kung sa quarantine pa nga lang lumalabas na yung totoo nyang ugali what more pa kaya kung LDR na talaga ang kalaban nyo? Kung mahal ka lang pala nya pag magkasama kayo ehh hindi solid yung love nya sayo. Partner ka nya e, dapat susuportahan ka nya at iaangatan ka nya sa panahong down na down ka na, hindi yung lubog ka na nga lulunurin ka pa nya lalo dahil sa pinaparamdam nya sayo.
@Sterileen
Joined 17 June 2020 · 210 posts
120 KT
0 KT · 1¢ received · 0 KT given
Posts
Good evening po mga kababayan. Lets help and support each other po by subscribing each account.🤗🤗
Hi po! Nakakatuwa po no ang bilis ngayun ng counts ng points kay read cash compare from past days. Hihi nakakatuwa pag open ko may points nako kahit 3 days akong absent kay read cash. Siguro ito yung points and earnings ko before na di nabayaran. Anut ano paman ang saya ko at sobrang motivated akong magsulat ngayun. Sana mataas din ang counts ng point nyo kay read cash. Kung hindi naman antay lang po tayo baka the next day bumilis din sa inyo 😊 . Sa ngayun mag sipag sipag at tiyaga muna po tayo mga kababayan
Good evening po sa inyo🤗🤗 Motivated nanaman ako mag post, comment at gumawa ng articles ngayun. Medyo nagbabawi bawi sa 3 days na absent ko kay read cash. Pero nakakatuwa na pag open ko ngayun tumaas ang points ko at mabilis siya ngayun. Nag cocount young points ko everytime na nag popost ako. Kaya ganado ngayon. Sana ganun din po kayo. Good day po sa lahat at happy earnings 🤗🤗
My experience with read cash To be honest when I first heard and introduce this site to me, my first impression was it likes some other fake site. But I was wrong because on the first day that I use it, it already show me how it's work. Its platform is to help people to earn by writing articles with different varieties. It is not just an earning site but also have some features that can help you to find some ways to earn and enhance your skills. You can also meet some other author or members in read cash that could help you in many ways. Read, comment and make your own articles depending on your interest. The day after tomorrow I receive my first payment in read cash. That day I never doubt this beautiful platform again. Though sometimes there's a problem in slow movement of points, but after some few days its already fix that make it to be friendly user. Im not really good in writing even in english speaking but this site also help me to enhance it. I do believe that it could help many people in needs, so I hope that it could last for long. Im now recommending read cash in my friends and currently learning and earning in this platform.
Hi po good eve, Tagal nadin nung last visit ko kay read cash. Aaminin ko dahil yun sa napansin kong pagbaba ng points dito. And some of my post and articles were not paid. Pero pag open ko ngayun natuwa ako na yung mga hindi nabayaran na articles and post ko ay dumating na ngayon. Kaya ang saya ko at mas motivated ako na mag sulat ulit. Aaminin ko na gusto ko talaga makaipon lalo na ngaun na nakahirap ng buhay. Kaya ngayun eto mag sisipag ulit para kumita. Kayo po kamusta na ang earnings at points nyo kay read cash? I hope na tumaas din ang points nyo😊😊
Free legit paying app Hi po share kolang po yung kakadownload ko kanina na app. Pag ka sign up ko dito nakapag pay out and nareceive ko agad yung request ko. Mabilis lang siya kung mag iinvite ka (optional). Pede din naman na maglaro kanalang kung saan mag memerge ka ng cat para mag level up sila. Sa second pay out need molang maka 10$ na madali molang ma rereach kung mag iinvite ka. Hope na makatulong po ito pang dagdag na income. Ang pay out po ay through doge, btc, ltc, usdt and eth. Kindly click the link nalang po if interested kayo. And comment if may tanong thanks. Happy earnings Welcome to my Garden! https://cats.garden/share/index.html?branch=VH511F3H
Another legit paying app Hi I just want to share another legit paying app. As minimum of 0.07$ you can already request a pay out from paypal account. And in a short period of time you will receive your earnings. There are many ways to easily earn money here.You can earn by daily bonus, games , opening chess and reffering friends. It was another platform that can make you earn real money. So if you want to use this app just simply click the link below. Thank you and happy earnings 🤗🤗. https://givvy-share.app.link/Dz49CoJKJ7
hi po good morning! 2 days din akong dinaka pag post kay read.cash. kaya ito mag babawi bawi na muna. Pansin ko kasi nung mga nakaraang araw walang dumadagdag na points o mababa ang dagdag kaya medyo tinamad na muna ko. So ito nga baka nag bago na ulit ang system ng pagbibigay ng points. Kaya mag popost at babasa basa na ulit ako kay read cash. Hoping na tumaas na ang counting points🙏🙏🙏. Go go go po saatin mga ka read cash. Happy earnings po.
