"With God Im safe"
Madalas mobang takbuhan ang Panginoon sa tuwing may problema ka? Sa tuwing kausap moba sya ay sa tingin mo ay palagi kang ligtas o kaya naman ang mga mahal mo sa buhay? Anu ba ang lagi mong dinadalangin ? Hindi kaba nakakalimot magpasalamat o nawawalan ng pananalig?
Lahat naman ng tao sa mundo ay may problema, nagkakatalo lamang iyan sa bigat at kung paano mo ito dinadala. Ngunit ang maganda ay sa tuwing lalapit tayo sa Panginoon upang bigyan tayo ng sapat na kalakasan sa pagharap sa mga pagsubok na ito. Marahil kung minsan ay nawawalan kana ng tiwala o pag asa, gaya nalamang sa videong "With God Im safe ". Minsan akala mo nakalimutan kana ng Diyos, o napapatanong kung bakit sa dinami rami ng tao sa mundo bakit ikaw pa? O dikaya naman nagdududa tayo kung talaga bang nakikinig ang Diyos sa mga dalangin natin. Ngunit ang hindi natin alam nakikinig at kumilos ang Panginoon para saatin, gaya sa video nasasaktan ka ng mga batong tumatama sayo, ngunit wala payan sa sinasalo ng Panginoon para hindi mo maramdaman lahat ng sakit. Lahat ng sakit at pasakit ay hinaharang ng Diyos, at ang mga nararamdaman nating pasakit ay hamak na tira at kapiranggot lamang ng sakit na sinasalo ng Diyos para sa atin. At ang mga pagsubok na ito ay binigay sa atin upang malaman kung hanggang saan ba ang ating pananampalataya. At sa likod ng mga pagsubok na ito ay ang liwanag at kaginhawaan. Kung kayat imbis na magduda ay magtiwala tayo sa Panginoong Diyos. Sabi nga sa bibliya " Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas" kawikaan 29:25. Kung ikaw ay lubos naniniwala sa Diyos huwag kang matakot sapagkat maliligtas ka. At marami nang nagputanay na sa tulong ng Panginoon sila ay naliwanagan at naging matagumpay sa buhay. Gaya nalamang sa Karera ng buhay ni Erwin Mancao matapos siyang maging kampeon sa 2018 Palarong Pambansa sa 5,000-meter run na naganap sa Vigan City, Ilocos Sur. Ika panga nya " Pagdarasal, determinasyon, tiwala sa sarili at pokus sa bawat laro ang tanging sikreto ko po upang ako’y manalo.” Marami pang mga testimonya ang nagpapatanuy ng kaligatasan at tagumpay kasama ang Diyos. Sa madaling salita lahat ay mapagtatagumpayan kung sasamahan ng maimtim na panalangin sa Diyos.
Ganun paman pakatatandaan natin na hindi lang sa paghingi ng tulong natatapos ang pag alala sa Panginoon. Kundi kasama din dapat dito ang pasasalamat at pagtitiwala sa Poong Maykapal. At kahit anong pagsubok ang dumating huwag nating kalilimutan na nandiyan ang Diyos upang gabayan at tulungan tayo. Sa awa ng Diyos lahat ng bagay ay may kaakibat na kaginhawaan. Ikaw ba hanggang saan ang pananalig mo?
Palaging magpasalamat sa Panginoon. Salamat po dito