Tamang kain na lang muna ng Señorita. Maya maya ay isip naman ng maluluto para sa hapunan. Hindi rin ako makaalis at kanina pag uwi ni Meses ay sinisipon yata kaya hinayaan ko na muna matulog para makapagpahinga ng mahaba haba. Ilang years narin siya sa work nya na laging pang gabi. Pagsisilbihan ko siya today! 😁😁😁
Yung kakahintay ko magkaron ng tubig para makapaglaba ay inabot kana naman ng ulan. Malamang ay bukas na makadalaw sa mga mahal sa buhay na namayapa. Bukas naman talaga ang All Souls Day. Tamang pahinga nalang muna. Kumusta po kayo jan?
Kagabi ay wala paring kuryente sa amin kaya si meses ay nakidayo ng work da kanyang sister malapit sa bayan. Nauna kaseng magkaroon ng power supply sa kanila. Buti naman at ng uwi nya kaninang umaga ay nagkaron na. Internet nalang ang kulang. Hehe
Kung kailan kailangang gamtin ay saka naman nasira ang generator. Hays At saka bakit kaya yung mga nadaanan ko kanina ay may kuryenta na? Samantalang magkakalapit na naman kaming brgy. Wag naman sana may malaking sira dito sa may area namin kaya hindi nagawa agad. Nakakamiss na po ang meralco. Dumadayo pa kami sa bayan para makicharge ng cellphone.
Flex ko lang po ang flower arrangement ni Meses para sa kanyang Lolo. Parang pwede na ibenta yan ah. Hehe Magkano naman kaya natin pwede ibenta yan? Natuwa lang siya na gumawa kase kasama ang kapatid at mga pinsan. Pagandahan daw ng gawa. Haha
Tara kain napo tayo. Dinuguang karneng kalabaw na may mustasa. Talagang hindi mapigilang mapadami ng rice. Buti naman at umabot pa sa gutom ko ang paglalabog ng karneng kalabaw. Kahit medyo late ang lunch ay solved din naman. Haha
Tuluyan na nga umalis si Paeng pero ang kuryente sa amin ay sumama na yata sa pag alis. Ano kaya ang dahilan at hindi pa ginagawa ang nasirang linya? Siguradong pati linya ng internet ay damay din sa nabagsakan ng mga puno ng kawayan. Sana naman maayos na today para makapagwork na si meses sa bahay. Kung saan saan tuloy makikipwesto kapag hindi padin naayos.
Mahangin, malamig, walang kuryente. Madilim sarap kumain ng nilagang saging na may sawsawan na niyog na gumaan. Sarap. Alam nyo po ba ang pagkain na ito?
Nadaanan ko kanina nung nagpunta ako sa bayan. Kaya pala wala parin kuryente sa amin sa bukid ay malaki pala ang sira malapit sa bayan. Mukang matatagalan pa ito ah. Kaso bakit parang wala paring gumagalaw nyan? Or baka naman inuuna pa yung mga nasa kabayanan.
Salamat po Lord at nawala na ang hangin at ulan. Tubig, kuryente at internet na lang ang kulang. Mukang matindi ang naging sira ng linya ng kuryente dito samin eh. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa maibalik ang supply. Sana ay maayos na mamaya. Pati ang tubig. Para makapaglaba. Hehe Magandang umaga po sa inyo
Ayan na nga at tuluyan na nawala ang power supply dito sa amin. Ang inaalala ko ay baka dito lang sa bahay namin sira ang linya. Sana naman ay matapos na ang bagyo nakakatakot ang lakas ng ulan at hangin. Galit na galit. Rinig na rinig pa naman sa bubong kase ay long span. Sarapa na sana matulog kaso ay nakakapag alala. Mag ingat po tayong lahat ngayong panahon ng bagyo. Magandang gabi po sa inyo. Ako muna ay magluluto at ang hirap gumalaw kapag madilim.
Patay-buhay ang power supply ah. Pero buti nlng at hindi pa tuluyang nawawala o nasisira. Sa tindi ng maghapon na ulan. Anlakas tuloy ng tunog sa bubong at talagang galit na galit. Kumusta po jan sa inyo? Ingat po
Ayan ang sabi ng HR kapag signal number 3 ay matic na walang pasok. Parang nagkagulo pa knina kase ay antagal ng announcement. Tapos hindi malaman kung magpafile ng leave o ano baga.. hehe Basta walang pasok dahil sa bagyo. Makatulog kaya muna.. hehe
Kaya naman pala napakalakas ng ulan dito sa amin. Buti nlng at mahina ang hangin. Kaya lang kagabi pa hanggang ngayon umuulan. Siguradong baha na sa mababang lugar. Ingat po tayong lahat. Nakakaantok ang ganitong panahon. Palibhasa ay walang magawa at ang hirap kumilos
Sarap Tamis Nakuha lang to dito sa tabing bahay. Ang sarap talaga ng nakatira sa probinsya. Yung mga bagay na kailangan mong bilhin kapag nasa siyudad ka ay masisimot mo lang dito sa probinsya.