Nang at ng Ang ilan saatin ay alam ang gamit at pinag kaiba ng: nang at ng. Habang ang ilan ay nagkakaron ng kalituhan at pagkakamali sa paggamit nito. Kung kayat ang article na ito ay tutukuyin ang gamit ng dalawa. Ang nang ay ginagamit sa pangungusap na sumasagot sa tanong na Paano Halimbawa: Si Alen ay Sumayaw Nang Nakakatawa. Ito ay sumasagot sa tanong na paano sumayaw si Alen, kung kayat nang ang gamit. Ginagamit din ang nang kapag ang pangungusap ay sumasagot din sa tanong na gaano. Halimbawa: Si Helen ay umiyak nang malakas Ang pangungusap ay nagtatanong na gaano kalakas umiyak si Helen. Ang nang ay ginagamit din bilang pamalit. Eto ay maaaring pamalit sa noon o ginagamit sa unahan. Halimbawa: Noong bata pa ako ay hindi ako mahilig sa gulay Pamalit: Nang bata pa ako ay hindi ako mahilig sa gulay Ginagamit din itong pamalit sa salitang para at upang. Halimbawa: Nag eehersisyo ako upang/para maging maganda ang pangangatawan Pamalit: Nag eehersisyo ako nang maging maganda ang pangangatawan. Ginagamit din ang nang na pamalit sa salitang na. Halimbawa: Maaari mo na buksan ang regalo Pamalit: Maaari mo nang buksan ang regalo Ginagamit din ito kung ang salita ay inuulit o umuulit. Halimbawa: Iyak nang iyak si Bebang Samantala ang salitang ng naman ay ginagamit sa pangungusap na sumasagot sa tanong na ano at sino. Halimabawa (ano): Bumili ng cake si Linda. Sumasagot sa tanong na ano ang binili ni Linda. Halimbawa (sino): Sinabihan ng anak ni Linda na may darating na basura. Ang anak ay isang pangngalan o noun at ang pangungusap ay sumasagot sa tanong na: sino ang nagsabi kay Linda na may darating na basura. Pakatandaan din na ang ng ay ginagamit din bago ang pangngalan o noun. Ito din ay ginagamit sa tanong na kanino. Halimbawa: Napaka ganda ng tahanan ni Mang Seryo. Sumasagot sa tanong na kanino ang tahanan. Ginagamit din ito sa tanong na kailan. Halimbawa: Alas onse ng gabi tayo aalis. Pang huli ginagamit ang ng kung gumagamit ng salitang superlative o mga salitang ubod, napaka, puno at iba. Halimbawa: Ubod ng bait ni Beki Nawa po ay inyong naibigan at naintindihan ang gamit ng dalawa. kung may hindi po ako nabanggit at mali maari niyo lamang pong i comment sa baba. Maraming salamat po.
Hi ! Sarap manood ng bawal judgemental ngayon sa eatbulaga. Relate na relate ako mgs tiktokers kadi eh 😅. Gagaling nila sumayaw sana all may talent. Ni isang usong sayaw sa tiktok diko magawa kahit na gustong gusto kong gawin. Huhu pengeng talent sa pagsayaw, para makapagtitok din 🤣🤣.
Sana naman Read cash Hi po good morning .... Sana maganda ang gising at araw natin ngayun. More blessing and earnings pa sana ang dumating sa atin. Basta sipag at tiyaga lang samahan nadin natin ng patient sa pag aantay ng points😅. Hehe sana mabigyan naman ako ng mataas na points ni read cash hahaha🙏🙏. Active naman po ako at masipag mag post at comment kaya baka naman read cash masama sana sa ramdom. Hahahaha by the way wish ko na sana lahat ay magkaroon ng mataas na points para mas malaki earnings. At sana mas tumagal pa si read cash at kung pede wag na mawala para mas marami pang matulungan. Thanks for the good day papa God and earnings read cash.
