Ikaw ba ay determinadong maabot ang iyong mithiin sa buhay? O isa kaba sa mga taong madaling sumuko sa hamon ng buhay? Kilala moba si Derek Redmond? Halika't kilalanin natin siya at gawing inspirasyon sa pag abot ng ating mga pangarap sa buhay.
Marami sa atin ang madaling sumuko lalo pa kung alam nating matatalo o maliit lamang ang ating posibilidad upang manalo. Ngunit isang British sprinter ang nagpahanga at naging inpirasyon sa maraming tao, matapos niyang tapusin ang 400 meter race kahit ramdam niya ang sakit matapos itong mainjury. Marahil ang iba ay hihinto na sa pagtakbo matapos mangyari ito sa kanila, pero si Derek Redmond ay nagputuloy pading tapusin ang karera kahit na alam niyang hindi nasiya mananalo. At kahit na hindi siya nagkampiyon ay natapos niya ang karera at naging inspirasyon sa nakararami. Dahil dito nanalo siya sa puso at isipan ng mga tao. At ang isa pang kahanga hanga ay ang suportang binigay ng kanyang ama, na sinamahan pa siyang tapusin ang kaniyang karera. Isang ama na handang gabayan at tulungan ang kanyang anak na maabot ang pangarap nito sa buhay. Kung kayat kung sa tingin mo ay pinanghihinaan ka na ng loob o hindi mona kakayanin ang isang bagay. Isipin mo so Derek Redmon, na sumisimbolo ng determinasyon na ibibigay ang lahat matapos niya lamang ang kaniyang sinimulan. Isipin modin mo din ang kanyang ama , na sumisimbolo sa iyong mga magulang, kaibigan at Diyos na sasamahan ka at susuportahan ka sa iyong mga pangarap.
Tandaan mo, huwag mong iisipin na talo kana hanggat hindi mopa sinusubukan. At huwag kang susuko hanggat ika'y nabubuhay. Dahil gaya ni Derek "kaya mo din ! At Kakayanin natin" Ngayun handa kana bang ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang magtagumpay?
Tama! Mga takot lungkot sa puso dapat alisin, pagsubok lamang yun kaya dapat nating harapin!