Bakit ganun, yung ibang mga bf/gf kahit gaano ka busy nabibigyan ng time yung mga jowa nila? Yung tipong nakakapaglaan sila ng oras para sa isat isa.
Nakakalungkot lang na sa panahon ngayon na quarantine diba dapat mas marami kayong time para sa isat isa? Yung tipong kahit message man lang sana makaalala siya kung hindi kayo magkasama sa iisang bubong. Bakit ganun mapabusy o hindi, palagi padin siyang busy .
Yung tipong lagi siyang may aayusin sa bahay, may sira yung ganto ganyan linis dito linis diyan . Ok lang naman yun kasi may mga gawain talaga sa bahay pero yung tipong hanggang gabi may ginagawa ka yung dika makaalala o makapag reply tama paba yun?
Siguro nga masyado kong paranoid o attention seeker, pero diba kahit gaano ka kabusy mag lalaan ka ng oras kahit minuto para lang sa mahal mo. Hindi naman siguro kawalan sa oras na mag update lang kung ano na ginagwa mo diba?
Minsan naman wala kang ginagawa pero pag hindi ka busy lagi mag ccr ka o matutulog tapos gabi kananaman mag memessage. Ano yun? Sawa kana ba o sadyang busy kalang talaga? Kaya minsan mas gusto kong inaaway ka atleast pag nag aaway tayo magkakatime kang sumagot at replyan ako.
Minsan kung anu ano na naiisip ko na hindi na dapat. Pero masisisi moba ko kung yun ang pinaparamdam mo? Ang masakit pa hindi mo manlang ako matanong na kamusta nako, at sa tuwing magsasabi ko sayo ng nararamdaman ko idodown molang ako.
Mahal mopaba ko? O nag sawa kalang pero babalik kadin sa dati? Sabi mo sakin hindi kalang talaga sweet sa message pero sa personal sweet ka. Ok lang naman sakin kahit hindi ka sweet basta may care ka sakin, kaso kung di pakita aawayin hindi kapa magkakaconcern sakin eh.
Minsan iniisip konalang hiwalayan ka kasi dinakita maramdaman, kaso sadyang mahal kita kaya hindi ko kaya. Kaya kahit nalulungkot ako at namimiss kita tinatago konalang. Ako din eh may ginagawa sa bahay sa totoo ngalang utusan ako dito pero hindi ako nakakalimot paalalahanan at kamustahin ka.
Sana naman pahalagahan moko ulit gaya ng dati . Kailangan din kita, kahit message lang alam ko namang bawal ka dumalaw at bawal lumabas eh. Plss naman pengeng time and attention mo.