Ang aking buhay

2 16
Avatar for Sterileen
3 years ago
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty

Hi po! Gusto kolang i share ang buhay ko since wala nanaman nakong mapost at magawang article, siguro ilalabas konalang dito yung sakit na nararamdamn ko. Bata palang kami nang iniwan na kami ng nanay namin at sumama sa ibang lalaki. Mula bata pako si papa na ang nagpalaki samin, sya ang tumayong ama at ina sa amin. Hindi man sya sing talino ng iba, diko man siya matanungan sa mga bagay na diko alam at assignment ko masasabi kong sya padin ang the best father para saaamin. Dahil ni minsan hindi nya kami pinabayaan ni minsan hindi nya kami nasaktan, ni ayaw niyang inuutusan kami ng iba dahil ginagawa niya ang lahat para mabigyan lang kami ng magandang buhay. Ang saya saya namin kahit wala si mama kasi hindi nagkulang si papa. Napakaasikaso at mapagmahal niya. Diman namin siya matanungan pagdating sa akademya maaasahan mo naman siya mga proyekto. Gustong gusto din siya ng aking lola ko dahil napakasipag at mapagmahal niyang anak. Hindi kami mayaman pero lagi kaming masaya, kasi punong puno kami ng pagmamahal. Pero syempre hindi kami perpektong pamilya, si papa isa lamang siyang konstraksiyon worker at minsan lang siya kung may gawa. At ang talagang bumubuhay saaaming lahat ay ang lola ko na matanda na. Bata palang ako gusto konang malaman kung ano ba talaga ang trabaho niya, kung bakit lagi siyang umuuwing namamaga ang mga mata. Laging may dalang pagkain na bawas na . Sabi nya yaya daw siya, nag bibilang ng poste o nagtatrabaho kung saan. Hindi ko alam, basta ang alam ko masaya kami at nakakakain kami ng 3 beses sa isang araw. Pero nung mag grade 8 ako dun na nag umpisa ang lahat, nalaman ko na gumagamit ng illegal na droga si papa, tito at pinsan ko, Ang lola namamalimos para may makain kami samantalang hindi nila alam na hinihipuan ako ng pinsan ko. Nagpatong patong yung problema hindi ko kinaya kaya nagbigti ako. Sobra kong nasaktan dahil natatakot ako na ang perpektong pamilya ko ay isa lang palang kasinungalingan. Pero hindi kopa oras kaya ng mawalan ako ng malay nakita konalang na dumudugo na ang kamay ng pinakamamahal kong ama, lumuluha siya habang tinatanggal ng kutsilyo yung tale sa leeg ko. Awang awa ako sa kanya dahil bata pako nung huli kosyang nakitang umiyak ng ganun nung iniwan kami ni mama. Ang lola ko iyak ng iyak tinatanong ako kung bat koyun nagawa, sabi nya sakin ginagawa niya ang lahat para bigyan kami ngmagandang buhay tapos sasayangin kolang ang buhay ko. Naiyak ako hindi ko mapigilan kasi nagdatingan mga kamag anak ko umiiyak sila tinatanong nila ko bat koyun nagawa. Mas naiyak ako kasi mas lalo kong hindi masabi kung bakit, dahil natatakot ako na baka sisihin nila ang sarili nila. Hanggang sa lumipas ang ilang araw at mga taon, naintindindihan kona na mali ang ginawa ko. Ayoko ng ulitin yun kasi ayoko ng makitang umiyak ang mga taong mahal ko . Kaya sabi ko mag aaral nalang ako ng mabuti para sa papa ko lola at kapatid ko. Simula non lagi ako nakakasama sa mga may honor kasi gusto ko proud si papa sakin. Mas naging masaya kami ng dumating si ate Fe, stepmother ko. Sobrang saya namin kasi ang bait bait ni ate Fe. Lagi kami nag kekwentuhan. Nung bakasyon namin nung grade 10 ako nag start ako mag summer job. At sa tuwing uuwi ako lagi ako sinusundo ni papa, katid ko at ate Fe. Medyo malayo pero 4 kaming naglalakad pauwi. Ang saya hindi ako nakakarandam ang pagod dahil para saakin yun ang bonding namin. Hanggang sa..........

Itutuloy konalang po mamaya ang karugtong, sana nagustuhan niyo.

4
$ 0.00
Sponsors of Sterileen
empty
empty
empty
Avatar for Sterileen
3 years ago

Comments

Magandang labasan ng saloobin ang platform na eto. Minsan ko ng ginawa yan mi mga nag comment naman at naki sempatya yung iba view lang. Marahil di nila gusto ang drama dito. But who cares go lang tayo. Nkaka gaan ng loob ang pag lalabas ng saloobin. Mahirap kimkimin dahil masakit sa utak at puso. Kya go lang sis.

$ 0.00
3 years ago

Opo tama kapo diyan, masarap talaga ss loob mo pag nailalabas mo yung saloobin mo. Mas masaya at nakakagaan pa ng loob pag may nakikinig at handang magpayo sa iyo. Kahit nga ipost lang dito kahit i view lang ok na saakin atleast na ilabas ko siya. At bonus napo sa akin kung may nakisimpatya o nag comment gaya mopo😊. Thanks po atleast na feel ko na may nakiramay sakin kahit sa ganitong paraan.

$ 0.00
3 years ago