Nang at ng

3 22
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty

Ang ilan saatin ay alam ang gamit at pinag kaiba ng: nang at ng. Habang ang ilan ay nagkakaron ng kalituhan at pagkakamali sa paggamit nito. Kung kayat ang article na ito ay tutukuyin ang gamit ng dalawa.

Ang nang ay ginagamit sa pangungusap na sumasagot sa tanong na Paano

Halimbawa: Si Alen ay Sumayaw Nang Nakakatawa.

Ito ay sumasagot sa tanong na paano sumayaw si Alen, kung kayat nang ang gamit.

Ginagamit din ang nang kapag ang pangungusap ay sumasagot din sa tanong na gaano.

Halimbawa: Si Helen ay umiyak nang malakas

Ang pangungusap ay nagtatanong na gaano kalakas umiyak si Helen.

Ang nang ay ginagamit din bilang pamalit. Eto ay maaaring pamalit sa noon o ginagamit sa unahan.

Halimbawa: Noong bata pa ako ay hindi ako mahilig sa gulay

Pamalit: Nang bata pa ako ay hindi ako mahilig sa gulay

Ginagamit din itong pamalit sa salitang para at upang.

Halimbawa: Nag eehersisyo ako upang/para maging maganda ang pangangatawan

Pamalit: Nag eehersisyo ako nang maging maganda ang pangangatawan.

Ginagamit din ang nang na pamalit sa salitang na.

Halimbawa: Maaari mo na buksan ang regalo

Pamalit: Maaari mo nang buksan ang regalo

Ginagamit din ito kung ang salita ay inuulit o umuulit.

Halimbawa: Iyak nang iyak si Bebang

Samantala ang salitang ng naman ay ginagamit sa pangungusap na sumasagot sa tanong na ano at sino.

Halimabawa (ano): Bumili ng cake si Linda.

Sumasagot sa tanong na ano ang binili ni Linda.

Halimbawa (sino): Sinabihan ng anak ni Linda na may darating na basura.

Ang anak ay isang pangngalan o noun at ang pangungusap ay sumasagot sa tanong na: sino ang nagsabi kay Linda na may darating na basura. Pakatandaan din na ang ng ay ginagamit din bago ang pangngalan o noun.

Ito din ay ginagamit sa tanong na kanino.

Halimbawa: Napaka ganda ng tahanan ni Mang Seryo. Sumasagot sa tanong na kanino ang tahanan.

Ginagamit din ito sa tanong na kailan.

Halimbawa: Alas onse ng gabi tayo aalis.

Pang huli ginagamit ang ng kung gumagamit ng salitang superlative o mga salitang ubod, napaka, puno at iba.

Halimbawa: Ubod ng bait ni Beki

Nawa po ay inyong naibigan at naintindihan ang gamit ng dalawa. kung may hindi po ako nabanggit at mali maari niyo lamang pong i comment sa baba. Maraming salamat po.

6
$ 0.00
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty

Comments

Thank you sa pag share at paglinaw sa amin ng salitang, "nang at ng" kahit ano nalilito sa dalawa eh. O sadyang di lang ako nakinig ng maayos sa titser ko dati kayo ayon bobo ngaun haha. Maramin salamat po ulit. Laking tulong at nalinawan na ako haha. Good luck for today po. More earnings.. :)

$ 0.00
4 years ago

Your welcome po, niniwala ako ng walang taong bobo kaya hindi kapo bobo. Saka normal lang iyon na makalimot at hindi maintindihan ang ilang bagay. Ako ngadin ganyan din madalas eh, naturo na pero diko padin gets. Ok lang poyan mahaba panaman ang buhay marami pa tayo matututunan. Hehe good luck din po, and more earnings to come din po.

$ 0.00
4 years ago

Ok po. :) wala naku maisip ireply o i comment nyahahah. Naubosan na yata ako :)

$ 0.00
4 years ago