Bakit po ganun walang nadadagdag sakin na points kung meron man bakit puro 0.1 ang dagdag. Puro article naman ang pinopost ko nasa standard naman siya na 60 characters higit panga eh. Hayss bakit ganun ang hirap na mag kapoints. Nakaka sampung article nako 6 points padin yung points ko mula kahapon. Yung ininvite ko 10+ lang yung na post niya nasa 60+ points na siya agad. Mas mataas ba magbigay ng points pag bago lang? O may standard talaga? . Pasagot naman po plsss kasi nawawalan nako ng pag asa sa pag popost.
Kumusta po kayo bka pwd na po kayo mg update per kapitbahayan 😊 Salamat po Ng marami Awa po Ng Diyos Nasa mabuting kalagayan po at Malusog na pangangatawan 🙏🙏🙏 Panalangin ko po na lahat Tayo ay malayo sa anumang sakit at kapahamakan. Palagi po Kayo mag iingat Lalo na sa panahon natin ngayon Hari nawa po ay matapos na Ang pandemyang Ito 🙏🙏🙏
Clipclap Hi po ask kolang kung sino po until now ang gumagamit padin ng clipclop app?kung yes po may nakapag pay out naba o paying parin ba siya? Kasi almost 4 months na sa cp ko si clipclap app pero until now malabo padin ma pay out ang 10$ hanggang ngayun kasi 5.30$ palang ang naiipon ko. Ask kolang kung may aasahan paba ko dito? Kung paying paba o hindi na?. Nung unang download ko kasi dito na receive ko agad yung 0.10$ sa paypal. At ilang araw lang nareceive kodin siya agad. Kaya lang nung mag register ulit ako ng clipclop gamit fb ng boyfriend ko, at nag pay out ng 0.10$ until now wala padin ako narereceive. Mag lagpas 1 week na pero wala padin. Kaya napatanong ako kung paying parin bato. Kasi kung hindi idedelete kona at mukang malabo ma pay out ang 10$ baka abutin pako ng napakatagal at dina sya paying pa. Pero kung paying parin talaga sya itutuloy kopadin dahil sayang naman ang naipon ko. Kung may alam din po kayo na tricks para mas mabilis na makaipon doon, comment lang po kayo para magawa ko. Malaking tulong napo sa akin ang inyong kasagutan. Sana po akoy inyong matulungan dahil sharing is caring chareng..... Salamat po ulit .
Nai-Scam nanaman Nung last time na scam ako ng sumali ko sa messenger bot sa halagang 70 php na kay read.cash kolang naipon. Kahit na maliit lang iyon nakakainis dahil yun lang ang pera ko at talagang pinaghirapan ko yun sa pagpopost ng mga articles dito. At kahapon lang yung kapatid konaman ang na scam. Mag kapatid nga kami parehas uto uto, pero syempre umaasa lang naman kami na mapapalaki ang konti naming pera. So yun nga nagdownload kasi yung kapatid ko ng lyka app, at doon siya nag iipon. Sumasali siya ng mga group makaipon lang ng gems. At sa mahigit na 1 linggo ay nakaipon siya ng 200 gems o 200 pesos. Para ma cash out moyun kelangan meron kang 3000 gems pero dahil mahirap makaipon ng gems sa lyka, minabuti nalamang nyang maghanap ng bibili ng naipon niyang gems. Sympre pag binenta moyu hindi nasiya 1gems= 1php. May nakausap siya na bibilin ang 200gems niya sa halagang 150php, syempre pumayag at naniwala naman kaptid ko dahil kasali siya sa group. Pero after niyang masend yung gems hindi na siya nerereplyan. Kaya nag post ang kapatid ko sa facebook, para maging aware ang members doon sa scammer. Nakakainis lang after mag post ng kapatid konun ay nag reply yung scammer at nilait pa ang kapatid ko kesyo puro tigyawat daw at pangit. G na g padaw sa 200 gems, kung makikita kolang yun sa personal sasapakin koyun talaga. Ang kapal ng muka ng scam nanga nanlait pa. Alam naman namin na maliit lang ang 200 gems pero alam mo naman kuya na napakahirap maka 1gem sa lyka. At sorry ha kung ang kapatid ko g n g ikaw din G n g as in gutom na gutom. Pinagmamalaki mo na maliit lang yun? Eh yun nanga eh maliit ngalang iniscam mopa. Tapos ngayun blinock mo yung kapatid ko poser kanaman. Buti nalang talaga may mga mababait na naawa sa kapatid ko at yung 200 gems na nascam sa kanya pinalitan ng 300 gems galing sa ibat ibang lyka members na nakabasa ng post niya. Pasalamat ka kuya hindi kita kilala, kung pede kalang sapakin na sapak na kita ng scam kana ikaw pa galit at nanglait. Sana naman po sa mga scammer maawa naman kayo alam ko mahirap kumita ngayun kaya sana isipin niyo din yung taong naghirap na iniscam niyo lang. Ngayun bless ako na may mababait padin na tao na handang tumulong at sa mga taong walang magawang matino Diyos napo ang bahala sa inyo.
