Nakitira kami sa tito ko nun pero ilang buwan lang din ay umalis kami dahil dinadaing niya na lahat daw kami ay nandoon. Nahihirapan daw silang pakainin kami dahil lahat kanila, na di manlang daw kami kumikilos kahit gumagawa naman kami ng gawaing bahay. At minsan pag maypera ko ay nagbibigay ako . Kaya kinupkop nalang kami ng tita ko dahil naawa siya samin. Hanggang nung mag graduation ako ng grade 12 nabigyan ako ng 2 scholarship at yun ang dahilan kung bat kami nakapagpatuloy ng kapatid ko sa pag aaral. Ngayun 3rd year college na kami sa pasukan, hindi nadin lumalabas ang lola ko. Pero syempre nahihirapan padin kami na makitira dahil limitado lang ang pede naming gawin. Pero kahit papaano ay nasa maayos kami ng lagay at nakakakain sa tama. Na meet din namin si ate Fe sa social media pero na block kami ng asawa niya kaya wala na kami ulit contact sa kanya. Habang si mama chinat kami sa messenger at agad naming pinuntahan ng kapatid ko ng palihim dahil ayaw ng lola at tita ko. Nag kwentuhan kami at doon namin nalaman ang reason kung bat pinili nyang umalis. Parehas sila ni ate Fe kasi hindi nya din kinaya. Hindi kasi kaya ni Papa bumukod kaya naging alila si mama ng mga tita at tito ko na ngayun ay dinadanas namin. Ayaw ni mama ng nililimitahan kaya umalis siya. Sabi niya pa na dahil nag dodroga si papa, pero wala daw siya masabi sa pag mamahal ni papa. Sobrang mapagmahal at ni minsan hindi siya nasaktan nito. Sa tuwing naabutan din siya ni papa na gumagawa ng gawaing bahay ay inaako yun ni papa at tinutulungan siya. Kaya lang hindi kayang bumukod at pabalik balik lang ang paggamit niya ng droga kaya iniwan siya ni mama. Gusto niya din kami kunin non pero alam niya kung gaano kami kamahal ni Papa,handa siyang pumatay at mamatay para sa amin kaya nakontento nalang si mama na sinusulyapan kami ng palihim. Mula non naintindihan kona si mama at nawala na ang galit ko sa kanya dahil naiinitindihan ko sya, naiintindihan namin siya. Alam naming mali padin ang ginawa niya pero mas minabuti naming magpatawad at maramdamang may kakampi kami. Ngayun nagchachat padin kami ni mama ng palihim ng malaman niya din ang sitwasyon namin dito at nasaktan kami ni tita ay nagalit siya dahil ni minsan di kami napagbuhatan ng kamay ni Papa. Yung naranasan niya noon kami na ang nakakaranas pati kapitbahay namin kami na ang inuutusan. Minsan naiiyak nalang ako dahil noon si lola kolang at si Papa ang nag uutos samin pag iba nagagalit siya. Ngayon kahit hindi namin kilala ginagawa kaming utusan. Gusto kami kunin ni mama pero sa ibang bahay dahil may asawa at mga anak na siya. Pero hindi namin magawang umalis dahil hindi maiwan ng lola ko ang pinsan at tito ko. At hindi din naman namin kayang iwan si lola ko dahil grabe ang sakripisyo niya samin. Kaya kahit nahihirapan kami ay nag titiis kami para sa kanya. Ganun paman ginagawa namin itong inspirasiyon para mas magpursige sa pag aaral at makaahon sa buhay. At sa araw na iyon hindi ko na hahayaang danasin pa ulit to ng mga kapatid ko, bibigyan ko sila ng magandang buhay dahil yun ang pangarap ng papa ko para sa amin. At tutuparin koyun...
0
11