Mahirap talaga pag wala kang sariling bahay, lahat limitado. Mahirap kumilos kasi lagi mo iisipin yung sasabihin ng tinitirhan mo. Yung kahit gaaano kabait yung tinitirhan mo o kamag anak mo man may masasabi at masasabi padin sayo. Yung kahit na gumawa ka ng mabuti isang mali molang mapapansin kana agad. Yung may magawa lang na kahit isang magandang bagay yung anak ng pinagtitirahan mo daig kana agad. Ang hirap makitira mahirap makisama. Yung tipong kailangan dapat meron kang ginagawa sa bahay para dika magmukang palamunin pero ganun padin ang tingin sayo kasi nakikitira kalang. Pero ang pinaka mahirap yung wala kang matakbuhan na magulang kasi parehas na silang wala. Ang hirap na yung mga dati mong hindi ginagawa eh nagagawa mona dahil wala kanang magulang na sosoporta at magagalit sa tuwing ginagawa kang utusan ng iba. Ang hirap kapag gusto mong umiyak pero hindi mo dapat ipakita dahil may mga nakababata kang mga kapatid na ayaw mong malungkot. Yung kailangan mong magpakatatag dahil ikaw ang panganay. Ang hirap na lagi kang sinusumbatan sa bawat lalamunin at binibigay sayo dahil nakikitira kalang. Yung ayaw monang tumanggap dahil ayaw mong balang araw isusumbat sayo yun pero pag tinanggi mo sasabihan kang nagmamalaki. Ang hirap na hindi mo maipagtanggol yung kapatid mo sa tuwing sinasaktan pinapagalitan sya ng mga taong pinakikisamahan at nagpapartira sayo, dahil wala kang karapatan dahil palamunin kalang. Yung wala kang sariling desisyon kasi sila ang nagdidikta sayo. Ang hirap pero kailangan mong magpakatatag, kailangan mong magpakamanhid. Ang hirap na kahit anong gawin mo hindi padin sapat, at kahit anong sipag mo pabigat kapadin.
0
42