Ang lunch ko kanina. Tipid meals. Gulay at bola-bola na cassava. Solved ang maulan na tanghalian. Kumusta po kayo jan? Ingat po tayo at medyo masama ang panahon. Wag magpapaulan. Bawal magkasakit
Mukang dito sa office makakapagLunch kase ay napaka ulan talaga. Nakakatamad lumabas kase ay malamig kapag nabasa. Makikigahin na nga po sa sinaing at mamaya nalang makabili ng ulam. Yung budget meal lang at need talaga magtipid sa mga panahon ngayon.
Hindi na taya aattack ang kalaban. Pero mahaba pa naman ang oras kaya baka nagpapasakam palang ang mga ito. Pati naman yung ibang clanmates ko ay hindi pa nakaka attack. Sana manali ulit at nang madami ma-loots pang upgrade.. hehe
Ayan na naman ang ulan. Masarap sa pakiramdam kase presko kaso medyo nakakaabala sa work lalo na kapag kagaya ko na more on fieldwork. Pero ok lng yan. Online muna tyo for todays video. Hahaha
Ito na naman ang napagtripan na ipahanap sakin para pasalubong. Daig pa ang naglilihe ay. Sa daming laman ng mga Durian na yan ay baka 2 buto lng ang nakain ko jan. Hindi naman tinigilan hanggat hindi ubos eh. Tapos sabi sakin masakit pa daw ang ngipin nya. Hahaha Hayaan na nga at pagod at puyat sa work. Spoiled Meses ka sa akin aba.
Pag uwi ko ng bahay ay naabutan ko ang aking nanay na inaayos ang kanyang naharvest na mga Anthurium flowers. Bukas kase yata dadating ang pipick up para dalhin sa Dangwa. Isa na ito sa pangunahing produkto ng mga taga dito sa amin. Bukod sa mga sari-saring gulay ay isa na ang anthurium sa itinatanim ng mga magsasaka para pagkakitaan. Dati ay bibihira pa ang nagtatanim nito pero ngayon ay halos lahat ng taga dito ay meron na nito. Kaya naman medyo bumaba na ang presyo nito…
At syempre ang aming dugo't laman na ngayon ay Grade 12 na. Sana ay matupad lahat ng mga pangarap at guminhawa ang buhay balang araw. Matutong magsumikap para sa mga pangarap. Go baby boy! Hehe
Ang isa naman ay newly hired sa Serenitea Sta. Rosa branch. Orientation palang ngayon. Goodluck. Sana ay pagbutihan mo kahit para sa experience man lang. Laging may pagpapala kapag nagtitiyaga. Godbless you!
Papasok na daw sa school nya sa sta cruz ang aking Criminology student. Go lang para sa mga pangarap. Makakaraos din tayo. Hahaha Ingat sa pagdadrive at madulas ang daan ngayon.
May pasalubong na fresh chillies ang aking officemate. Parang ang sarap papakin kung titingnan. Hahaha Masarap to sa sawsawan at pampa anghang ng lutuin gaya ng adobo. Talagang mapapadami ka ng kanin kapag may sili.
Ganda! Ng Yamaha Nmax matte green. Kaso parang ang hirap naman magkaroon ng ganyan. Bukod sa medyo may kamahalan ay mataas din ang maintenance cost. Pero malay natin. Hindi natin masasabi baka balang araw magkaron tayo ng ganyan. Hehe Magandang umaga mga noisers!
Mahirap talaga kapag nakakakita ng nakapost na bago sa paningin ang aking Meses. Nagpabili tuloy ng buko juice na buo ang laman at lalagyan nalang ng straw. Medyo matigas na nga lang ang coconut meat kase para mas mabilis nila makuha ng buo na hindi natatapon ang sabaw. Sari sari ang mga naiisip para makabenta. Nagpadala naman agad ang aking Meses. Hahaha
Waz up mga Sis. Gusto ko lang po ipagbigay alam sa inyo na ako po ay Bro at hindi Sis. 😀😀😀✌️✌️✌️ Pero ok lang naman kung anong mapalagay nyo sa comments. Ang mahalaga ay nagkaka interact tayo dito sa Noise. So pano mga sis. Maya nalang ulit at gagaod na naman muna. 😁😁😁
Tapos na yata ang ulan pero madilim parin ng paligid. Hindi ko tuloy malaman kung makakabili ba ako ng bigas mmaya. Kase baka abutin ng ulan ay medyo malayo din ang pauwi sa bahay. Motor lang kase ang aking kakargahan kya medyo nag aalala. Malalaman mamaya kung pwede. Back to work mga kaingay. Hanap hanap ng client pag may time. #buhaysalesassociate
Lunch muna tayo mga kaingay ko jan. Maulan parin ang ating tanghalian. At may konting lakas ng hangin sa taas. Hindi na nga lang sinlakas ng ulan kaninang umaga. Sana naman pag uuwin ng mga estudyante mamaya ay wala na ang ulan. At 2 sapatos na ng anak ko ang basa. Pati yung sapatos ko ay naisuot na nya. Buti nalang at nagkasya. Hehe