"Kalagayan at maaring solusyon sa pagkontrol ng pagdami ng kaso sa  Covid 19"

2 51


              Hindi pa nag iinit ang taong 2020 ay marami na agad na  hindi inaasahang kaganapan sa taong ito. Kaugnay nga rito ay ang pinakamasalimuot na pasakit ng corona virus. Na magpasahanggang ngayun ay wala pading lunas at patuloy na nagpapakasakit sa libo libong mga Pilipino at milyon milyong katao sa buong mundo. Ngunit ano ngaba ang corona virus? At paano  tayo makakaiwas o makokontrol ang paglaganap nito?


              Ayon sa Department of health Ang coronaviruses ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ring magdulot ng iba’t ibang sakit sa mga hayop. At ito lamang February 3, 2020 ay naitala ang unang kaso ng pagkamatay ng isang Chinese national na dumating 10 araw sa Pilipinas bago ito nasawi ( UNTV news and rescue, 2020). Mula noon ay nagpatuloy na sa paglaganap at pagpapahirap ang virus na ito lalo pa sa mga Pilipinong kabilang sa mga nasa laylayan. Maituturing ngang nakabaun na ang kaliwang paa sa hukay sa kung sino mang magpopositibo dito. Kung kayat ibat ibang paraan at solusyon na ang hinain ng Department of Health kaugnay ng sanghay ng Gobyerno upang masugpo ito. Masasabi ding hindi maganda ang unang buwan at mga sumunod na buwan ng pagsugpo sa virus na ito. Ngunit ngayong buwan ng setyembre bagamat pumalo na sa 232, 072 ang nagpositibo sa covid , maituturing na unti unti ng napaglalabanan ang virus na ito dahil pumalo nadin sa 160, 549 ang mga nakarekober at samantalang tinatayang 3,737 ang bilang ng namatay sa kasong ito (ayon parin sa Department of Health). Patunay na mas mataas ang nakakarekober at unti unti ng napaglalabanan ang virus na ito. Ngunit paano ngaba ito nakamit? Una palamang nakapasok ang corona virus sa ating bansa ay ipinatupad na ng ating pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban ( UNTV news and rescues) na maaring isa sa dahilan kung kaya nakontrol ang pagdami ng pagpasok ng virus sa ating bansa. Nag sagawa din ng General Community Quarantine o GCQ ang gobyerno upang maiwasan at makontrol ang pagdami ng covid 19, nagsimula noong  Mayo 26 hanggang Mayo 31 at pagpapatupad ng curfew ( ayon sa ulat ni,  MA. ANGELICA GARCIA, GMA News). Patuloy din ang pagsasaliksik sa siyensa upang magkaroon ng lunas dito. Nagbigay din ang World Health Organization ng " Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19, 12 March 2020". Ito ang maaring mga hakbang: una, hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, pangalawa Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig dahil dito maaaring makapasok ang virus. Pangatlo, Takpan ang iyong ubo at bahing upang maiwasang maipasa ang virus. Ika-apat, iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo. Panglima, manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit. Pang- anim Kung ikaw naman ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility. At ang ika- pito kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad ( World Health Organization, 2020). Syempre upang maging mabisa ang mga ito kinakailangan din nating maging masunurin at sumunod sa ipinatutupad ng ating pamahalaan dahil ito ay para din sa ating kalusugan. Iwasan ang papaging makulit at paglabag sa mga alituntunin upang masugpo ang virus . Mas lawakan pa ang pag iisip at pag unawa sa kalagayan ng ating mamamayan, pamahalaan at maging sa sitwasyon upang imbis na puna ang ihain ay solusyon ang maaaring maging ambag natin hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa buong mundo. Nakatutuwa ding unti unti ng nagbubunga ang pagpupursige ng pamahalaan at mga frontliner sa pagsugpo nito.Mahalaga din na pagtuunan ang pagdadagdag ng mga facility, PPE at kagamitan sa hospital para sa mga pasyente ng covid 19. At nakakatuwa na makailan lang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “’Nung bago po mag MECQ (modified enhanced community quarantine) we’re hitting 80 plus percent sa utilization dito sa National Capital Region ng ating mga ospital (Before MECQ, we were hitting 80 plus percent of utilization in our hospitals here in the National Capital Region),” kung saan ibig nyang patungkulan ay ang improvement ng  Covid 19 bed utilization para sa mga pasyente. Sinabi din ng isang eks­perto mula sa University of the Philippines (UP) na malapit nang maabot ng Pilipinas ang ‘flattening of the curve’ nang magkaroon ng magandang epekto ang ipinatupad na 15-araw na modified enhanced community quarantine ( mula sa ulat ni, Danilo Garcia, Pilipino Star Ngayon  August 19, 2020 - 12:00am). Marami ng mga inihaing solusyon ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan sa loob man o labas ng bansa, bagamat hindi nito lubusang masusugpo ang corona virus ay unti unti naman nitong makokontrol at mapaglalabanan ang virus. 


              Masusugpo lamang ang virus na ito kung ang bawat isa ay  magkakaisa at susunod sa mga alituntunin o hakbang upang mapigilan at mapaglabanan ang pagdami ng kaso ng covid 19. Kinailangan din ng maigting na panalangin at pananalig sa Diyos, upang bigyan tayo ng lakas at talino upang mapaglabanan ang pagsubok na ito.Pakatandaan na ang bawat isa ay may responsibilidad sa bawat aksyon at sasabihin natin. Ang bawat isa ay maaaring makatulong sa malaki man o maliit na bagay upang masugpo ito. Kung kayat ikaw? Ano ang magagawa mo o maitutulong mo upang maiwasan o makontrol ang pagdami ng kaso ng covid 19?

2
$ 0.00
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty

Comments

Nasatin talaga magsisimula at matatapos ang lahat. Sana ngayong pasko kahit ang pagkawala na lang ng pandemya ito ang maging regalo satin ng Panginoon

$ 0.00
4 years ago

Kaya ngapo sana ngaung pasko maging maayos din ang lahat

$ 0.00
4 years ago