My two loving dogs

0 5
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty

Hi po meet our two loving dog, chaka and coco. Alam ko napakilala kona sila sainyo before so ngayun bibigyan konalang kayo ng update about sa kanila. Si Coco yung first dog namin as far as I know mag 3 years nasya samin habang si chaka ay mag 1 buwan palang dito.

Nung wala pa si Chaka pansin namin na habang tumatagal eh tumatamlay si CoCo at naghahanap na ng maasawa. So dahil nag aalala yung momy nya (pinsan ko) napagdesisyonan nila ng isa kopang pinsan na bumili ng babaeng dog. Para naman may kasama at asawa na si Coco.

Nung una nag aalangan yung tita ko na bilin si Chaka kasi iniisip niya na baka magselos si Coco kung magkakaron ng bagong aso. Baka kasi mas lalong tumamlay si Coco at ikamatay niya yun gaya ng pet ng kapit bahay namin.

Pero sabi ng pinsan ko hindi naman, as long as hindi ma eechapuwera si Coco, at saka bibili ng bagong dog para naman nga may asawa na si Coco at di na mga binti namin ang inaasawa niya. So yun nga naghanap yung dalawang pinsan ko ng dog sa internet at nakita nila si Chaka.

Unang kita palang sa kanya ng pinsan ko is na kyutan na agad siya kaya binili na si Chaka. Pagdating samin ni Chaka nawala yung tamlay ni Coco at lumapit agad kay Chaka na akala mo first time makakita ng aso. Napakaligalig at energitic na ni Coco, kaso ngalang si Chaka naman ang matamlay.

So hinayaan nalang muna namin si Chaka at baka pagod lang sa biyahe. Pero ilang days pa at matamlay padin siya at kinikilala ang bago niyang bahay. Siguro naninibago siya at namimis ang dating amo at mga anak niya. Oo nung binili si Chaka may pinapadede padin syang mga tuta nun. Pero dahil nga gusto na ng pinsan ko ng new dog eh binili padin siya.

So ayun lumipas pa mga ilang araw unti unti ng napapalagay si Chaka sa bago niyang bahay. And then tumatahol nadin siya gaya ni Coco, at ngayun na malapit na siyang mag isang buwan dito ay bumalik na ang sigla niya. Nakikipaglaro at habulan na siya kay Coco . Madali nadin siyang pakainin hindi gaya ng dati na pili lang ang kinakain niya.

Sa ngayun inaantay namin na mag kaanak na sila Coco at Chaka, siguro sooner or later pede na. Kung magkakaanak kaya sila ano kayang ipapangalan namin? Sana naman kasing cute nilang dalawa. Kayo ba may alaga din ba kayong aso?

Sana nagustuhan niyo ang dalawa naming cute na aso.

1
$ 0.00
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty

Comments