Ang litratong ito ay kinunan noong kami ay nagfieldtrip. Kasama ko ang mga kaklase ko at guro ko sa litrato. Ang lugar na ito ay Shercon Resort and Ecology Park na matatagpuan sa Mataas na Kahoy, Batangas City. Ito ang isa sa mga lugar na hindi ko malilimutan dahil para sa akin ang lugar na ito ay kayamanan dahil dito ko natutunan kung paano nahasa ang aking kakayahan sa mga team building activities. Masaya ako kasi nakapunta ako ditto, lugar na kung saan mababago at uunlad ang iyong personalidad. Sa bawat araw na namalagi ako ditto, naranasan kong maging independent kahit na isa’t kalahating araw lang kami dito. Ang mga karanasan ko dito sa lugar na ito ay hinding-hindi ko malilimutan dahil naging parte ito ng buhay ko.
Isa sa mga lugar na dinadayo kapag may fieldtrip ang isang paaralan ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang isa sa mga bangko na kung saan dito nagmumula ang pera ng ating bansa. Pumunta kami ditto dahil isa ito sa mga destinasyon na kailangan naming puntahan noong ako’y nasa 11 na baitang. Makikita dito ang ebolusyon ng pera n gating bansa. Nakita ko rin ang mga iba’t-ibang kagamitan na ginamit ng ating sinaunang Pilipino sa pakikipagkalakalan. Pinanood sa amin ng babae kung paano nga ba gumagawa ng pera. Masaya ako dahil marami akong natutunan lalo na sa pera. At saka nakita ko rin ditto ang mga susunod n magiging pera ng bansa. Dahil sa lugar na ito mas lumawak pa ang aking kaalaman tungkol sap era. Hinding-hindi ko malilimutan ang lugar na ito dahil sa marami akong natutunan tungkol sa yaman ng ating bansang “Pilipinas”.
Ang isa sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turista sa lalawigan ng Quezon ito ay ang “Kamayan sa Palaisdaan”. Pumunta kami dito dahil sa kaarawan ng lola at lolo ko. Ang pagpunta kasi naming ditto ay aksidente, dahil sa wala na talaga kaming makainan dahil halos lahat ay puno na. Kasama ko dito ay ang aking pamilya at kamag-anak. Marami akong nakitang magagandang tanawin katulad na lamang sa paakyat na bahagi ng palaisdaan. Dito rin kami kumain ng iba’t-ibang putahe na ang pinakasangkap ay mga isada, suso, at iba pa. Para sa akin sobrang sarap ng pagkain nila, halos hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil sa kabusugan. Ang larawan na aking kinapit ay isa sa mga parte ng Kamayan sa Palaisdaan na kung saan ito ay ang isang “coffee shop”. Masaya ako dahil napuntahan ko ang lugar na ito, para sa akin isa ito sa mga lugar na bibigyan ko ng panahon para makapagpahinga. Noong araw na iyon ay naidiwang ng maayos ang kaarawan ng lolo at lola ko. Hindi naging hadlang ang aksidente sa pagdiriwang naming at nagpapasalamat ako sa Diyos para dito.
Ang isa sa mga dinarayo ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang paaralan ang Malacanang Palace na kung saan ito ay ang matatagpuan sa kamaynilaan. Ang palasyo ng Malacanang ay ang opisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas. Pumunta kami ditto dahil ito ang isa sa mga lugar na dapat naming puntahan sa fieldtrip. Ang una kong naging ekspresyon ng pumunta kami dito ay namangha. Dahil sa dito naganap ang mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa. Sa pagpasok ko sa lugar na ito ay tumambad na sa akin ang mga iba’t-ibang silid na kung saan ay ang mga silid ng pagpupulong, mga first lady pangulo, at iba pa. Namangha ako noong pumunta kami sa silid ng mga naging pangulo sa ating bansa. Nakita ko ang mga magagandang mga lamesa, koleksiyon at iba pa ng mga nakaraang pangulo. Sa pagpunta ko ditto ay marami akong natutunan. Para sa kin ang lugar na ito ay lugar na hindi maaaring kalimutan dahil ito ang lugar kung bakit may kalayaan tayo ngayon.
Ang Elite Techno Park ang isa sa mga unang parke na kung saan nagtuturo ng mga techno-vocational track sa K-12. Pumunta kami sa lugar na ito dahil sa isa rin ito sa mga lugar na kailangan namin puntahan sa fieldtrip. Noong nagpunat sa lugar na ito ay namangha ako sa mga nakita ko. Nakita ko ang mga iba’t-ibang uri ng teknolohiya na maaari naming magamit sa hinaharap. Namangha din ako sa robot na nagsasayaw kasi ngayon palang ako nakakita ng nagsasayaw na robot. Marami talaga akong natutunan sa lugar na ito at alam ko sa sarili ko na balang araw ay magagamit koi to sa hinaharap.
Ito ang mga lugar na napuntahan ko noong taong 2018. Ang masasabi ko lamang ay lahat ng lugar na ito ay maganda ay maipagmamalaki ng ating bansa. Alam ko na itong mga lugar na ito ay tatak sa aking puso at isipan. Masaya ako kasi napuntahan ko itong mga lugar na ito!.
❤️❤️❤️