read.cash Log in
@Sterileen

Nang at ng

Ang ilan saatin ay alam ang gamit at pinag kaiba ng: nang at ng. Habang ang ilan ay nagkakaron ng kalituhan at pagkakamali sa paggamit nito. Kung kayat ang article na ito ay tutukuyin ang gamit ng dalawa. Ang nang ay ginagamit sa pangungusap na sumasagot sa tanong na Paano Halimbawa: Si Alen ay Sumayaw Nang Nakakatawa. Ito ay sumasagot sa tanong na paano sumayaw si Alen, kung kayat nang ang gamit. Ginagamit din ang nang kapag ang pangungusap ay sumasagot din sa tanong na gaano. Halimbawa: Si Helen ay umiyak nang malakas Ang pangungusap ay nagtatanong na gaano kalakas umiyak si Helen. Ang nang ay ginagamit din bilang pamalit. Eto ay maaaring pamalit sa noon o ginagamit sa unahan. Halimbawa: Noong bata pa ako ay hindi ako mahilig sa gulay Pamalit: Nang bata pa ako ay hindi ako mahilig sa gulay Ginagamit din itong pamalit sa salitang para at upang. Halimbawa: Nag eehersisyo ako upang/para maging maganda ang pangangatawan Pamalit: Nag eehersisyo ako nang maging maganda ang pangangatawan. Ginagamit din ang nang na pamalit sa salitang na. Halimbawa: Maaari mo na buksan ang regalo Pamalit: Maaari mo nang buksan ang regalo Ginagamit din ito kung ang salita ay inuulit o umuulit. Halimbawa: Iyak nang iyak si Bebang Samantala ang salitang ng naman ay ginagamit sa pangungusap na sumasagot sa tanong na ano at sino. Halimabawa (ano): Bumili ng cake si Linda. Sumasagot sa tanong na ano ang binili ni Linda. Halimbawa (sino): Sinabihan ng anak ni Linda na may darating na basura. Ang anak ay isang pangngalan o noun at ang pangungusap ay sumasagot sa tanong na: sino ang nagsabi kay Linda na may darating na basura. Pakatandaan din na ang ng ay ginagamit din bago ang pangngalan o noun. Ito din ay ginagamit sa tanong na kanino. Halimbawa: Napaka ganda ng tahanan ni Mang Seryo. Sumasagot sa tanong na kanino ang tahanan. Ginagamit din ito sa tanong na kailan. Halimbawa: Alas onse ng gabi tayo aalis. Pang huli ginagamit ang ng kung gumagamit ng salitang superlative o mga salitang ubod, napaka, puno at iba. Halimbawa: Ubod ng bait ni Beki Nawa po ay inyong naibigan at naintindihan ang gamit ng dalawa. kung may hindi po ako nabanggit at mali maari niyo lamang pong i comment sa baba. Maraming salamat po.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.