Effortless Transmission

0 25
Avatar for Stylish
3 years ago
Topics: Topic, COVID, Writing

Covid-19 has effortless transmission from one person to another. Therefore, gathering or bringing together many people in one place can harm everyone if one of them carries the virus.

As a result, the government's implemented measures are anchored in the ban on mass gatherings and the practice of social distancing in crowded places.

Napakadaling transmisyon

Ang covid-19 ay mayroong napakadaling transmisyon mula sa ibang tao papunta sa iba, samakatuwid, ang pagkukumpulan o pagsasama-sama ng maraming tao sa isang lugar ay makakapagpahamak sa lahat kung ang isa sa kanila ay nagdadala ng virus.

Social distancing

Dahil dito, ang mga ipinatupad na hakbang ng gobyerno ay nakaangkla sa pagbabawal ng mass gatherings at pagsasagawa ng social distancing kung nasa matataong lugar. Kaya kailangan na maging masunurin ang mga Filipino ngayong tayo ay nasa gitna ng krisis dahil ang pinapangalagaan natin dito ay ang public health.

Sundin ang mga panuntunan

Kailangan nating sundin ang mga panuntunan simula sa paglabas sa barangay, sa pamimili ng mga pangangailangan, at kung saan pa man pumunta gaya ng pagsuot ng face mask, paggamit ng alcohol, at iba pa dahil kailangan nating mabawasan ang posibilidad na tumaas pa ang bilang ng kaso sa ating bansa.

Kung hindi natin susundin ang mga ipinapatupad ng ating lipunan, mas lalala ang ating problema lalo na’t hirap tayo sa pagtutustos sa mga pangangailangan ng mga maysakit pati na rin ng mga pamilyang hindi makapagtrabaho.

Maging masunurin

Higit sa lahat, kapag hindi tayo magiging masunurin, maaaring tayo ang mahawaan na nangangahulugang dumaragdag tayo sa problema ng ating bansa. ang mga kailangan natin sundin ay hindi upang limitahan ang ating kalayaan kundi upang maprotektahan ang bawat isa sa nakamamatay na sakit.

Napakaraming bagay ang kinakatakutan ko magmula nang dumating ang sakit na covid-19 sa ating bansa ngunit ang pinakapinapangambahan ko ay ang pagkaubos ng pera ng gobyerno at ng taumbayan.

Mahalaga ang pera para magsurvive

Bago dumating ang covid-19 sa bansa, naniniwala ako na ang pera ay mahalaga pero hindi dito makukuha ang tunay na kaligayahan subalit ngayong tayo ay lumalaban sa isang nakamamatay na sakit, mahalaga ang pera upang tayo ay mag(survive).

Natatakot akong maubos o magkulang ang pera ng gobyerno dahil sa ngayon pa lang ay hindi na sapat ang ating badyet upang tugunan ang mga pangangailangan ng ating bansa, kung magkukulang ito, mas lalong maghihirap ang mga pamilya na umaasa lamang sa ayuda na bigay ng pamahalaan at mas lalong hindi matutugunan ng gobyerno ang kailangang medikal ng mga pasyente ng covid-19.

Kung mauubos ang pera ng taumbayan, maaaring may mga panibagong problemang maitataas o di kaya’y mamamatay sa gutom ang mga kababayan nating walang pangkabuhayan sa kasalukuyan.

If we do not follow the rules of our society, our problem will worsen, especially since we are struggling to provide for the needs of the sick and the families who cannot work.

What we need is to follow not to limit our freedom but to protect each other from deadly diseases.


Sponsors of Stylish
empty
empty
empty

Illustration via World Health Organization

"Pandemic is not a word to use lightly or carelessly. It is a word that, if misused, can cause unreasonable fear, or unjustified acceptance that the fight is over, leading to unnecessary suffering and death."

- Dr. Tedros

Thanks for reading!

6
$ 0.48
$ 0.38 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Lusipir
Sponsors of Stylish
empty
empty
empty
Avatar for Stylish
3 years ago
Topics: Topic, COVID, Writing

Comments