Gusto kolang po ipakilala aking 3 years old little brother na si Anghel. Gusto ko sana mag include ng picture nya kaso naisip ok nadin na discription nalang. Siguro saka na yung picture sa darating na kaarawan niya. So yun nga si Anghel ang bunso kong kapatid sa aking ama. Mula pa ng sanggol palang siya kami na ang tumayong ama at ina sa kanya. Ang tawag niya nga saamin ay mama ate Lelen (ako) at Mama ate Bebe (pangalawa kong kapatid). Ng pinanganak kasi siya yun din ang araw ng kamatayan ng papa ko. Habang 4 months palang siya iniwan na siya samin ng mama nya, stepmother namin. So yun mula non kami na ang tumayong maga magulang sa kanya. Tanda kopa hindi ako marunong magpaligo, humawak, magpalit ng diaper at mag padede ng baby. Pero siguro pag walang wala na talaga at nandon kana sa point na kailangan mong maging magulang matututo kanalang. Lahat yun natutunan ko para sa kapatid ko kasi wala naman ibang gagawa nun kundi ako lang dahil ako ang panganay. Kaya siguro sobrang mahal na mahal kotong bunso kong kapatid kasi mulat sapul ako na nag alaga sa kanya. At kahit na anong mangyari mag karon man ako ng sariling pamilya ay hinding hindi ko siya pababayaan. Kasi sobrang mahal namahal ko siya at iyon ang pangako kay papa nung nabubuhay pasiya. Hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko kahit ns anong mangyari. At ngayun sa darating na August mag 4 years old na si anghel, ang wish kolang lumaki siya na mabuting bata at kahit bisitahin manlang siya ng mama niya. Kasi kahit na kami na ang tumayong nanay niya minsan hinahanap hanap niya padin mama niya, lalo na pag inaasar siya ng mga kapitbahay na walang mama at papa. Nakakainis man pero wala naman kami magagawa kasi nakikitira lang kami at ayaw namin gumawa ng gulo. Kaya throug picture sa cp nalang namin pinapakita ang mama niya. Sana lang talaga mabisita siya ng mama kahit saglit lang.
0
7