Nakakatuwa kanina lang naiinis at namomoblema kami sa bayarin sa kuryenten. Tapos biglang binalita na kinekwestiyon ngayun ang bill ng kuryente. Nakakatuwa na i rerefund na ang ilang nagbayad ng kuryente para maisayos na ito sa tama. Sana lang totoo ito at bumaba ang bayarin dahil talagang gipit ang tao ngayun.
Bakit ganun parang ang taas naman ng bill ng kuryente? Every month pumapalo lang ng 3k ang kuryente namin pero ngayun nasa 20k+ nasya. Grabe hindi kami makapaniwala bakit ganto kataas. Ngayun tuloy namomoblema kami sa kuryente though pede namang paunti unti yung bayad pero to the point na umabot siya ng 20k+ totoo bayun? Napakalaki naman ata masyado non to the point na bago mag lock down nakabayad kami ng kuryente , meaning nung lockdown and ngayun lang yung bill na babayaran namin. Pero grabe naman napakalaki? . Dapat nga wala ng bayad ang kuryente bilang tulong nalang tutal mayaman na nanaman na ang may ari ng meralco at nag mas lalong naghihirap ang tao dahil sa pandemya. At sabi nga ng gobyerno ay dapat wala nadin ngang bayad, para nalang sa nakaraang taon na sobra ang singil ng meralco non. Pero hindi eh, hindi pede pero ok lang sana yun para nalang sa mga impleyado nila kaso grabe naman ang singil wala manlang konsiderasyon. Gipit na parang lalo pang ginigipit. Anyways eto po ay sarili kolang pananaw, alam ko may ilang sang ayon at may ilang ding hindi. Siguro nga wala kong alam sa kung paano nga nila nalalaman ang nakoconsiyumong kuryente. Pero ang alam kolang po ay mahirap mahanap o kitain sa ngayun ang pambayad ng kuryente. Sana magkaron manlang ng discount na talaga namang makakatulong sa mamamayan. Ipaliwanag kung paano bakit napakataas ng kuryente ngayun. Uulitin kopo ito po ay saliri kolang opinyon kung mali man ako ay sorry pero eto ang nararamdaman ko.
Paano mapalaki ang points? Una po hindi po ito article para magbigay ng ways o tips kung paano makaipon ng malaking points kay read.cash. Eto po ay para lamang mag tanong sa mga nakakaalam ng kasagutan sa kung paano ngaba mapapataas ang points sa naturang site. Pansin ko ilang araw ng mababa ang bigayan ng points kay read.cash. Marami nadin ako na publish na article . At masasabi ko every day ako kung mag post. Pero pansin ko na hindi tumataas o nadadagdagan ang points ko. Kung nadagdagan man ay maliit lang. Compare sa first 1 week ko dito na 10+ article and post and comment lang ang nagawa ko ay halos maka pay out nako ng 0.50$ . Ngayun mahirap na talagang mag kapoints . Bukod sa maraming nagsasabing wala ng points ang pag cocomment ay talaga naman pagbaba din ng pagbibigay ng points dito. Kung kayat hindi ko rin maiwasan na tamarin kung minsan sa pagpopost dahil sa baba o walang dagdag na points sa akin. Ganun paman pilit kong pinagsisikapan na manatiling aktibo at magtiwala kay read.cash. kung kayat tuloy parin ang pagpopost ko ng mga artice at short post. Kaya napaisip ako na magtanong kung paano ngaba mapataas ang points sa pagpopost kay read.cash. kung sino man po ang may alam ay maari lamang po na i comment sa ibaba upang aking masubukan, at makatulong narin sa mga may gantong tanong. Naway matulungan niyo poko para mas makaipon kay read cash para sa darating na pasukan. Tayo po sana'y magtulungan. Salamat po.
