Kay sarap mong pagmasdan
Gandang mong nagliliwanag sa dilim
Ikaw ang simbolo ng kagandahan
Ang lahat ay nahuhumaling sa iyo
Pag ikay nakumpara kay sarap sa tainga
Mga matang hindi mailis sa iyo
Nag nanais na ikay makita
At naghahangad ng iyong kagandahan
Bawat kalalakihan ikaw ang sambit
Sa iniirog na nagnanais ng kasagutan
Kababaiha'y natutuwa sayong mahambing
Sa pagnanais na sayong kagandahan
Marami ng nagtangkang ika'y makita
Marami nag nais na ika'y mapuntahan
Nag nais na masaksihan ang liwang mong taglay
Ngunit lahat ay nabigo
Ngunit hindi tumigil na ika'y makita
Ikay mapuntahan
At masakasihan ang liwanag mong taglay
At sa wakas
Isang mapalad ang nakasilay sa ganda mong taglay
Ipinakita sa lahat na nagnais na ika'y makita
Ang pangarap ay natupad
At lahat ay nasaksihan
Ngunit ang dating simbolo ng kagandahan
Ni sino man ay hindi na nais makumpara
Ang kagandahang mong kakaiba
Sa mga babae ay hindi na ninanais
Ang dating mapupulang reaksiyon sa tuwing ihahambing sa iyo
Ay mas lalong pumala
Hindi dahil sa saya kundi sa galit na makumpara
Noon ikaw ang simbolo ng kagandahan
Sa pagtuklas at sa siyensiya
Isang kasinungalingan ang nabunyag
Kagandahan mo ay isa lamang pag aakala
Sa liwanag na siyang nagtago
Ganun paman ang gabi ay mananatiling madilim
Kung ang liwanag moy maglalaho
Kung kayat saakin ika'y mananatiling kabighabighani
2
7
Ang ganda talaga pagmasdan ng buwan dati nung bata ako nagtatanong ako bakit pagnakatingin ka sa buwan at naglalakad ka Parang sumusunod Ito sayo hehehe Dati pa yun nung Bata ako ang ulit ko talga... Totoo napakaganda niya talaga lalo na kung bilog na bilog siya at ang daming nakapalibot na mga Bituin.