Tema ng wika ngayong taon

0 18
Avatar for Sterileen
4 years ago

Para sa akin ang tema ng buwan ng wika ngayong 2020, ay naaangkop sa kalagayan at panahon ngayong pandemya . Sapagkat hindi lamang nito sinasariwa ang kahalagahan ng ating wika bagkus ito rin ay nagiging sandata upang malabanan ang pandemyang ito. Pinapaalala nito kung paano matapang na nilabanan at nalagpasan ng bawat Pilipino ang bawat sakuna na maari rin nating gawing inspirasyon upang mapaglabanan ang sakuna ngayun. Ang bawat Pilipino ay maaaring gagamitin ang katutubong wika bilang sandata sa pakikipag bayanihan, pagkakaintindihan, pakikipaglaban  at maging boses kung paano malalabanan ang Covid 19 na nagpapahirap sa bawat libo libong Pilipino . Sa pamamagitan ng bawat tema ng buwan ng wika ay mas pinalalakas nito ang bawat isa at nagbibigay pag-asa sa awa nadin ng Diyos . Hindi lamang ito pag- alaala sa ating wika kondi isa ring instrumento sa pagkakaisa . Paka tandaan din na ang bawat  wika ay maaaring gamitin upang magsilbing paalala at gabay sa panahon ng pandemya o ano paman.

1
$ 0.00
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty

Comments