Hi guys ask kolang pano tumaas ang points? Pansin ko kasi ang bumababa mag bigay ng post si read.cash. nakakailang article nako pero pansin ko minsan walang points kung may nadadagdag man sobrant liit lang. Meron napo banh limit si read.cash? If meron po baka may alam po kayo patulong naman po . Thanks
Meet my little brother Gusto kolang po ipakilala aking 3 years old little brother na si Anghel. Gusto ko sana mag include ng picture nya kaso naisip ok nadin na discription nalang. Siguro saka na yung picture sa darating na kaarawan niya. So yun nga si Anghel ang bunso kong kapatid sa aking ama. Mula pa ng sanggol palang siya kami na ang tumayong ama at ina sa kanya. Ang tawag niya nga saamin ay mama ate Lelen (ako) at Mama ate Bebe (pangalawa kong kapatid). Ng pinanganak kasi siya yun din ang araw ng kamatayan ng papa ko. Habang 4 months palang siya iniwan na siya samin ng mama nya, stepmother namin. So yun mula non kami na ang tumayong maga magulang sa kanya. Tanda kopa hindi ako marunong magpaligo, humawak, magpalit ng diaper at mag padede ng baby. Pero siguro pag walang wala na talaga at nandon kana sa point na kailangan mong maging magulang matututo kanalang. Lahat yun natutunan ko para sa kapatid ko kasi wala naman ibang gagawa nun kundi ako lang dahil ako ang panganay. Kaya siguro sobrang mahal na mahal kotong bunso kong kapatid kasi mulat sapul ako na nag alaga sa kanya. At kahit na anong mangyari mag karon man ako ng sariling pamilya ay hinding hindi ko siya pababayaan. Kasi sobrang mahal namahal ko siya at iyon ang pangako kay papa nung nabubuhay pasiya. Hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko kahit ns anong mangyari. At ngayun sa darating na August mag 4 years old na si anghel, ang wish kolang lumaki siya na mabuting bata at kahit bisitahin manlang siya ng mama niya. Kasi kahit na kami na ang tumayong nanay niya minsan hinahanap hanap niya padin mama niya, lalo na pag inaasar siya ng mga kapitbahay na walang mama at papa. Nakakainis man pero wala naman kami magagawa kasi nakikitira lang kami at ayaw namin gumawa ng gulo. Kaya throug picture sa cp nalang namin pinapakita ang mama niya. Sana lang talaga mabisita siya ng mama kahit saglit lang.
Read.cash Ang dami konang app, messenger/telegram bot at site na nasalihan pero si read.cash lang yung subok kona na masasabi kong legit. Yung masasabi kong araw araw pede ka mag pay out kahit sa maliit na halaga. Yung hindi ka paasahin dahil siguradong legit siya. Nung una nag aalangan ako na subakan to dahil wala naman ako napapala sa mga app at kahit may puhunang mga bot. Ilang beses nadin ako na scam, kahit free app at free site para sakin na scam nadin ako dahil sa load na pinapaload ko maopen kolang ang mga yun. Then pag nameet kona yung minimum pay out boom waley na. So ayun medyo alangan talaga ko pero dahil gipit ako at gusto ko makaipon lalo na ngayun na darating na pasukan ay online class kami. Gusto kong makaipon o kaya naman pang load ko sa online class. So ayun triny ko sya, tanda kopa nung una ang kulit ko ang dami kong tanong. Buti nalang at mabait ang nag invite sakin as in pinaliwanag nya lahat at tinulungan ako. So nag antay ako kinabukasan at sinubukan ko yung minimun pay out na 0.01$ para makita ko kung legit talaga. Nung mareceive ko yung pay out ko kahit centavos lang yun natuwa ako agad at nagkaron ng pag asa dito. So yun yung time na talagang nag push ako na mag comment at mag post ng mag post. And luckily kimabukasan nakapag 2nd pay out ako agad sa halagang 0.50$ . After nun diko na inalis si read.cash every time na may maiisip o may gusto akong sabihin pinopost konalang kay read.cash.Atleast nagkakapoints ako at dipa nasasayang ang oras ko. Kaya untill now suki padin ako ni read.cash and nirerecommend ko sya maging sa mga friend ko. Kailangan lang naman sipag at tiyaga at makakaipon din tayo dito. Basta keep in mind na pag may tiyaga may nilaga. Hehe thanks po read.cash and sa mga nandito sa read.cash happy earnings po.
