay PLDT ang aming inaabangan. Medyo abala parin sa work ni Meses kase number 1 kailangan sa work nya as homebased call center agent. Tiis tiis lang mamme at lilipas din ito.

@Sunggabe

Maulan na naman mga lods. Malamig na naman ang ating gabi. Haha Magamit na nga ang aking birthday leave bukas kahit sept pa ang birthday ko. Baka kase matapos na ang taon ay masasayang lang ang birthday leave binibigay ng company. Hindi naman nila icoconvert sa cash kapag hindi nagamit. Magandang gabi po mga kaingay!