Good day read. cash readers!
At last, I finished the draft of the story I want to write here. But this time I will write it in my language Filipino nakaka-nosebleed na kayang ang laging pagsulat ng English may naka-relate ba dito? Tinapos ko talaga ang draft kasi gusto ko na hindi na ako mahihirapang magkwento dito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit medyo matagal din akong nakapagsulat dito bukod sa super busy sa work. Sana magustuhan ninyo ang aking kwento.
Simulan na natin ang pagkukuwento mga kaibigan.
_________________________________________________
"Dumating na ang hinihintay mo." Iyon ang saad ni Sandra sa kaibigan niyang si Sophia. Biglang lumingon si Sophia at nakita niyang pumasok ang isang matangkad at matipunong lalaki. Hindi niya gaanong naaninag ang mukha nito dahil medyo malayo ang kanilang pwesto sa kapapasok lang na lalaki. Pagalit pa siyang umirap sa kanyang colleague na si Sandra ng napagtanto kalaunan na ang inasam niyang makita na lalaki ay hindi pala ang lalaking kakapasok lang sa opisina ng kanilang principal.
Hindi naman si Tony yun and saad ni Sophia kasi matipuno yung lalaki na kapapasok lang at si Tony hindi naman ganoon ka matipuno ang built ng pangangatawan. At hindi rin ganoon ka-chaka?, matipuno nga at matangkad ngunit chaka naman, natatawang saad ni Sandra habang patuloy na kumakain ng sandwich na malapit ng maubos, maya-maya pa ay uminom ng orange juice. Break time nila noon at katabi lang ng cafeteria ang opisina ng kanilang principal kung saan nakita nilang pumasok ang lalaki. Nasa bandang pintuan sila ng cafeteria at nakaharap pa ang mesa nila sa pintuan kaya kahit sinong paparating doon sa office ng kanilang principal makikita talaga nila.
Niloloko ni Sandra si Sophia kasi excited itong makita ang long time crush nitong si Tony. Magkaklase kasi sila ni Tony noong second year hayskul sila. Transferree si Tony from famous private school to public school. Simula noong nagkrus yung daan nila ni Tony ay crush na niya ito. Si Sandra lang ang may alam ng damdamin niya para kay Tony. Pagdating ni Tony sa kanilang campus nakitaan agad ito ng skills sa pagiging leader kaya noong may halalan sa pinakamataas na organisasyon sa kanilang school ang SSC or Supreme Student Council nanalo agad si Tony sa pinakataas na posisyon ang Presidential position. Napakatalinong bata ni Tony at aktibo talaga ito sa lahat ng mga school activities famous din ito sa mga girls kasi may itsura talaga ito.
Noong malapit na ang kanilang pagtatapos sa hayskul nabalitaan na lamang niya na doon mag-aaral si Tony sa malayong lugar hindi naman niya alam kung saang lugar ayaw niyang makiusisa kasi takot siyang malaman ng iba na may interes siya sa binata. Sila naman si Sandra ay sa local public university lang sila pumapasok na malapit sa kanilang lugar. Sa University of St. Lorenzo Ruiz, doon din sila na-absorbed after ng kanilang practice teaching. Nakitaan din kasi sila ng kanilang mga professor ng exemplary skills sa pagtuturo. Limang taon na silang nagtuturo sa school na ito. Noong napagdesisyonan nila sa kanilang groupchat na magkakaroon sila ng reunion sa kanilang highschool alumni, dali-daling nag-announce sila na magkakaroon ng registration sa opisina ng kanilang principal mismo ang Vice-President dati ng kanilang oraganisasyon sa paaralan ang SSC or Supreme Student Council. Kaya akala nina Sandra at Sophia na si Tony na ang pumasok sa opisina ng kanilang principal para sa registration. Pero mali pala sila dahil ibang tao pala ang pumasok doon. Malapit na pala ang araw ng huling registration kasi sa makalawa na ang kanilang reunion. Unang beses pa silang magkakaroon ng reunion sa almost 10 years after highschool. Batch 2012 pala sila noon sa NNHS or Nara National Highschool.
Dumating na lang ang hapon at napapagod na si Sophia sa kahihintay pero wala talagang Tony ang dumating para magpa-register. Bukas na ulit, Saturday mag-resume ang registration at Sunday na ang reunion. Ipinagdarasal niya talaga na makadalo si Tony. Wala pa naman siyang balita nito ayaw kasi niyang makibalita sa takot na malalaman ang kanyang hidden feelings dito. Si Tony ang dahilan kung bakit 26 years old na siya hindi parin siya nagkaka-boyfriend. Hindi pa naman siya makapag-stalk doon sa principal's office kung nakapag-register naba si Tony kasi may importante siyang lakad bukas. Bukas nalang kasi siya makapaglaan ng oras upang bumili ng damit para sa susuotin niya sa reunion. Kaunti pa naman ang budget niya kasi nauubos yung pera niya may maintenance na kasi ang magulang niya ng gamot. Siya kasi ang bunso sa limang magkakapatid. At siya lang ang nakatapos ng kolehiyo sa mga ito. Kung hindi lang city scholar siya noon hindi talaga siya makapagtapos ng kurso.
Kinabukasan, pumunta na sina si Sophia sa isang mall sa kanilang lungsod para bumili ng maisuot for the reunion. Apat na dress yata ang naisukat niya bago pa siya nakapili ng casual dress na kulay purple. Si Sandra naman ang kanyang taga-tingin kung anong dress ang mas bagay sa kanya. Ang sabi ni Sandra bagay na bagay sa kanya ang purple dahil maputi siya at hapit sa katawan ang sukat nito at almost hanggang tuhod ang haba sexy din ang damit sa likuran kasi U back ito. Ang napili naman ni Sandra ay itim na damit kasi hindi raw siya gaanong maputi at kung magsusuot siya ng kulay itim ay feel na feel niya daw na maputi siya. Pumili din sila ng wedge sandals kulay brown sa kanya at kulay itim naman ang kay Sandra gusto kasi ni Sandra ang ternohan ang kulay.
Excited na excited siya kinabukasan lalo pa at napag-alaman ni Sandra sa isang klasmyt nila dati na nakapag-register pala si Tony last minute bagong mag 5PM. Parang may namumuong butterflies sa tiyan niya at kinikilig siya at the same time kinabahan siya sa kanilang muling pagtatagpo ni Tony. Hindi talaga siya makatulog sa kakaisip. Gusto niya talagang matulog ngunit si Tony lang ang laman ng isip niya.
To be continued...
Salamat sa pagbabasa mga kaibigan sa susunod ulit kasi inaantok na si Lola Basyang... bye for now. Thanks for reading my friends.
Lead Image Source: Unsplash.com
Date Published: October 12, 2021, 11:13 PM (PH Time Zone)
Always be your friend,