Ang paborito kong ulam Isa sa mga gusto kong pag kain at ihain sa hapag kainan ay sisig. Una koyung natikman nung mag elementarya ako, at naging paborito ko ito. Mas napapalakas ang kain ko sa tuwing ito ang ulam at sasabayan ng malamig na tubig. Pangalawa ay adobong manok, sino ba namang hindi gusto ito. Isa nga ito sa tinaguriang Pilipino dish. Pangatlo ay kalderetang manok. Kahit siguro sabaw pede na, at kailangan ng extra rice hehe. Gusto koto lalo na pag mas maanghang at mas makulay. Ewan koba masyado kong natatakam sa mga makukulay na pagkain lalo na pag pula. Piling ko kasi maanghang yun kaya mas lalo ko nag lalaway. Pang apat, gusto ko din ng kare kare kaso tuwing may handaan lang ito inihahanda sa amin dahil masyadong mahal. Nung una diko siya masyadong type dahil sa kulay pero nung tumagal mas lalo ko na inlove sa kare kare. Syempre mas masarap ito pag may kapartner na bagoong. Mas masarap at malasa kasi pag may ganoon. Iyan ang pinaka paborito kong pag kain o ulam. Ikaw ano ang paborito mo?
Hello po good morning!! Sana maganda ang naging tulog niyo kagabi at nakaipon kayo ng points kay read.cash. malapit naba kayong maka pay out o nakapay out na ulit? Kung hindi pa tiyaga tiyaga lang at pasasaan at makapapay out at makakaipon din. Ako nakaka 2 points palang mukang maalat ako ngayun. Kaya magbabawi ako para makapay out ulit tara na at mag post post
Hi po umaga na hindi padin ako makatulog sobrang sakit ng puson ko. Kanina pako namimilipit sa sakit. Pasensya napo kung masyadong gross. Pero baka may alam po kayong pedeng gamot para sa puson yung pede kahit nireregla? Salamat po sa sasagot
Sulat sa aking ama Hi papa kamusta kana po? Alam ko masaya kana dyan sa heaven. Pero hindi kapadin mawala sa isip namin, nangungulila pdin kami sayo. Mag 4 years nadin nung mawala ka pero parang sariwa padin ang pagpanaw mo. Miss na miss kanapo namin ng sobra Papa, gusto ka nanaming mayakap eh. Gusto naming mag sumbong sayo😅 at mag kwento😊. Hayss ang dami nagbago ng mawala ka po ibang iba sa dati nating masaya at simpling pamumuhay. Pero huwag kapong mag aalala nagpapakatatag kami para kay anghel. Hindi po namin siya pababayaan kami ang tatayong ama,ina at ate sa kanya. Tutuparin kopadin ang pangako at pangarap mo para sa amin. Kaya huwag kana po mag alala at maging happy kanalang diyan ah. Magpapakatatag kami sayo papa. Hinding hindi kapo namin makakalimutan dahil sobra sobra sooooobrang mahal na mahal kapo naming mag kakapatid.
Nakakainis lang na sa tuwing may mga kapalpakan o hindi magandang mangyayari lagi nalang kaming sinisisi. Bakit ganun porke ba nakikitira lang kami, kami nananaman?. Hayss ang hirap talaga pag wala kang sariling bahay at nakikitira kalang lahat isusumbat sayo kahit hindi mo naman hiningi. Ang masaklap padon hindi mo pedeng depensahan sarili mo kasi sasabihan kang walang modo o walang utang na loob. Lahat lulunukin mo kasi para sa kanila palamunin kalang.
