Hanggang sa mas naging masaya kami dahil nabuntis si Ate Fe, sa totoo lang 27 lang siya habang si papa naman ay mag 40 na. Pero sabi nga age doesn't matter kaya nagbunga din ang pagmamahalan nila. Ang saya saya namin na eexcite kami na ipanganak na ang bunso naming kapatid. Lagi binibilin ni papa na kami ang magpapatapos sa pag aaral ng bunso naming kapatid. Lagi niya din kinakausap ito sa tiyan ni ate Fe na lagi kaming ipagtatanggol, dahil siya ang magsisilbi naming tagapagtanggol dahil sya lang ang lalaki samin. Hanggang sa yun nga sa araw ng kapanganakan ng kapatid ko sobra kaming na eexcite at kinakabahan dahil wala kami sapat na pera. Nung mag mamadaling araw na nagpaalam si papa na may puntahan lang siya pangdagdag sa pang pa hospital ni ate Fe. Hanggang anong oras na wala padin si papa. Si lola ko naman kinabahan na lalo na nung lalabas sana siya para maghanap ng pera ay sabi ng nasakyan niya na may barilan daw na nangyari sa di kalayuan . Nakipag kwentuhan pasya nun sa driver saka niya naisipan na wag ng umalis at puntahan nalang kami sa hospital. Yun kinuwento nya sakin yung sinabi ng tricycle driver saka hinanap si papa. Sabi ko may pinuntahan siya pero kanina pa kaya sabi ng lola umuwi muna ko at siya na muna ang magbabantay dahil madaling araw na. Kaya ng makauwi ako sa bahay natulog ako agad pero ilang oras lang nagising ako dahil sa ingay sa labas, nakita ko si tito ko umiiyak, yung mga kapit bahay namin na saamin. Kinabahan ako tapos tinawag ako ni tito at sinabi nga ang nangyari . Si papa pala yung isa sa mga nabaril, hinang hina ko nun sa sobrang pagod tapos ganun pa ang nangyari wala na si papa. Nung nasa hospital kami diko alam pano sasabihin kay ate Fe dahil cesarean panaman dapat sya. Hindi namin sinabi ang nangyari habang yung doktor ginawa ang lahat para hindi na macesarean si ate Fe. Kita pa namin non na may paro parong labas pasok sa pinag aanakan ni ate Fe . Lalo kami na iyak kasi baka si papa yun. Baka nag mamakaawa siya non na wag siyang patayin dahil nanganganak na ang asawa niya . Ng manganak si ate Fe hinanap nya agad si papa sabi namin nasa bataan siya nangungutang ng pera pambayad sa hospital. Sabi nya bat namumula mata namin sabi ko naman kasi wala pakami tulog at nag aalala kami. Tapos iniba namin usapan, tinanong namin siya kung ano papangalan sa kapatid namin. Di namin mapigilan yung luha namin ng sinabi ni ate Fe na saka nadaw pag dating ni papa dahil si papa daw ang magbibigay ng pangalan. Nag paalam kami mag cr nun kasi dinanamin talaga kaya, dun kami umiyak ng kapatid ko, kasi hindi na dadating si papa. Halos mag 2 araw din sa hospital si ate Fe at hinahanap si papa pero yun ang lagi namin sinasabi na nasa bataan siya dahil yun ang bilin ng doktor dahil baka bumuka ang tahi niya . Tapos nung uuwi na kami pinapataha namin si ate Fe kasi nakita nya na nasa kabaong na ang asawa niya. Sabi niya kaya pala nung nanganganak siya nagtataka siya kung bakit nasa deliveryroom si papa. Nakaputi at nakangiti sa kanya. Yun pala wala na si papa nun, sabi nya pa nanaginip daw si papa na hawak niya kapatid ko maputi lalaki at mapula ang labi. Yun pala kaya pinakita sa kanya yun dahil dinya na mahahawakan ang anak niya. Sobrang lungkot namin nun, walang araw na hindi kami umiiyak. Nung nawala si papa lahat nagbago minsan sa 2 araw nalang kami kumain, samantalang si ate Fe lagi napag iinitan ni tito dahil lagi siya inuuna ng lola ko dahil nag papadede siya. Hanggang sa nung mag 4 months na si anghel bunso kong kapatid iniwan din siya ni ate Fe . Parang gumuho yung mundo namin kasi pati ba naman si ate Fe iniwan nadin kami. Pero ni minsan ni katiting hindi ako nagalit sa kanya dahil alam ko na hirap na hirap na siya dito. Dahil alam ko ugali ng pamilya namin. Hanggang sa nag viral ang lola ko sa internet na isa siyang sindikato na nangingidnap daw at nagbebenta ng lamangloob ng mga bata. Takot na takot kami ilang araw kaming walang halos makain, puro utang kami para may panggatas kapatid ko dahil hindi na makalabas lola ko. Hanggang sa nag desisyon ako na maghanap ng pagkakakitaan para may panggatas ang kapatid ko. Pinaglalaba ko teacher ko, tuwing uwian naman nag lilinis ako ng bahay ng adviser ko. Nakilala ko sa school dahil namamasukan ako sa mga guro ko. Rumaraket kami ng kapatid ko tuwing sabado at linggo. Pero hindi padin sapat dahil kulang ang 200 sa isang araw. Hanggang sa napalayas kami sa bahay walang gustong kumupkop samin nung panahong yun. Nag aaway way yung mga kamag anak namin kung kanino kami titira.
Itutuloy...........