Naalala ko pa Mundo noo'y mapayapa
Mga tao'y pawang saya
Ngunit nang dumating ang epidemya
Pagkakaisa ay nawala,nagkanya-kanya
Kinain ng takot at pag-alala
Marso dalawampu't apat
Marahil may taong nais mong makita
Isang tao o mga taong namiss mo na?
Oo ikaw namimiss na kita , Oo namimiss ko Na kayo
Habang kayo ay nasa tahanan ako'y naririto
Habang kayo'y nakahiga ako'y nasa gitna
Nasa gitna ng Laban na hindi nakikita ang kalaban
Sa gabi habang kayo'y mahimbing na natutulog
Mga tuhod ko'y nangangatog
Dulot ng pagod,kaba at pag-aalala
Na ako'y maaari ding magawa at madamay aking pamilya
Katawan ko'y pagod at nanlulupaypay
Pero hindi maaaring tumigil
Pagkat maraming buhay sa aki'y nakasalalay
Habang kayo'y kumakain, kami'y maraming isipin
Ngunit di maaaring tumigil sa trabaho
Upang agad matukoy sinong mga positibo
Para bilang ng nahawa at namatay ay hindi patuloy na lumobo
Kahit isipan napupuno ng bagay Na negatibo
Kailangan isipan ay manatiling positibo
Upang sa Laban tayo'y manalo
Sapagkat sa Laban na ito walang lugar ang pagsuko
Habang kayo'y nakaupo
Kami'y umiisip ng solusyon upang epidemya ay masugpo
Hindi pwedeng hayaang pagod at takot kami'y igupo
Kahit Katawan ay nais ng sumuko
Sa digmaang ito walang lugar sa pagsuko
Pagkat aming pagsuko hudyat ng pagkatalo
Pagmamahal aming lakas upang patuloy na tumayo
At umaasang darating ang araw na epidemya
Ay mananatili na lamang sa alaala
Habang sa telebisyon kayo'y nanonood
Kami'y nalulunod na sa pagod
Nakikiusap sa inyong simpleng pag sunod
Upang sa mga namatay wala nang sumunod
Pagkat iyong pagkamatay hindi naming nais mapanood
At isiping maaaring bukas kami ay sumunod
Namimiss ko ang aking mahal
Namimiss ko ang aking pamilya
Oo kasama Kita, Oo kasama ko kayo
Tayo'y malapit ngunit agwat ay sobrang layo
Sapagkat higit na mahalaga inyong kaligtasan
Aking simpleng hiling tayo'y magtulungan
Huwag magsisihan upang ito'y malagpasan
Upang muling makauwi sa aking tahanan
At aking Minamahal muling mayakap at mahagkan