Hi guys ano po kayang magandang movies sa netflix, yung series sana. Halos dami nadin kasi namin napanood kaya wala na kami mapili. Kahit korean or hollywood basta maganda . Thanks sa sasagot
Ang aking buhay (part 3) Nakitira kami sa tito ko nun pero ilang buwan lang din ay umalis kami dahil dinadaing niya na lahat daw kami ay nandoon. Nahihirapan daw silang pakainin kami dahil lahat kanila, na di manlang daw kami kumikilos kahit gumagawa naman kami ng gawaing bahay. At minsan pag maypera ko ay nagbibigay ako . Kaya kinupkop nalang kami ng tita ko dahil naawa siya samin. Hanggang nung mag graduation ako ng grade 12 nabigyan ako ng 2 scholarship at yun ang dahilan kung bat kami nakapagpatuloy ng kapatid ko sa pag aaral. Ngayun 3rd year college na kami sa pasukan, hindi nadin lumalabas ang lola ko. Pero syempre nahihirapan padin kami na makitira dahil limitado lang ang pede naming gawin. Pero kahit papaano ay nasa maayos kami ng lagay at nakakakain sa tama. Na meet din namin si ate Fe sa social media pero na block kami ng asawa niya kaya wala na kami ulit contact sa kanya. Habang si mama chinat kami sa messenger at agad naming pinuntahan ng kapatid ko ng palihim dahil ayaw ng lola at tita ko. Nag kwentuhan kami at doon namin nalaman ang reason kung bat pinili nyang umalis. Parehas sila ni ate Fe kasi hindi nya din kinaya. Hindi kasi kaya ni Papa bumukod kaya naging alila si mama ng mga tita at tito ko na ngayun ay dinadanas namin. Ayaw ni mama ng nililimitahan kaya umalis siya. Sabi niya pa na dahil nag dodroga si papa, pero wala daw siya masabi sa pag mamahal ni papa. Sobrang mapagmahal at ni minsan hindi siya nasaktan nito. Sa tuwing naabutan din siya ni papa na gumagawa ng gawaing bahay ay inaako yun ni papa at tinutulungan siya. Kaya lang hindi kayang bumukod at pabalik balik lang ang paggamit niya ng droga kaya iniwan siya ni mama. Gusto niya din kami kunin non pero alam niya kung gaano kami kamahal ni Papa,handa siyang pumatay at mamatay para sa amin kaya nakontento nalang si mama na sinusulyapan kami ng palihim. Mula non naintindihan kona si mama at nawala na ang galit ko sa kanya dahil naiinitindihan ko sya, naiintindihan namin siya. Alam naming mali padin ang ginawa niya pero mas minabuti naming magpatawad at maramdamang may kakampi kami. Ngayun nagchachat padin kami ni mama ng palihim ng malaman niya din ang sitwasyon namin dito at nasaktan kami ni tita ay nagalit siya dahil ni minsan di kami napagbuhatan ng kamay ni Papa. Yung naranasan niya noon kami na ang nakakaranas pati kapitbahay namin kami na ang inuutusan. Minsan naiiyak nalang ako dahil noon si lola kolang at si Papa ang nag uutos samin pag iba nagagalit siya. Ngayon kahit hindi namin kilala ginagawa kaming utusan. Gusto kami kunin ni mama pero sa ibang bahay dahil may asawa at mga anak na siya. Pero hindi namin magawang umalis dahil hindi maiwan ng lola ko ang pinsan at tito ko. At hindi din naman namin kayang iwan si lola ko dahil grabe ang sakripisyo niya samin. Kaya kahit nahihirapan kami ay nag titiis kami para sa kanya. Ganun paman ginagawa namin itong inspirasiyon para mas magpursige sa pag aaral at makaahon sa buhay. At sa araw na iyon hindi ko na hahayaang danasin pa ulit to ng mga kapatid ko, bibigyan ko sila ng magandang buhay dahil yun ang pangarap ng papa ko para sa amin. At tutuparin koyun...
