TULA

6 33
Avatar for Spotty22.
4 years ago

Hello guys. Gusto ko lang pong ishare sa inyo yung tula na nagawa ko noong mga panahong broken pa ako 😂

"Simula hanggang sa maging Malaya"

Sa isang organisasyon, ikaw ay aking nakilala. Hindi ko inakala na magiging importante ka sa'ken ng sobra.
Marinig ko palang ang pangalan mo, ako'y napapangiti na.
Sana 'wag nang matapos, yung nararamdaman kong saya.

Tayo'y naging magkaibigan, sa hindi inaasahang pagkakataon.
Lumipas ang mga araw at ang atensyon ko sa'yo na nakatuon.
"Gusto kita" at biglang nasabi ko nalang sa'yo noon.
Labis akong nagulat nung biglang nawala ang ating komunikasyon.

Umiwas ka dahil doon sa sinabi ko.
Nagulat ka ata kasi nga umamin ako.
Pero sobrang saya yung naramdaman ko.
Nung biglang nagchat ka, at binasa ko na yung sagot mo doon sa pag-amin ko.

"Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa'yo."
"Sa mga nagsabi kasi saken ng "Gusto kita", sa'yo lang ako kinabahan ng ganito."
"Pasensya na pala kung umiwas ako sa'yo."
"Inaamin ko, pareho lang sa'yo yung nararamdaman ko."

Lumipas ang mga araw na masaya tayo sa isa't isa.
At naramdaman ko nalang na "Mahal na Kita".
Ang ok ng feeling ko 'pag ikaw ang kasama.
At habang nag-uusap tayo, sinabi ko sa'yo na "Sinasagot na Kita."

Labis yung saya mo dahil dumating ako sa buhay mo.
Sa mga araw na lumilipas, hindi ka pumapalya na sabihin na mahal mo ako.
Labis din yung saya ko nung pinakilala mo na ako sa pamilya mo.
At sinabi mo sa lahat na ako yung girlfriend mo.

Pero biglang dumating yung araw na unti-unti nang nawawala.
Yung lalaking minamahal ko, hindi ko na masyadong makita.
At bigla din na puro hindi pagkakaintindihan, yung nangyayari sa'ting dalawa.
Ewan ko ba, pero, ang sakit lang, kaya sa gabi idinadaan ko nalang sa pagluha.

Dumaan ang ilang araw na wala tayong pansinan.
At sa mga araw na yun, yung puso ko parang ang daming pasan.
Oh bakit? Bakit? Ang utak ko ay puno ng katanungan.
Hindi ka na nagparamdam ng ganun ganun na lang.

"Hindi mo deserve yung isang katulad ko",
Bigla ko nalang nabasa dun sa chat mo.
Feeling ko nung mga oras na yun, yun na yung hudyat mo.
Na hindi na magtatagal, yung salitang "Tayo".

Pilit kong inayos, yung mga bagay na pwedeng maayos pa.
Kaso anong magagawa ko, kung ikaw mismo, yung nagpaparamdam saken na wala nang pag-asa.
Yung sinabi kong "pagod na", ang katapat nu'n ay "pahinga".
Pero inisip mo, na dahil pagod na ako, hindi na tayo magwowork, kaya kailangang tapusin na.

Makalipas ang dalawang linggo, ang sabi mo "Usap tayo".
Ang saya ko kasi nung araw na yun, feeling ko magkakaayos na tayo.
Lumipas ang ilang oras na yung mga sinasabi mo, puro negatibo.
Kahit na yung mga sinasabi ko, ay puro positibo.

Nung pauwi na ako, biglang may text mo.
Na "Ayaw kong makita kang umiiyak, kaya hindi ko masabi sayo".
"Hindi na talaga magwowork. Sorry. Goodbye.", yun pa yung sabi mo.
Kahit nasa jeep ako, yung luha ko bigla nalang tumulo.

Ang sabi ko "Ayaw ko pa."
Pero bigla mong sinabi na "Ayaw ko na."
Ako'y biglang natulala, hindi makapaniwala.
Ang daing pala'y magiging sobra-sobra, 'pag sa'yo na mismo nanggaling na wala na talaga.

Mahal, mahal na mahal kita.
Pero yung lahat sa atin ay hanggang dito na muna.
Hindi ako sumuko, di dahil sa wala na.
Sumuko nalang ako, dahil pinaramdam mo sa'ken na talagang tapos na.

Ngayong wala na yung "Tayo", masaya parin ako.
Kasi kahit papaano, nag-uusap parin tayo.
Kahit hindi na kagaya nung dati, yung relasyon na meron tayo.
Atleast, alam ko parin, kung ano ang nangyayari sa'yo.

Hindi man nagtagal kung anong espesyal na meron sa atin,
pero sa puso ko, ikaw ay mananatili parin.
Itong bagay na 'to lang, ang lagi mong iisipin.
"Yung nakilala mong ako, ay ako parin."

#ByYoursTruly

5
$ 0.01
$ 0.01 from @ace.fear_02
Avatar for Spotty22.
4 years ago

Comments

Binasa ko yung tula mula umpisa hanggang dulo. May iilan lang na pwedeng baguhin sa technicalities, pero solid 'to. Ang bigat ng atake. At mas lalo pang naging mas mabigat yung dating kasi parang dama mo talaga yung sakit. 🙃 I hope you are better now and healed and moved on.

$ 0.00
4 years ago

Hi @charmingcherry08 😊 I'm totally healed right now. 2018 ko pa yan nagawa 😅 Ganun ata talaga ako pag nasasaktan, nakakagawa ng kanta/tula. 😊😊😊

$ 0.00
4 years ago

Totoo yan. Ganyan din ako madalas. Mas nakakagawa ako ng piece kapag nasasaktan o may pinagdadaanan. 🤗 Keep it up. Sumulat ka lang tapos ilapag mo dito, babasahin ko yan. 🙃

$ 0.00
4 years ago

Ganun ata talaga noh 😊 Thank you sa suporta ❤️

$ 0.00
4 years ago

Walang anuman! 🙃🤩

$ 0.00
4 years ago

😊😊😊😊

$ 0.00
4 years ago