Nung bata pa ako ang dami kong gustong maging, gusto kong maging chef kasi magaling magluto si Papa. Pero nung nag start nakong pumasok sa school nagbago ang gusto ko, gusto konang maging nurse. Sa tuwing nakakakita kasi ako ng mga nurse na naka uniform ay nagagandahan ako. Bukod padon ako ang laging tagahilot sa amin sa tuwing may masakit sa kanila. Kaya naisip ko na mag nurse para ako nalang ang gagamot sa kanila sa tuwing may sakit sila. Kaya lang nung malaman ko na matagal ang taon na gugugulin sa pag nunurse at malaki pala ang tuition ay nag alangan ako. Dahil imposible nanga na magcollege ako dahil wala naman nagtatrabaho samin bukod sa lola ko. Kaya naisip ko na imposible para makakuha ng kursong nurse. Habang lumalaki ako pabago bago ang gusto ko. Hanggang ng mag grade 4 ako gusto konaman maging teacher dahil yun ang lagi naming nilalaro, gusto kodin maging fashion designer dahil mahilig akong magdrawing ng mga damit. Pero saglit lamang iyon ng mapanood ka ang isang teleserye sa gma na pinagbibidahan noon ni Heart Evangelista. Hindi kona matandaan kung ano ang pangalan ng palabas na iyon pero si Heart ay isa noong flight attendant. So yun nagustuhan ko yun at gusto konang maging flight attendant. Hanggsng sa mag grade 12 ako yun ang gusto ko. Pero mahal din ang course nayun kaya hindi kodin nakuha. Pero gusto ko talagang mag college kaya nung malaman kong libre na ang college ay natuwa ako at agad na nag enroll .Pero hindi ko talaga alam kung ano ang kukunin ko dahil walang flight attendant sa enerollan ko. Isa pa hindi ko kaya mag enroll sa ibang school dahil wala naman akong pamasahe. Kung kaya nag enroll ako kung saan pede lakaren. Wala nakong choice non, ayoko din naman mag journalist dahil mahirap makahanap ng trabaho para doon. Kaya Bachelor of Secondary Education nalang ang kinuha ko. Nung time nayun hindi ko maramdaman yung saya sa kinuha ko kasi alam ko na hindi ko yun gusto. Kaya inisip konalang ang goal ko ay makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho para sa lola ko. Yung 1st sem ng unang taon ko sa college hindi talaga ko nakaramdam ng saya, gulong gulo ko dahil hindi ako sigurado sa kinuha ko. Pero nung mag 2nd sem at nag karon kami community service which is ang pinagawa sa amin na applicable sa course namin ay magturong magbasa sa mga elementary. Dun kona unti unting nagustuhan ang course ko. Natutuwa ako sa tuwing may natututunan sa akin ang mga bata. At lagi nakong excited na mag hapon para mag community service. At ngayun desidido nako sa course ko, gusto kong maging guro balang araw. Kaya mas pagbubutihan kopa ang pag aaral.
2
20
Pag bata pa talaga tayo ay hindi pa talaga tayo tiyak sa kung ano gusto natin maging pag laki kahit na pag tyinanong tayo ng bata kung ano gusto nating maging pag laki ay dali dali tayo sasagot kung ano ang gusto antin maging paglaki. Pero ng lumaki at nag ka isip ay nababgo na ang lahat naala ko dati nung graduation namin ng high schoolnilagang ko sa year end book namin ang ambition ko ay maging chief justice pero bandang huli ako pala ay magiging chief laundry hehehehe.