Ang aking buhay (pagpapatuloy) Hanggang sa mas naging masaya kami dahil nabuntis si Ate Fe, sa totoo lang 27 lang siya habang si papa naman ay mag 40 na. Pero sabi nga age doesn't matter kaya nagbunga din ang pagmamahalan nila. Ang saya saya namin na eexcite kami na ipanganak na ang bunso naming kapatid. Lagi binibilin ni papa na kami ang magpapatapos sa pag aaral ng bunso naming kapatid. Lagi niya din kinakausap ito sa tiyan ni ate Fe na lagi kaming ipagtatanggol, dahil siya ang magsisilbi naming tagapagtanggol dahil sya lang ang lalaki samin. Hanggang sa yun nga sa araw ng kapanganakan ng kapatid ko sobra kaming na eexcite at kinakabahan dahil wala kami sapat na pera. Nung mag mamadaling araw na nagpaalam si papa na may puntahan lang siya pangdagdag sa pang pa hospital ni ate Fe. Hanggang anong oras na wala padin si papa. Si lola ko naman kinabahan na lalo na nung lalabas sana siya para maghanap ng pera ay sabi ng nasakyan niya na may barilan daw na nangyari sa di kalayuan . Nakipag kwentuhan pasya nun sa driver saka niya naisipan na wag ng umalis at puntahan nalang kami sa hospital. Yun kinuwento nya sakin yung sinabi ng tricycle driver saka hinanap si papa. Sabi ko may pinuntahan siya pero kanina pa kaya sabi ng lola umuwi muna ko at siya na muna ang magbabantay dahil madaling araw na. Kaya ng makauwi ako sa bahay natulog ako agad pero ilang oras lang nagising ako dahil sa ingay sa labas, nakita ko si tito ko umiiyak, yung mga kapit bahay namin na saamin. Kinabahan ako tapos tinawag ako ni tito at sinabi nga ang nangyari . Si papa pala yung isa sa mga nabaril, hinang hina ko nun sa sobrang pagod tapos ganun pa ang nangyari wala na si papa. Nung nasa hospital kami diko alam pano sasabihin kay ate Fe dahil cesarean panaman dapat sya. Hindi namin sinabi ang nangyari habang yung doktor ginawa ang lahat para hindi na macesarean si ate Fe. Kita pa namin non na may paro parong labas pasok sa pinag aanakan ni ate Fe . Lalo kami na iyak kasi baka si papa yun. Baka nag mamakaawa siya non na wag siyang patayin dahil nanganganak na ang asawa niya . Ng manganak si ate Fe hinanap nya agad si papa sabi namin nasa bataan siya nangungutang ng pera pambayad sa hospital. Sabi nya bat namumula mata namin sabi ko naman kasi wala pakami tulog at nag aalala kami. Tapos iniba namin usapan, tinanong namin siya kung ano papangalan sa kapatid namin. Di namin mapigilan yung luha namin ng sinabi ni ate Fe na saka nadaw pag dating ni papa dahil si papa daw ang magbibigay ng pangalan. Nag paalam kami mag cr nun kasi dinanamin talaga kaya, dun kami umiyak ng kapatid ko, kasi hindi na dadating si papa. Halos mag 2 araw din sa hospital si ate Fe at hinahanap si papa pero yun ang lagi namin sinasabi na nasa bataan siya dahil yun ang bilin ng doktor dahil baka bumuka ang tahi niya . Tapos nung uuwi na kami pinapataha namin si ate Fe kasi nakita nya na nasa kabaong na ang asawa niya. Sabi niya kaya pala nung nanganganak siya nagtataka siya kung bakit nasa deliveryroom si papa. Nakaputi at nakangiti sa kanya. Yun pala wala na si papa nun, sabi nya pa nanaginip daw si papa na hawak niya kapatid ko maputi lalaki at mapula ang labi. Yun pala kaya pinakita sa kanya yun dahil dinya na mahahawakan ang anak niya. Sobrang lungkot namin nun, walang araw na hindi kami umiiyak. Nung nawala si papa lahat nagbago minsan sa 2 araw nalang kami kumain, samantalang si ate Fe lagi napag iinitan ni tito dahil lagi siya inuuna ng lola ko dahil nag papadede siya. Hanggang sa nung mag 4 months na si anghel bunso kong kapatid iniwan din siya ni ate Fe . Parang gumuho yung mundo namin kasi pati ba naman si ate Fe iniwan nadin kami. Pero ni minsan ni katiting hindi ako nagalit sa kanya dahil alam ko na hirap na hirap na siya dito. Dahil alam ko ugali ng pamilya namin. Hanggang sa nag viral ang lola ko sa internet na isa siyang sindikato na nangingidnap daw at nagbebenta ng lamangloob ng mga bata. Takot na takot kami ilang araw kaming walang halos makain, puro utang kami para may panggatas kapatid ko dahil hindi na makalabas lola ko. Hanggang sa nag desisyon ako na maghanap ng pagkakakitaan para may panggatas ang kapatid ko. Pinaglalaba ko teacher ko, tuwing uwian naman nag lilinis ako ng bahay ng adviser ko. Nakilala ko sa school dahil namamasukan ako sa mga guro ko. Rumaraket kami ng kapatid ko tuwing sabado at linggo. Pero hindi padin sapat dahil kulang ang 200 sa isang araw. Hanggang sa napalayas kami sa bahay walang gustong kumupkop samin nung panahong yun. Nag aaway way yung mga kamag anak namin kung kanino kami titira. Itutuloy...........