Sa isang malayong lunsod may isang dalagang naninirahan sa kagubatan malayo sa nayon . Ang kanyang tirahan ay napapaligiran ng naglalakihang mga puno at naka bibinging katahimikan . Bago pa lamang siya sa kanyang tirahan pero tila may masamang bagay na siyang nararamdaman dito . Sa tuwing maghugas siya sa kusina ay tila ba laging may nagmamasid sa kanya . Isang gabi ng mapatingin siya sa bintana ng kanyang kwarto ay tila may isang lalaki nagmamasid sa kanya sa ibabaw ng sanga ng puno . Sa takot niya ay isinara niya ang bintana at pilit na nahimbing . Kinaumagahan ay nagpunta ang dalaga sa nayon upang bumili ng makakain . Habang naglalakad siya pauwi matapos makapamili ay hindi na lamang siya makakilos sa kanyang kinatatayuan . Tila may isang bagay na pumipigil sa kanya sa paghakbang ."Ne ok ka lang ba?" tanong ng isang matandang babae habang nakahawak sa balikat nito . Doon pa lamang naramdaman ng dalaga ang mga binti nito at saka nakakilos . "Mag-ingat ka at maraming mga masasamang elemento mayroon dito" sambit ng matanda . Napatingin ito sa kanyang binti at laking gulat niya ng makita ang isang maitim na bakat na kamay sa kanyang binti . Napalingon siya at wala na ang matandang babae . Ng makauwi siya sa kanyang tirahan pilit niyang inaalis ang kung anong maitim na bagay sa kanyang binti. Ng makarinig ang dalaga ng kaluskos , napatingin siya sa paligid ngunit wala siyang nakita at napatingin naman siya sa bintana at nakita niya ang isang binata na nakatayo sa isang puno . Ng lumabas siya upang sana tanungin ang binata kung sino ito ay bigla na lamang ito naglaho . Ng kinagabin ay nahimbing ang dalaga sa pagtulog ng maalimpungatan ito sa isang tila mabigat na mga habag ng paa . Sa pagmulat ng mata ng dalaga ay wala naman siya na kita . Sa ikalawang pagmulat ay laking gulat niya ang tumambad sa kanyang mukha ang isang nakakatakot nanilalang . Isang maitim namumulang mata na mayroong mga kulot na buhok, matatalas na pangil, mahabang dila , at sa likod nito ay isang mahabang buntot . Nagsisigaw siya ngunit walang nakaririnig sa kanya.Pilit na ginagalaw niya ang kanyang katawan ngunut hindi niya ito maikilos dahil sa bigat ng pagkaka patong ng nilalang . Takot na takot siya at walang magawa sa panghahalay ng nilalang, ng matapos ang panghahalay ng nilalang ay bigla nalamang itong naglaho . Dahil sa pangyayaring ito labis ang naging takot ng dalaga at walang ibang nais kung di mapatay ang nilalanang. Sa sumunod na gabi ay nagtago ng patalim ang dalaga sa ilalim ng kanyang unan. Ng magising ulit sa pagkakahimbing ay tumambad nanaman sa kanyang muka ang nakakatakot na nilalang . Bago paman mailapit ng nilalang ang mukha nito sa dalaga ay agad na kinuha ng dalaga ang patalim sa ilalim ng unan nito. Agad na itinarak ng dalaga ang patalim sa mata ng nilalang. Nagsisigaw ang nilalang habang nakahawak sa mata nito. Agad na tinarak muli ng dalaga ang patalim sa dibdib naman ng nilalang at agad na tumakbo. " kamusta na si Cecile, dok?" pag aalalang tanong ng isang ginang. " Ayos naman ho siya ngunit dala ng iniwang epekto ng drugs sa kanya ay malaki ang naiwang pinsala nito sa kanyang mentalidad, mas makabubuti po kung dadalin niyo siya sa mental hospital dahil iba na ang ikinikilos ng inyong anak" tugon ng doktor. " Kasalanan natin ito Robert , kung sana hindi natin siya pinadala sa probinsya at iniwang mag isa at naging abala sa trabaho natin hindi sana magkakaganto ang anak natin" umiiyak na sambit ng ginang. " Linda, noon paman ay pinangangaralan na natin ang batang iyan tungkol sa mga bisyo at pagbabarkada niya ngunit hindi siya nakinig , mas mabuti sigurong sundin natin ang payo ng doktor upang hindi na siya makapanakit o makapatay pang muli". Ng maging malala na ang halosinasyon at ikinikilos ni Cecile dahil sa paggamit ng droga ay minabuti ng mga magulang niya na dalin siya sa probinsya upang magbago ito . Ng malaman ng nobyo nitong si Daniel na pinadala ang kanyang kasintahan sa probinsya ay agad itong sumunod ng palihim. Binabantayan niya ang dalaga upang masigurado ang kaligtasan nito. Hanggang isang gabi nga ng trahedyang iyon ang nangyari. Agad na pumasok si daniel sa tirahan ng dalaga ng marinig nitong nagsisigaw ang dalaga. Ng makita siya nito ay sinaksak siya ng patalim sa kaliwang mata nito dahilan upang magsisigaw ito sa sakit. Pipigilan nya sana ang dalaga ngunit huli na at naitarak na ng dalaga ang patalim sa kanyang dibdib. Ng bumagsak ang binata ay nag iiyak ang dalaga at nagtatakbo ito palabas at takot na takot na humihingi ng tulong dahil ginahasa daw siya ng isang nakakatakot na nilalang.
0
11
Written by
Sterileen
Sterileen
4 years ago
Written by
Sterileen
Sterileen
4 years ago